Wishing They Exist


Wishing They Exist》
Written By:Kimshii 星
Genre:Fantasy
~One Shot~
“Nung nakaraang linggo’y natuklasan ko mula kay Lucy na ang mga Anghel na itim ay bumaba mula sa langit upang pumaslang ng mga tao”Tamad kong panimula
“anghel na itim? May roon bang ganoon?”Takang baling saakin ni Maricar
“Oo naman may’rong ganoon. at isa pa nabasa ko iyon sa aklat na pinahiram saakin ni lucy. Alam mo ba ang mas lalong nakamamangha?”nasiglahan akong magkwento sa kanya kaya lumapit ako’t bumulong
“Ano un?”Aniya
“Ang mga anghel raw ay may kaparehang mortal rito sa lupa”Manghang wika ko’t ngumiti
“Hay nako Angel napakalayo mo sa katotohanan.” Sambit nito saakin at umiling iling
“Anong malayo sa katotohanan?”nguso ko rito
“Ang mga sinasabi mo’y sarili mo lamang katangisip. maaring dinadamayan ka ni lucy sa kahibangan mo. Pero isa lang ang sasabihin ko. Ang mga anghel na itim o kahit anong nililikhan ng iyong isip ay isa lamang katangisip. naiintindihan mo ba ako angel?”Lalong humaba ang aking nguso’t matamlay na tumango
kailan ba nila ako paniniwalaan?
“Mahabagang langit nais ko pong kayo’y magbaba ng anghel upang patunayan sa kanila na ako’y hindi nagsisinungaling!”sigaw ko sa kalangitan. Mula sa pagkakaupo sa batong malapit sa batis ay agad akong napatayo ng malakas na kumidlat ang kalangitan. Ngumiti ako’t galak na pinagmamasdan ang kalangitan. Sya ba’y nakinig?
“Magandang hapon binibini?”
“Ay palaka”Napabalikwas ako sa gulat ng marinig ang marahang boses ng kung sino.
Itinagid ko ang aking ulo para makita ang nagsalita
“A-anghel?”gulat at manghang tugon ko rito. Tipid itong ngumiti’t Tumango
“T-tama ba ako? Hindi ba ako nagiimahe? Totoo ka nga ba?” Sunod sunod kong tanong rito habang hindi parin nawawala ang halong halong imusyon na bumabalot saakin ngayon.
Ang kanyang pakpak na itim ang nagbigay saakin ng motibo
“Teka. isa isa lang”ngising sambit nito na nagpabalik saaking ulirat
“Pasensya na sadyang ako’y namanghalang ngunit? Totoo ka nga ba?”
“Tanong nanaman sandali lang binibini.
Sa una mong tanong Oo totoo ako, pangalawa, Oo hindi ka nagiimahe at pangatlo Totoong totoo ako binibini.” Ngiting salaysay nito
“Naniniwala kaba saamin?”sunod pa nya
“Oo naman! Sa totoo nga ako’y may mga librong binabasa tungkol sa uri ninyo at base roon kayo nga’y totoo! At ngayon ako mismo ang nagpatunay noon.”
“Kahit ako’y iyong nasaksihan malabong paniwalaan ka nila binibini. Para sa kanila’y isa kang hibang”napaatras ang aking ulo ng wala sa oras.
“Grabe? Anghel kaba talaga?”Bulyaw ko rito. Tumawa nalang sya’t tipid na tumango
Agad akong nakaramdam ng kaba ng may naalala
“Hindi ba’t pumapatay kayo ng tao?”utal-utal kong sabi. Halata ang pagkagulat nito saaking sinabi
“Hindi binibini. Pawang kasinungalingan iyan. Alagad kami ni ama kaya hindi namin kayang pumatay ng taong gaya mo.”Tumango ako’t namanghang muli. Parang hindi ko makontrol ang aking sarili dahil maya maya ako nagtatanong.
“Maiba ng usapan. Ano ang iyong pakay rito sa lupa?”
“May hinahanap akong isang tao” tipid nyang sagot habang ang mukha’y seryoso
“Uhm sino naman iyon?”
