DANGEROUS MAFIA ” CHAPTER 3❀


SAMANTHA POV*
NAUPO ako sa malapit sa isang park at jusko nagugutom na ako mula kahapon pa ako hindi kumakain.
” OMG… Ang ganda naman na babae iniyan.” napatingin ako sa pinagmumulan ng usapan at napansin kung ako pala ang tinitignan.
” Tingnan mo’t wala pang sapin ang paa baka baliw yan.”
” Ang ganda naman baliw niyan pang modelo yung kutis oh.. Kabog. ”
” Mukha siyang Angel no ! Simpleng malaking T-shirt pero talagang litaw ang ganda para siyang dyosa.”
” Hali kana at baka magalit sa atin yung boss natin, masungit pa naman si Mister Nolan baka matanggal tayo.” sabi pa nung isa.
Parang narinig ko na yung pangalan na binanggit niya saan ko nga ba yun narinig, pilit kung iniisip pero wala talaga akong maisip siguro ay sa gutom narin.
Halos ng tao sa paligid ay tinitingnan ako at sinusundaan ako ng tingin hindi ko alam kung madungis ba ako o ano pero wala naman akong dumi?
Napatingin ako sa mga paa ko Oo! Nga pala wala akong sapin sa paa Haha
Nagulat ako sa pagkulo ng tiyan ko at napahawak ako sa tiyan ko napatingin ako sa paligid nagulat ako sa lalaking nakatingin sa akin.
Naka shades ito at gwapo pa nga ito kung tutuosin nagulat ako ng ngumiti ito. Kaya’t ibinaling ko ang akin paningin sa iba.
” Why would a Princess like you be here and barefoot. ?” nagulat ako sa sinabi niya at napatayo.
Paano niya ako nakilala? Kilala din ba ako dito ? Napatingin ako sa paligid at yumuko ayoko umuwi hindi pwede.
Tatalikod na sana ako ng pumunta ulit siya sa harapan ko at nag smile ang cute niya.
” Relax! only people like me, ang nakakakilala sayo yung mga tao na nakalayanan bumili ng libo na magazine mo at mga taga hanga mo lamang.” Ngumiti ito sa akin at tinanggal ang kanyang salamin, pinakita nito ang magazine at nakita ko ang mukha ko dun na bago palang kinuha ko iyon at pinagmasdan,
” You’re beautiful there ” sabi pa nito na ikinatango ko ang ganda ganda ko dito sa Magazine na aamaze ako sa sarili ko napatingin ako sa lalaki na hanggang ngayon ay nakangiti sa akin creepy niya lang.
Napakaamo ng mukha niya nagulat ako ng kargahin niya ako at para akong bride na hindi ko malaman.
” Mister pasensya na pero hindi kase ako sumasama sa hindi ko kilala–
” Hahah Ako si Drake Montefalco isang businessman ng DM COMPANY EMPIRE idol kita alam mo ba yun.” sabi nito at tumingin sa akin.
” Sige ganito nalang, ibabalik kita sa bahay n’yo para talagang malaman mong hindi ako masamang tao–
” W-wag.. Wag mo ako iuwi sa amin nakikiusap ako sayo please wag! ” sabi ko pa dito nagulat ito sa sinabi ko at tumingin sa akin ng seryoso.
” Lumayas kaba? ” tanong niya sa akin na ikinatango ko nalamang at tumawa siya.
” So ano bang balak mo Princess Samantha ? ” hindi ko alam pero napakagalang niya sa akin feeling ko’y ang bait niya pero hindi dapat ako nagpapaloko baka hindi ko pa siya kilala.
Napatingin ako sa mga tao na nakatingin din pala sa akin at hindi ko alam ay napasiksik nalamang ako sa kanya na ikinatawa niya lamang.
” Siguro ay kailangan na natin umalis sa lugar na ito. Sumama kana muna sa akin alam kung wala kang tutuluyan.” Napatingin ito sa akin ewan ko ba’t parang napakaamo niya at tunog mabait siya para sa akin.
” Hindi mo ba ako ibebenta o sasaktan? ” sabi ko at napapanood ko kase sa tv yun, malay kung totoo pala iyon.
” Aba’t bakit mo naman naisipan ibebenta kita ? Hahah mukha ba akong nagbebenta ng babae ? ” napatingin ito sa akin at tumatawa kulang na nga lang ay malagutan na siya ng hininga.
