DEPRESSION


DEPRESSION
FAMILY PROBLEM
Yong ikaw ang palaging mali,wala ka ng ginawang tama sa paningin nila. Wala kang kakampi kundi tanging sarili mo lang. Kunting galaw mo lahat isisisi sayo. Pagod kana sa lahat pero nagagawa ka pa ring sumbatan. Let’s say na ginagawa nila ‘yon para itama ang bawat pag-kakamali natin pero minsan nakakapagod din lalo na hindi nila alam ‘yong pagod mo sa pag-aaral at mga ginagawa mo buong araw tapos nagagawa ka pa nilang pagsalitaan ng masasakit na salita at lalo na yong i-kompara ka nila sa iba.
SCHOOL PROBLEM
Ginawa mo naman lahat pero hanggang ‘dun lang talaga yung kaya mo. Alam mo ‘yung mahirap pagdating sa grades? sobrang taas ng expectation ng mga tao sayo. Kailangan mong lampasan yong iba para maging number one sa paningin nila.
Mapapagod ka kagagawa ng mga activities mga project minsan hindi kana nakakain ng tama, kulang ka rin minsan sa tulog kakaintindi ng mga assignment at lahat ng mga pinapagawa sainyo. Kailangan bago mag deadline tapos na lahat.
FAKE FRIENDS PROBLEM
Kaibigan. Sila yong kasama mo sa kasiyahan, asaran, kwentuhan pero...


pagdating sa kalungkutan bigla silang mawawala. Higit pa sa salitang kaibigan yong turing mo sakanila pero kabaliktaran ‘nun yong tingin nila sayo. Akala mo totoo yong pinapakita nila pero lahat yon parte ng pagkukunwari. Minsan nga ginagamit ka lang nila para sa isang bagay na gusto nila mula sayo. Kaya mahirap rin magtiwala ng sobra hindi naman kase lahat mananatiling totoo sayo.
SELF PROBLEM
Chubby, full of pimples, eyebag, messy hair,dry lips, and ugly face.
Mai-insecure ka nalang sa iba na sana ganyan rin ako kaganda, na sana katulad rin nila ako. Puro pang-huhusga pa yong matatanggap mo mula sa iba kaya nakakahiya na ring humarap sa maraming tao kase nawawalan kana ng tiwala sa sarili mo.
______
Minsan gusto mo nalang sumuko. Sa sobrang hirap ng dalhin lahat ng bigat ng pakiramdam. Feeling mo your a worthless person, halos lahat ng problema nasayo na. Pagod kana pero iniisip mo pa rin ‘yong mga taong umaasa sayo. Iiyak mo nalang lahat ng sakit tapos okay na ulit.
If your tired, just take a rest but don’t give up! cheer up!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top