DESISYON Part 1


DESISYON
Written by : Oh Ji Va
~~~ Part 1 ~~~
” Mama , papa tama na po ” Sigaw ng Kuya ko habang umiiyak na sumisigaw kila mama at papa .. habang ako ay umiiyak lang din sa isang gilid at pinagmamasdan ang aking mga magulang sa kanilang pag – aaway .
“Lumayas ka na dito kung ganyan ka ! Wala kang kwentang asawa ! Lahat binigay ko sayo dumami anak ko sayo kasi akala ko magiging matino ka na . Puro ka pambababae ! Lumayas ka dito . Magsama kayo ng babae mo ! ” Wika ni mama sabay tapon ng bag kay papa na may naglalaman ng mga damit .
” Anong babae ba pinagsasasabi mo ! Sino ba nagsabi sayo na may babae ako ! Baliw ka na ba ! ? ” Pasigaw na sagot ni papa .
“Wag ka ng magsinungaling nakita ka ng anak mo ! May kahalikan ka sa mamihan .! Mismong anak mo nakakita sayo . Paano mo nagagawa sa amin to ! Hayop ka ! Umalis ka na lang !” Galit na sabi ni mama habang lumuluha . ” Pag di ka umalis magpapakamatay ako sa mismong harapan mo ! Di ba yan naman ang gusto mo ?! ” Dugtong ni mama . Maya maya pumunta si mama sa may banda sa kusina kinuha nya ang aming gasera . Wala kasi kaming kuryente tanging gasera lang ang amkng ginagamit pang ilaw .
“Mama , mama , huwag po ! ” Umiiyak na sambit ko .habang ang dalawa ko pang mga kapatid ay umiiyak din .
” Anong gagawin mo ?” Tanong ni Papa kay mama . Walang sagot na lumabas kay mama . Kundi kinuha nya ang gasera at binuhos ito sa parteng hita nya . Kumuha sya ng posporo at sinindihan ito .
“Aaaaaaahhhhhhhhhhhh “! Sigaw ni mama na may halong pag iyak . Mababanaag kay mama na nasasaktan sya .
” Papa si mama ! Tulungan mo ! Papa ! ” Sambit ng kuya ko kay habang umiiyak at nagmamakaawa . Dahil nakikita namin na umaakyat at nagliliyab ang apoy sa binti ni mama habang sumisigaw ito .
Agad na pumunta si papa kay mama . Kinuha nya ang makapal namin na kumot at dali-dali nya itong binasa ng tubig hindi nya ito piniga at agad dineretso sa nasusunog na hita ni mama .
“Ano bang ginagawa mo !? Nababaliw ka na ba ?! ” Galit na sabi ng papa ko .
“Oo di ba ito naman ang gusto mo ? ” Sagot ni mama . “Umalis ka na dito wala kang kwentang ama at asawa kaya ko ang sarili ko . ” dugtong ni mama habang umiiyak .
Tumayo si papa . Bago sya lumabas kinuha nya ang bag na naglalaman ng damit na binato ni mama sa kanya . Binuhos nya ang laman ng bag . Nakita ko doon ang mga damit namin...


. Oo damit namin . Nagkamali si mama ng naibigay na bag . Nakita ko ang paborito kong damit . Ang gown na puti dahil noon lang ako nakaranas ng ganon kagandang damit . Mahirap lang kami at di kaya ibigay ni papa ang mga gusto namin . Isang trysikel driver si papa samantalang si mama ay tindera naman sa palengke . Apat kaming mag kakapatid . Tatlong lalaki at ako ang nagiisang babae . Sumunod ako sa panganay . Kaya masakit sa amin na nakikita silang nag aaway .
” Sige maghiwalay na tayo ! ” Sambit ni papa at binuhusan nya ng gas ang mga damit na ibinuhos nya na akala nya ay sa kanya . Sabay sinindihan nya ito . Hinayaan lang ni mama na nasusunog ang mga damit . Nalungkot ako sa nakikita ko . Habang si papa unalis ng di man lang kami nililingon . Hanggang sa lahat ng damit namin ay natupok na lang .
Yan lamang ang natatandaan ko nung last na mag away ang mga magulang ko . Bagong panganak nun si mama sa bunso kong kapatid . 3 mos. Pa lang ang bunso kong kapatid samantalang ang sumunod sa akin ay 1 taon pa lamang. Ako naman ay limang taon . At ang kuya ko ay nag aaral ng ng grade 1 sya ay anim na taong gulang na . Mga bata pa kami ng iwan kami ni papa. Nabalitaan na lang namin na may bago nang gf ang papa ko . Samantalang si mama tuloy lamg ang pagbuhay samin mag isa . Hanggang sa may isang lalaking dumating upang tumayo bilang pangalawa naming ama . Niligawan nya si mama na umabot ng taon . Hanggang sa sinagot sya ni mama . Kasal ang mama ko sa papa ko at bago sila naghiwalay layget na ang mama ko . Yung napangasawa ni mama na bago . Mabait at hindi kami nagugutuman . Binata at walang sabit . Higit sa lahat mahal na mahal nya si mama . Kaming apat na magkakapatid , tinuring at pinakilala nya kaming tunay na anak . Ibang iba sya sa totoo naming ama . Nagugutuman kami sa papa namin . Minsan di pa umuuwi ng bahay . May bahay na dapat kami sarili nun maganda at sementado . May mga materyales na oara gawin na lang pero may pagkatamad kasi si papa kaya hindi nya ginawa ang bahay namin hanggang sa nabulok na lang ang mga materyales at nagsawa na si mama pinabayaan nya na ang papa ko . At tuliyan na silang naghiwalay ..
Lumipas ang maraming taon … Heto ako at malaki na . Kasalukuyan akong nag aaral ng elementarya , ikaanim na baitang . Nabuhay kami ni mama kasama ang stepfather namin . Ngayon ay dose anyos na ako at malalaki na rin ang mga kapatid ko .
( Base on true story )
Next ? Part 2 ?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top