” Wag ka nga tumawa.” hindi ko alam na tumawa na din ako.
Napagala ang tingin ko ng makita ko ang mga naglalakihan building.
” Gusto ko lang maging simpleng babae sana at maranasan ang mga ginagawa ng simpleng tao. ” Masaya kung sabi na ikinatango naman niya.
” Pwede bang ikaw ang tumulong sa akin ipasok mo naman ako sa trabaho, tapos gusto ko din maranasan ang byahe, tapos kumain sa simple lang.” agad naman napatigil ang kotse niya at para bang sinasabi niya sa akin nahihibang na ba ako.
” Sigurado ka? Marunong kaba sa lahat ng bagay.” sabi niya na ikinailing ko na ikinatawa niya ng malakas.
” Sige tutulungan kita pero sa isang kundisyon.” Agad ako napalunok sa kapalit, baka naman ang akin puri ?agad akong napatakip sa akin katawan na mas ikinatawa niya pa lalo ito.
” Relax kalang mukha ba iyan ang hihingiin ko? Haha ” agad akong napahinga ng maganda at ngumiti sa kanya.
” So ano yung kundisyon. ” sabi ko dito.
” Payagan mo akong bantayan kita at suportahan kahit saan bagay.” Sabi niya at ngumiti.
Namula ako sa kabutihan niyan loob sa akin at tiningnan n’ya ako Ang cute niya sa totoo lang hindi kagaya ng masungit na yun.
Bigla kung na alala yung lalaking yun at napahawak sa palasingsingan ko na ikinatingin naman ni Drake.
” Ohhh are you Married? ” sabi niya na ikinamot niya para bang sa mukha niya na lungkot siya pero baka malikmata ko lang yun.
” No! Ahh design lang yan, tingnan mo’t ayaw na nga niya matanggal.” sabi ko na tumawa ng pagak.
” Mamahalin yan ah!! Diba ay bagong labas lang yan ? ” sabi niya sa akin at napatingin ako baka nagkataon lamang yun.
Bigla kung ibinaling sa iba ang mga mata ko at na amaze na naman ako sa ganda.
” Wow.. Ano ang tawag niyo...


sa malaking bilog na yun. ” naiigno kung sabi sa nakita kung malaking bilog na umiikot.
” Ahh MOA iyan! yung malaking Mall na ginagalaan ng madaming tao. ” Para naman akong na excite parang masaya diyan hindi pa ako nakakakita ng Mall sa talambuhay ko kaya’t napatingin ako sa kanya.
” Pwede mo ba akong ipasok dun please. ” nangkukumbinsi ko naman na pilit na ikinatawa niya at nagulat ako na lumiko siya papunta dun.
Masaya akong bumaba ng makarating kami dun pero nagulat ako ng kinarga niya ulit ako at ibinigay sa akin ang shades at sumbrero.
” Baka ay may makakilala sayo dito mas maganda na yung sigurado tayo, tsaka wala kapang sapin sa paa bibili rin tayo ng mga gamit mo.” sabi niya na mas nagustuhan ko.
” Pag nagkatrabaho ako ay mababayaran din kita ngayon ay pautang na muna ako. ” sabi ko na nakangiti sa kanya.
Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko napasimangot tuloy ako para kung aso e
Madaming tao ang nakatingin sa amin at nag bubulungan kaya’t bumaba ako sa kanya at masaya kung nanakbo.
” Wow.. Ang ganda naman tingnan mo oh. ” nakakita ako ng napakalaking bulaklak at natatawa ito sa akin.
” Halika dun. Ibibili kita ng damit mo at sapin sa magaganda mong paa.” mabilis naman ako sumunod sa kanya at pumasok sa sinasabi niya.
Napanganga ako sa daming mga iba’t ibang klaseng damit, sapatos, bag at iba pa nakita ko siya sa sky blue na dress at dun din na focus ang mata ko ang ganda kasi simple pero kahalina halina.
” Miss kukuhain ko ito pati na ito. ” sabi niya sa babae na sunod ng sunod sa amin.
” Magbihis ka dun oh.” sabi niya sa akin sa isang parang box.
” Wala bang sisilip sa akin diyan? ” sabi ko na tinitingnan ang takip ng manipis na puting kurtina.
