DEPRESSION BECAUSE OF FAMILY


DEPRESSION BECAUSE OF FAMILY
-trishieees
dedicated to: Mymy P’rtty
GENRE: TRAGIC
πŸ–‡οΈβ€”IF YOU HAVE A TRUST ISSUE, I’M WARNING YOU. THIS STORY REALLY BROKES YOUR HEART SO IF YOU ARE SENSTIVE AND EASILY TO HURT, YOU CAN SKIP THIS ONE.
________________________________________________________________________________________
“Wala kang kwenta, palamunin ka!”
“Ano ba naman ‘yan? Mataas na grade na lang ‘di mo pa magawa?”
“Buti pa ‘yung anak ni Dalia, matataas ang grade tapos top 1 pa!”
“Wala ka na lang ibang ginawa kundi umalis ng bahay! Bakit hindi ka na lang manatili dito at tumulong ng gawaing bahay?”
Una. Habang bata pa lang ako ay naririnig ko na ang mga salitang ‘yan mula sa magulang ko. Hinayaan ko lang dahil nga wala pa naman akong pakealam dahil bukod sa bata pa ‘ko, hindi ko pa masyado naiintindihan ang sinasabi nila.
Pero… ‘Nang unti unti akong nagkakaroon ng sariling isip ay lahat na lang ay parang nagbago. Bawat salita na kanilang binibitawan ay para bang sumasaksak sa puso ko dahilan para masaktan ako.
“Congrats! Grabe top 3 ka! Paano ‘yun?” Bati sa akin ni Grizell, kaibigan ko.
Napangiti naman ako at nagpasalat. Top 3 ako. 93 ang average ko at wala akong line of 8 sa card pero hindi man lang nag attend ang parents ko para man lang sa awarding.
Tulad ng inaasahan ko pag uwi ay binungad niya ‘ko ng maraming salita.
“Top 3 ka lang? Bakit naman ganu’n lang? Ang anak ni Dalia top 1 tapos 95 ‘yung average. Ikaw? Ano ba naman ‘yan?”
Nanatili lang akong tahimik habang tinitignan niya ang grade ko. Hindi pa ba sapat ‘yun? Kailangan ba talagang ikumpara ako sa ibang tao?
Buti pa sa labas ng bahay binabati at ipinagmamalaki ako pero sa mismong lugar kung saan tinuring kong tahanan ay hindi ‘yun kayang maibigay sa’kin.
“Puro ka nanaman cellphone! Maglinis ka nga doon.”
Kahit kay ginagawa akong report sa phone ko ay mas pinili kong maglinis kahit na kakalinis ko lang kaysa marinig nanaman ang salita niya na sumasaksak sa loob ko.
Sa dami niyang inutos niya ay gabi na ‘ko natapos at doon lang ako nakagawa ng report ko. Pagod ako pero gumawa pa rin ako. Ito lang yata ang freetime ko, ang gabi kung saan tulog sila.
“Ang kapal naman ng mukha mong manghingi ng pera e palamunin ka na nga lang dito sa bahay.”
Napatikop lang ako ng labi at hindi na nangulit pa. Hindi baon ang hinihingi ko kundi pandagdag sa ipon ko. Hindi ko naman ginagastos ang perang binibigay nila sa’kin, tinitipon ko pa nga kung sa tutuusin.
Sa tuwing papasok ako ng paaralan ay nawawalan ako ng gana. Pakiramdam ko ay wala akong kwenta dahil sa pinagsasasabi ng magulang ko. Pakiramdam ko ay isa lang akong hampaslupa na pagala gala.
“May party mamaya! Sumama ka na!” Yaya sa akin ni Mia.
Ngumiti lang ako at umiling. “Kayo na lang.”
Gusto ko man ay alam kong hindi rin ako papayagan. Malapit na ‘ko mag18 at umaasa na luluwag sila sa akin ‘pag apak ko ng legal ko. Umaasa ako na sana ganu’n na nga.
“Party party amp. Puro lang landi ginagawa niyo e. Mga dalaga nga naman talaga ngayon. May oras sa pagpaparty pero kapag sa pag aaral e nganga.”
Landi ba ang pagpaparty? Ang alam ko ay kasiyahan ko. ‘Yun ang wala ako. Puro na lang sama ng loob ang mayroon ako at lahat ng ‘yun ay mula sa mismong pamilyang mayroon ako.
“Ang ganda ng kapatid mo, ikaw na dalaga na e mukha kang matanda. Hindi ka man lang marunong mag ayos ng sarili mo.”
Paano ako magkakaroon ng self confident kung mismong magulang ko nilalait ako? Paano aangat ang tingin ko sa sarili ko kung mismong pamilya ko binabagsak ako.
“HAHAHAHAHA Ate ang pangit mo daw sabi ‘nung mga tambay doon. Ako daw maganda sa’ting dalawa.”
Nanatili lang akong tahimik na parang walang narinig. Sa sobrang sama ng mundo sa akin ay kahit kapatid ko ay binabagsak ako dahil sa kaniya nakatuon ang atensyon ng mga magulang ko. Sa tuwing pupuriin ng maganda ay puro kapatid ko kaya lumalaki din ang ulo ng isang ‘to.
“Ang aayos ng itsura ng mga kaklase mo habang ikaw para kang manang. Nagmumukha kang nanay nila sa itsura mo.”
Parang sobrang lala na ng panlalait sa akin ng magulang ko. Parang nilalait na nila buong pagkatao ko. Alam niya ba...


