NATUPAD NGA ANG AMING DALANGIN


NATUPAD NGA ANG AMING DALANGIN”
Written by: Xyliyana Writes
….

“Kiel! Halika dito! Sabay tayong magdasal dali!” Sigaw ni Diana, girl bestfriend ko.
Oo. Girl bestfriend ko siya pero may gusto siya sa akin haha. Pero di naman ako nagbago sa kaniya. Ako pa din yung dating Kiel na una niyang nakilala.
“Ikaw na lang!” Sigaw ko din dahil nandun siya sa may maraming kandila. Basta alam niyo na tun
Lumapit naman ito sa akin “Ito naman! Huwag nang umangal!”
At wala na akong magawa dahil nahila na niya ako. Taena.
Nakarating naman kami kaagad kung saan nandun siya kanina. Tapos ay binigyan niya kaagad ako ng kandila
“Alam mo ba Kiel, sabi-sabi nila, kapag daw naghiling ka dito, matutupad. At mas lalong matutupad kapag dalawa kayo at magkaibigan pa tapos pareho at sabay kayong naghiling”
“Wee? Di naman yan totoo e. Nagpapaniwala ka kaagad sa mga sinasabi nila” aniko
“Ikaw naman! Napaka kj mo talaga! Sabay na nga lang tayong magdasal!… Basta ang idasal natin ha na.. Na sana, sabay at cum claude tayong ga-graduate” saad niya at ngumiti
“O sige na nga! NA NAMAN. Taon-taon na kaya tayong pumupunta dito. Kaya yung mga lines na sinambit mo kanina ay medyo luma na”
Sumimangot naman ang mukha neto “Alam mo namang gustong-gusto ko talagang makapagtapos diba?.. Tsaka, HOY! Goal din nating...


dalawa ang makapagtapos na cum laude. Nakalimutan mo ba?!”
Napangisi na lang ako with pakamot pa sa ulo ng naalala ko nga “Heheheh. Sorry na. Nakalimutan ko. Heheh”
Sinindihan na namin ang aming kandila gamit nung nakasindi na nakandila. Pagkatapos ay inilagay na nga namin yun sa bakanteng lata.
Tsaka pagkatapos, sabay kaming pumikit at nagsalita.
“Lord, sana makapagtapos kami ng pag-aaral with cum laude” mahina naming dalawang sambit
Tapos ay ilang segundong tumahimik…..
Alam niyo guys. Di ko din alam kung bakit hindi ako nagka-girlfriend. Or maybe, di ko pa siya nahahanap.
(—1 YEAR PASSED—)
NATUPAD NGA ANG AMING DALANGIN.
Parehong cum laude kaming dalawa. Na super nagpapasaya naman sa akin at lalong-lalo na kay Diana.
At alam niyo guys, nahanap ko na din ang sagot sa tanong ko na matagal ko nang gustong sagutan.
Kaya pala hindi ko mahanap-hanap ang babaeng para sa akin dahil matagal ko na siyang kilala at matagal ko na siyang nakakasama.
At tama kayo, she’s my girl bestfriend, Diana.
Ang bobo ko noh? Bakit ngayon ko pa naramdaman na gusto ko pala siya?
Pero di bale na yun…
This time…
Liligawan ko na ang babaeng ito.
(—END—)
AUTHORS NOTE: BASTA END NA PO, END NA. WALA NANG KASUNOD PA.
Work of fiction.
Plagiarism is a crime.
CTTRO TO THE PIC.
Visit my timeline for more stories♥️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top