” Wag kang mag alala andito ako sa labas at babantayan kita.” Ngumiti ito sa akin.
Agad akong nagpalit at isinuot iyon at napamangha ako sa akin nakikita sa sarili ang ganda ko para na ako ngayon prinsesa.
” Tapos kana ba? ” sabi niya sa akin at agad akong lumabas kahit siya ay natulala pati na din yung mga babae sa loob kahit ang mga tao.
” Bakit ang pangit ko ba? ” sabi ko pa dito.
” No! You’re look beautiful that dress” nakatulala nitong sabi sa akin.
” Wow.. Ma’am nakakainggit ka naman para ka pong dyosa ang ganda ganda n’yo po” sabi nito sa akin at ngumiti naman ako.
” Para bang nakikilala kita Ma’am parang nagkita na tayo some where.” Agad akong hinila ni Drake at niyakap.
” Baka’y nagkakamali lang kayo itong girlfriend ko ay hinding kilala na tao.” kumindat ito sa akin at ikinatawa ko lamang.
” Heto ang bayad ng lahat ng kinuha namin.” para kung malulula sa mga kinuha niya siguro habang nag bibihis ako ay busy naman siyang maghanap ng mga kailangan ko
” Tari ka pagugupitan na natin yung buhok mo para di ka nila makilala.” agad akong nalungkot buhay ko ang buhok ko.
” Why? ” sabi niya na nag aalala sa akin.
” Pwede bang pakulayan nalang natin ang buhok ko? Ayoko kase magupitan ang buhok ko. ” sabi ko dito at ginulo na naman niya ang buhok ko.
” Fine.. Papakulayan natin ng black ang buhok mo okay lang ba? ” sabi niya sa akin blonde kasi ito kaya’t hindi ako sure kung babagay ba ito.
Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko napakaganda ng mukha ko at lumitaw pa ang kaputian ko ng mapakulayan ang buhok ko ang ganda ko feeling ko ay mas bumagay sa akin sa maamo kung mukha.
” Mas bumagay sayo.” sabi nito
Kruuu Kruuu
Nahiya ako ng kumulo ang tiyan ko sa gutom at napayuko ako kung pwede lang lumubog ay ginawa ko na.
” Haha tari ka na nagutom ka siguro sa mga ginawa natin.” sabi niya sa akin at niyaya ako kung saan.
” JOLLIBEE ”
pagkapasok ko pa lamang ay napakadaming tao ang nakatingin sa amin madami din bata at napatingin ako sa slide at nanakbo dun.
” wow… Pwede ako makisali ? “gusto ko lang naman maranasan lahat.
Agad akong pumasok sa bahay na maliit at nakiupo dun.
” Miss prinsesa ka po ba? ” sabi sa akin ng bata.
” Ha? Hindi ah.” pagmamaang maangan ko.
” Ang ganda ganda nyo po sana ay kasing ganda ko po kayo.” sabi nito sa akin na ikinatawa ko.
” Ano kaba may kanya kanya tayong ganda maganda ka naman ah.” sabi ko pa dito.
Nagulat ako ng mag ikot ang mga bata sa akin at nag gawa sila ng parang bilog.
” Ikaw ang prinsesa namin Miss. ” sabi sa akin ng batang lalaki.
Kumanta sila at hindi ko alam pero nakikipalakpak ako nagulat ako ng may nag flash na camera at napatakip ako agad naman ako hinila ni Drake at binalot ako ng Jacket.
” Ikaw akala ko’y nawala kana bigla ka naman pumunta dito. Haha tari kana dun nalamang tayo sa kotse ko kumain. ” hila nito sa akin at tumango nalamang ako at kumaway sa mga bata.
Sarap na sarap ako sa pagkain at halos di ko tinigilan ang pagkain at tawa lang ng tawa ang kalapit ko.
” Para kang hindi prinsesa ang lakas mo lumamon.” sabi nito at nabulunan tuloy ako.
” Shit! Im sorry here drink this.” abot niya sa akin.
Nakahinga naman ako pagkainum ko nun ang sarap din ng inumin ko.
” Mula kahapon pa kasi ako di nakakain sobra talaga gutom ko.” sabi ko at ngumiti lamang siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
To be continue…
#LazyPandaAuthorβ€πŸ“






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top