“’Ma? Bakit wala pa Sherwin?”
“Parating na iyon, Cassandra. Baka na–traffic lang siya sa daan”
Sagot sa akin ni mama habang nagbabalat siya ng orange.
Two weeks na lang at maooperahan na ako sa puso. Bata pa lamang ako no’ng naghahanap na si mama ng kamatch sa puso ko. Ngunit dumaan pa ng ilang taon bago kami nakahanap.
“Oh bakit ngayon ka lang?”
“Kanina pa kita hinihintay. Sobrang namiss na kita, baby”
Hindi ito tumingin sa akin kung ’di kay mama at tila bang hindi niya ako naririnig.
“Tita? Excuse lang po. Maari ko bang makausap si Cassandra na kami lang?”
Ani niya. Tumango naman si mama’t lumabas ito.
“Baby? Yakap ko?”
Paglalambing ko. Tiningnan niya ako’t umupo ito sa gilid ng aking kama kung saan ako nakahiga.
“Cassandra. Maghiwalay na tayo”
Biglang huminto ang mundo ko’t nabitawan ang hawak–hawak kong orange.
“N–Nagbibiro ka lang diba, Sherwin?”
“Kung prank ito, ’wag naman ngayon. Baby”
Ani ko’t umupo ako upang mahawakan ang kamay niya.
“Hindi ako nagbibiro, Cassandra. Ayaw ko na sa ’yo”
“Hindi na kita mahal! Nagsasawa na ako sa ’yo eh. Gusto ko nang makahanap ng iba iyong babaeng hindi sakitin tulad mo!”
Napaluha lamang ako’t bigla siyang niyakap ng mahigpit.
“Baby, please. ’Wag mo akong iwan. Kailangan kita sa buhay ko, Sherwin”
“A–Ano ba…Bitiwan mo nga ako”
“No! No…Dito ka lang, sa akin ka lang Sherwin”
Bigla niyang inalis ang mga braso kong nakayakap sakaniya’t tumayo ito sa harap ko.
“Hindi mo ba ako makuhang intindihin ha?! Kung mahal mo ako, Cassandra. Palayain mo na ako!”
“Paano kita palayain kong nakakulong na ako sa mga bisig mo? Paano kita intindihin kung makipaghiwalay ka ng walang dahilan?!”
“Hindi pa ba sapat na dahilan na hindi na kita mahal?!”
Madiin niyang sinabi na hindi na niya ako mahal habang pansin kong pinipigilan niyang pumatak ang namumuo niyang mga luha.
“S–Sherwin, I love you”
“Hindi kita mahal”
“May iba na ako Cassandra. Kaya kalimutan mo na ako”
Ani niya’t tumalikod ito sabay hakbang palapit sa pinto.
“Sherwin! Dito ka lang! Please, ’wag mo akong iwan Sherwin!”
“Sherwin!”
Maluha–luhang tawag ko sa pangalan niya. Lumingon siya sa akin at lumapit ulit.
“’Wag mo akong iyakan. Hindi ako karapat–dapat sa mga luha mo. Kamuhian mo ako, Cassandra upang mabilis mo akong makalimutan”
“Paano kita kamuhian kung ikaw ang labis kong kasiyahan, Sherwin”
“Shhhhhh. ’Wag mong sabihin iyan”
Pangiti niyang sambit habang pinunasan ang mga luha ko sa mata.
After 1 year mula nang naghiwalay kami ni Sherwin. Wala na akong balita sakaniya’t palaging sumasakit puso ko tuwing humaharap...