“Sya ang babaeng aking kapareha. Pinahintulutan ako ni ama na bumaba rito sa lupa’t hanapin sya”
“Ah…kung ganon iyon ang misyon mo?”
“Tama ka…”
“Ka’y galing parang tuloy gusto konang maging anghel. Ngunit? Nakakapagtaka? Ang mga anghel ay hindi pwedeg umibig sa tao kaya papaano kayo nagkaroon ng kapareha?”
“Hindi lahat ng anghel ay hindi pwedeng umibig. Kaming mga itim na anghel ay may karapatang magmahal sapagkat kami’y tao rin noon. Namatay kami ngunit naging mabuti kami rito sa lupa kaya naman pinahintulutan kaming maging anghel at may karapatang umibig sa ibaba .iyon ang dahilan kung bakit hinahanap ko ang aking kapareha”
“Sana lahat ay may kapareha. Upang hindi na sila maghanap pa ng iba’t makuntento nalang sa isa”wala sa ulirat kong saad
“May nakalaan sa bawat isa. Hintayin mo ang panahon at sya’y kusang ibibigay sayo ni ama”bahagyang nagkaroon ng mumunting paro paro ang aking puso.
“Sana nga…”
“Batid ko ang iyong pangungulila. Ngunit napapansin ko rin na ika’y isang matatag na babae”nanlaki ang aking mata’t binalingan sya
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Ano ang iyong ngalan binibini?”kumurap ako ng isang beses
“A-ako si angel”tipid kong tugon sabay tipid na ngumiti
“Tama ako ng hinala…”aniya sa kawalan.
“Huh?”
“Ikaw nga sya..”kunot noo akong tinitigan sya. Ngayon ko lang napagtantong napakaamo ng kanyang mukha. Ang kanyang ilong ay napakatangos. Ang kanyang labi na kasing pula ng mansanas. Ang kanyang kilay na may kakapalan. Ang kanyang mata na mataman at maamo kung pagmasdan. Ang kanyang...


kaputian at buhok na kulot. Ay totoong nagpapabihag saaking puso ngayon. Sana’y ako nalang ang kanyang kapareha. Kung pwede lang maging akin nalang ang nilalang na ito.
“Pag dilim ay muli kang bumalik rito’t may sasabihin ako sayo”tumayo sya’t lumakad. Tumayo rin ako’t tinawag sya
“Ginoo…” Bahagya itong bumaling saakin at tinaas ang kilay
“Hmm?”
“A-ano ang iyong ngalan?”nanliit ang aking isang mata ng hindi ito sumagot. Akala ko’y tuluyan nya na akong iiwan at hindi na lamang papansinin ang aking tanong
“Ako si…Helios”ngumiti ito’t nagpatuloy na sa paglayo saakin.
“Babalik ako helios..”
Inantay kong magtakip silim bago umalis. Hindi na ako kumain dahil hindi rin ako mapakali.
Alasais pa lamang ng gabi ay naruon na ako. Bandang alas syete ay natanaw kona sya. Ito na ang kabang kanina kopa rin iniinda
“H-helios?”salubong ko
“Magandang gabi angel”malambing na pagbabalik nya
“Uhmm pwede mona bang sabihin?” Hindi na talaga ako mapakali. Animo’y pilit akong inuudyok ng aking puso na magtanong na kay helios. At nabasa ko rin sa libro na ganito sila kung magtapat.
“Hmm. Halika’t maupo tayo”dalian akong umupo’t muling tinuon ang tingin sa kanya habang naglilikot ang aking kamay.
“Ganyan kaba talaga kainteresado?”sarkastikong tawa nito’t naupo rin
“Oo. Hindi kasi ako mapakali kanina pa.”tipid kong saad
“O’sya may iuutos muna ako.” Tumango ako’t tinitigan sya lalo
“Tignan mo ang buwan…”marahang sambit nya.
Mabagal akong bumaling sa kalangitan at tinitigan ang bilugan ngunit maliwanag na buwan.
