AUTHOR: ME( AUTUMN AVERY)/ MariangLJ
GENRE: Rom-Com, Action
🖋️PROLOGUE
Isang napakatahimik na hating gabi ang nabulabog dahil sa naganap na sunog sa isang hospital. Nag-umpisa ang sunog sa Neonatal Intensive Care Unit o NICU kung saan inilalagay ang mga bagong silang na sanggol na nangangailangan ng espesyal na pagbabantay at pag-aalaga.
Rinig ang mga iyak ng mga kakapanganak na mga ginang dulot ng labis na pag-aalala sa kanilang mga Anak.
Isa sa mga ginang ay nagpupumiglas sa mga pulis at nurses kahit na galing lang ito sa napakadelikadong operasyon.
” Madam, maghunos dili ka ho. Ginagawa na namin lahat ng paraan. ” Sabi ng isang bombero na tumulong na rin sa pagpigil sa Ginang.
” Lahat ng paraan? Pwes kulang pa rin! Padaanin niyo ako! ” sigaw nito.
Kaya wala ng ibang mapiling paraan ang mga nurses na nandun. Tinurukan nila ito ng pampatulog, at ilang saglit pa ay unti-unti ng tumigil sa pagpupumiglas at tuluyan na ngang nakatulog.
~~
Sa kabilang banda.
“Tama ba tong ginagawa natin?” Tanong ng isang lalaki sa kasama neto.
” Matagal ng hindi tama ang ginagawa natin, ngayon ka pa ba aatras? Ha! ” Sabi naman nito pabalik.
” Alam...