YONG EX MO ANG TEACHER NIYO


YONG EX MO ANG TEACHER NIYO
Nanlumong napaupo ako sa aking silya habang nakatingin sa papel na hawak ko.
Hindi ko lubos ma isip na ang grado ko ay may 74. Psh. Bagsak ako nito!
“Okay class, dismissed.” wika ng guro na namin at walang lingon-lingong lumabas ng classroom.
Halos mapunit ang card ko dahil sa higpit ng hawak ko dito habang nakitingin sa papalayong bulto niya.
Purket ex ko siya gano’n-ganonin niya na ang grado ko? Ha! Ang kapal rin ng mukha niya!
Nag-aral ako ng mabuti tapos 74 lang ang ibibigay niyang grado sa akin? Aba mali iyon! Nananadya ba siya? Hindi ito pwe-pwede.
Padabog akong tumayo mula sa pag-ka-kaupo at sinundan siya.
“Sir, Leo!” pag-tawag ko dito ngunit hindi man lang ito natinag. Nag-patuloy lang ito sa paglalakad.
Inis akong sumunod sa kanya habang tinatawag ang kaniyang pangalan, ngunit hindi man lang ako pinansin nito. Hanggang sa humasok siya sa loob ng kaniyang opisina.
Sapo-sapo ko ang dibdib ko ng marating ko ang pintuan ng kaniyang opisina. Grabe, kung makalad! Ang bilis-bilis!
Sa inis ko ay sinipa ko ang pintuan ng opisina, at pumasok sa loob. Pabagsak kong inilapag ang dalawang palad ko sa kaniyang table. Hudyat para umingay iyon.
Pinagkunutan...


niya ako ng noo, “What are you doing here?”
“Ito tingnan mo!” wika ko at inilapag ang card ko at itunuro ang subject niyang may gradong 74.
Tiningnan niya ito saglit at muling tumingin sa akin, “Oh? Anong gagawin ko diyan?”
“Hoy, Leo Perez! Ano bang ginawa ko at 74 lang ang binigay mong grado sa akin?”
“You cheated on me.” napamaang akong napatingin sa kaniya.
“Anong, you cheated? E, ikaw nga ‘tong nangloko!”
“Yeah. Yeah. Yeah. Whatever.” tiningnan niya ako, “So tapos kana? Wala kanang sasabihin? Pwede kanang umalis.”
“Please naman, Sir Leo. Ano ba ang pwede kong gagawin para hindi na maging 74 ang grado ko? Ayaw kong bumagsak, at maging repeater. Please, Sir Leo.” kahit labag man sa aking kaluoban ay nag-makaawa ako sa kaniya.
Ayaw ko bumagsak. Nakakahiya ‘yon.
Sumilay ang matamis nitong ngiti, “You sure?” tumanggo ako, “Comeback to me, then.”
“Ano?” pasinghal kong sabi.
“Babalik ka sa akin o ibabagsak kita? You choose.”
Alam ko namang marupok ako. Pero…. Babalik ako! Hahaha!
“Oh-Okay! Huwag mo lang akong ibagsak.”
“So you’re mine, again? Okay gagawin kong 99 ang grades mo at honor kapa. Your Sir Leo deserve a kiss.” wika nito at walang pasabing hinalikan ako.
Yey… Honor!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top