“Hindi ba’t kay ganda nya?”Masuyong hangin ang nagpapasayaw saaking buhok.
“tama ka…ang kanyang pagning ning ay napakaganda”tila ba’y napakalma ako ng buwang ito.
“Iyon ang tingin ko sa iyo”kumurap ako ng isang beses sabay baling sa kanya
“Mas maganda ang buwan saakin-”
“parehas lang. sa buwan na iyan. dyan kita palaging pinagmamasdan noon. Iniisip kong tamang tao ka bilang aking kapareha. Ka’y swerte ko’t biniyayaan ako ni ama ng gaya mo. at ngayong nahanap na kita ako’y muling mananatili na rito sa lupa” dapat ko ba syang paniwalaan?.
Tumingin sya saakin. at mabagal na inangat ang kanyang kamay sabay inilapat saaking pisngi. may pinunasan sya roon. duon kolang napagtantong umiiyak na pala ako. nagiwas ako ng tingin kaya ang kamay nya’y naiwan sa ere
“wag mo akong biruan-”
” hindi marunong magbiro ang mga anghel”pagputol nya sa aking sinabi
“i-ibig sabihin? ako ang iyong kapareha?”utal-utal kong sambit. Tumingin ito saaking mga mata. Salit-salitan nya iyong pinagmamasdan. ngumiti sya’t tipid na tumango
“Batid kong iyon rin ang iyong gusto”Wala sa sarili akong tumango’t sinuklian ang kanyang ngiti.
“matagal na…”
“Angel?… Angel!?” hampas ni maricar ang nagpagising saakin.
“Hmm?”napabalikwas ako ng tayo’t naguguluhang hinarap si maricar
“nasan yung lalaki?”agad kong tanong rito’t hinawakan pa ang kanyang magkabilang braso
“anong lalaki?”halatang pagtataka nya ang namayani
“Y-yung lalaki.y-yung anghel na itim kausap ko sya..”Hindi magkandamayaw ang aking sarili’t pilit na pinaaamin si maricar
“hoi? babae. kanina matino kang nagbabasa ng weirdong librong iyan tapos nakatulog kalang para ka nang pumunta sa ibang mundo’t naghanap pa ng lalaki saakin?aba-aba angel malala na yan” dinampot ni maricar ang walis nya’t nagpatuloy sa paglilinis ng kalat
“totoong may lalaki… nakita ko sya,nakausap at sinabi nyang ako ang kanyang kapareha…”
“nako…nako angel ayan na nga ba ang sinasabi ko…iba talaga ang nagagawa ng mga librong iyan”umiling iling ito’t animo’y di makapaniwala saaking sinasabi
“Uuwe nako”kinuha ko ang libro’t dali daling lumabas sa bahay nya
‘hoi! bumalik ka rito! akala ko ba dito ka matutulog!”rinig ko pang sigaw nya ngunit hindi kona iyon pinansin.
totoong may nakita akong anghel. Bakit ba ayaw nanaman nila akong paniwalaan. at isa pa kung panaginip iyon. bakit parang tunay?
naglalakad ako papasok sa kakahuyan ng may tumawag saakin
“magandang gabi binibini?” sa gulat ay napaatras akong bumaling rito. sandali akong natigilan at pilit kinilala ang lalaking tipid na nakangiti saakin ngayon. madilim man ang paligid ay para syang nagniningning.
“a-ano ang iyong pangalan?”Lakas loob kong tanong rito. lumunok ako ng isang beses at sinimulang kabahan.
Ang kanyang pakpak na hindi ko napansin nung una’y bumuka’t mangha pa akong napatingin roon. bukod sa malapad na’y kumikintab pa ito sa kulay nyang purong itim.
“ako si helios…Ang iyong kapareha…”
“ikaw ang para saakin… ”
Ang malamig na simoy ng hangin…
Ang kanyang boses…
Ang buwan na nanonood saamin ngayon…
Ang lahat ng nasa aking paligid ay parang nagniningning. lalo na ang lalaking ito.
“totoo nga sila’t isa ako sa itinakda para sa kanya…”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top