na sila ang dahilan kung bakit wala akong balak mag ayos sa sarili ko? Dapat iangat nila ‘ko hindi ‘yung nilulugmok pa na parang hindi kadugo.
“Bakit magdedebut pa? Gastos lang ‘yan. Wala namang mapapala diyan e pagsasayang lang ng pera ‘yan. Natural na araw lang ‘yan, kinabukasan wala na din naman ‘yan, balik sa dati..”
Oo nga. Tama nga naman. Pero… Dalaga pa din ako. May mga bagay pa din na gusto kong mangyari. Hindi niya ba naisip na isang beses lang mag e 18 ang babae sa buong buhay? Hindi niya ba alam na ‘yun ang pinakaespesyal na araw ng mga babae?
“18th birthday ko, punta kayo ha!” Imbita sa akin ng kaibigan ko.
Gusto ko mang tumanggi ay pinilit niya ‘ko. Napangiti na lang ako sa isip na sana ganito din ang ganap sa 18th birthday ko. Todo ang inggit sa pagkatao ko. Kung paano siya mahalin ng nga tao sa paligid niya, kung paano siya tratuhing espesyal sa kaarawan niya, ‘yung lahat na ‘yun ay kabaliktaran ng nangyari sa’kin.
“Wala kang kwenta! Dapat nga hindi na lang kita pinanganak. Dapat nga namatay ka na lang. Puro na lang sakit ng ulo ang dala mo sa’kin!”
Napaiyak ako habang nakayuko. Pilit kong pinipigilan ang mga luha kong tumulo pero hindi ‘yun nahinto.
Wala akong kwenta?
Bakit nila ko binuo?
Bakit nila ‘ko binuhay?
Bakit niya pa ‘ko pinanganak?
Bakit pa nila ‘ko pinalaki?
Sa pagkakataong ito ay parang nandidimilim ang buong paningin ko. Nanatili lang akong tahimik na umiiyak habang puro satsat ang magulang ko.
“Nagsisisi ako na pinanganak pa kita, puro lang naman pala problema ang bigay mo ”
Bakit hindi nila makita ang halaga ko? Ganu’n ba talaga sila kabulag pagdating sa’kin?
“Nakakadissapoint ka! Inaasahan ko pa naman na ikaw ang magpapaangat sa atin e hindi naman pala! Palamunin ka na nga puro pa sakit ng ulo.”
Nakakadissapoint ba talaga ‘ko? Ang alam ko ay sapat na ang ginawa ko. Nag aral ako ng mabuti, nagsipag ako, sinunod ang mga gusto niyang gawin kahit na hindi ako masaya.
Hindi ako nagbarakda.
Hindi ako nag iinom.
Hindi ako palagala.
Hindi ako palaparty.
Hindi ako nanghihingi ng kung ano makasabay lang sa uso.
Laha ng mga bagay na ikakasaya ng isang dalaga ay hindi ko nagawa dahil sa kaniya, dahil sa kanila. Hindi ko naranasan na maging dalaga dahil puro pag aaral ang inatupag ko. Gusto ko rin makaexperience na nagsasaya pero bakit parang ipinagkakait nila sa’kin ‘yun.
Hindi ba dapat ang pamilya ang umaangat sa akin? Bakit parang sila pa ang lumubog sa’kin? ‘Yung lugar na tinuring kong tahanan, parang naging impyerno. ‘Yung taong sarili kong pamilya, parang naging ibang tao. ‘Yung pamilyang kinabibilangan ko, parang naging ibang tao.
Nang maiwan ako sa kwarto ay parang nawawala ako sa sarili. Gusto ko ng matapos ang lahat ng problema ko. Wala naman pala ‘kong kwenta e ano pang ginagawa ko dito?
Kumuha ako ng lubid at mahigpit na itinali ‘yun sa kahoy na nasa bubong. Itinali ko ‘yun sa leeg habang umiiyak. Umalis ako sa pagkakapak sa kama at hinayaang magpakasakal sa lubid. Naghahabol ako ng hininga at nagpapadyak para lang mahabol ang hininga. Saktong pagkatok ng kung sino man sa pinto ang pagkawala ng aking hininga. Happy 18th birthday self, you are now free in pain.
________________________________________________________________________________________
πŸ“Œβ€”To all parents out there, this is not judging you on how you discipline your child. Hindi ito sa pamamakealam kung paano ka magdesiplina sa anak mo pero palagi mong tatandaan na hindi lahat ng alam mo ay nauunawaan ng anak mo. Kung inaakala mong magiging motivation nila ang pagkumpara mo sa ibang anak, No. Lalong bumababa ang self-confident nila kapag kinukumpara sila sa ibang tao. Kung akala mo mag aayos sila sa pagsigaw sigaw mo, No. Lalo silang nasasaktan sa ginagawa mo. Kung inaakala mong wala silang pakealam sa bawat sinasabi mo, No. Sa bawat salitang inilalabas ng bibig mo, tumatatak ‘yun sa puso nila.
Words can kill person. Words is more painful than wounds and bruises. You know why? Ang sugat at pasa ay mawawala makalipas ang ilang araw pero ang masasakit na salita, hindi na ‘yun mawawala sa isip at puso mo.
Parents, be aware to your words. Ang simpleng salita ay pwedeng makaapekto sa bata. Matuto kang maghinay hinay, baka sa huli ay magsisi ka kung kailan hindi na pwedeng maayos pa.
-trishieees






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top