Drowned from the past


Genreh: Romance
Author: Alegria De Maria
Synopsis:
Don’t let yourself drowned from the past instead swim in it and save yourselves.
A love that’s drowned is sometimes don’t need the saving because you can’t save the loved that you have if you can’t even save yourself from drowning.
A girl who drowned from the past need’s someone to save her but how? If she herself can’t even do the first step and that is to save herself first.
__________
ONE:
Ang buhay ng tao ay parang isang dahon, hindi magtatagal malalagas rin. May mga dahon na nalalagas ng hindi pa nila oras, may mga dahon na nalalagas ng hindi pa nila gusto katulad ng tao ganun din tayo. Sino nga ba ang gustong mamatay? Ang lisanin ang mundong ito? Diba wala? Pero heto ako tumatayo sa madilim na tulay at planong tumalon para kitilin ang sariling buhay.
Pagod na pagod na ako sa buhay ko, hindi ko na kaya ang mag-isa, hindi ko na kaya ang mga pagsubok, hindi ko na kaya ang sakit at kahihiyan na aking natamo? Bakit? Bakit ko ito naranasan.
Tulala na nakatingin sa kawalan, habang ang aking luha ay pumapatak sa aking mata pababa sa aking pisngi.
“Salot ka! Wala kang kwentang anak! Lumayas ka dito! Kung alam ko lang na lalaki kang ganyan sana nung nasa sinampupunan pa lang kita, pinatay na kita.” Ang salita ng isang Ina ay ang pinakamaganda sa lahat ngunit ang salita ng aking Ina ay parang mutulis na patalim na sumaksak sa aking dib-dib.
How can a simple words hurt my vulnerable heart. It’s just a words but it hurt so damn much.
“Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na gawin mo na lang ang gusto niya, sa panahon ngayon hindi na importante kung malinis man o hindi, ang importante ang pera.”
“Mama, mas importante po ang dignidad bilang isang babae, huwag mo naman po sanang alisin ito sa akin.”
“Bakit? Mabubuhay ka ba sa dignidad mong iyan? Mabubusog ka ba niyan? Ang isipin mo ang makain natin, huwag kang tanga.” Minsan mismong mga magulang natin ang nagtutulak sa atin sa kapahamakan, minsan sila ang magdadala sa atin sa padurusa na sa huli ating pagsisihan.
Ano kayang pakiramdam ang mamatay? Ano kaya ang buhay na naghihintay sa akin sa oras na lisanin ko ang mundong ito? Ang sabi nila “Death is another definition of Rest.” And I wanted rest. Gusto ko ng payapa, tahimik na buhay at makukuha ko lang ito kapag mawala ako sa mundong ito.
“If reincarnation is really true, I wanted to reincarnate again but this is not the life I wanted. Gusto kong mabuhay muli sa ibang kataohan ngunit sadyang malabo ang gusto ko.” Bulong ko sa hangin, I step forward to watch the damn water.
Alam kong malalim ito, subrang lalim na kapag tumalon ako malulunod ako at mamatay, hindi ako marunong lumangoy kaya walang pag-asa na mabuhay pa.
Sa madilim na gabi, nakatayo sa tulay at handang magpakamatay na walang ibang nakaka-alam kundi ang panginoon at ako lang. Isang malaking kasalanan ngunit pagod na talaga ako, ayaw ko na.
“God, if you hear my plea, please grant it. If only I have a choice, if only I have another choices I will Choose to continue this life and take good care of it. I don’t wanna...


die, I don’t wanna jump in this scary thing but my struggles made me do it. I wanna live, gusto kong mabuhay pero pagod na ako. Please save me from drowning, nalulunod na ako sa mga problema ko at pakiramdam ko hindi na ako makaka-ahon pa.” Patuloy sa pagpatak ng aking luha, habang tinitigan ang langit, I shivered when the rain poured.
“One.” I wanted to say sorry to the person I left, sa pagpikit ng aking mata mga ngiti niya ang aking naalala, isang taong tinaggap ako at minahal ang boung pagkatao ko pero hindi sapat upang mailigtas ako sa pagkalunod.
“Two.” I wanted to say thank you, though the hardest time there’s still people who’s gonna appreciate me.
“Three.” Pumikit ako at handa ng tumalon pero may humablot sa pulso ko dahilan upang mahulog ako sa kalsada, napa-iyak ako at humahagulhol dahil sa labis na takot at tuwa.
Takot dahil ayaw ko pang lisanin ang mundo, dahil ayaw ko pang mawala at tuwa dahil dininig ng Diyos ang panalangin ko, ginamit niya ang taong ito para isalba ako sa pagkalunod.
“WHAT THE FCVKN HELL IS YOUR PROBLEM, ASH?” galit na galit siya at pakiramdam ko ay maiisturbo niya ang mga hayop o tao galing sa pagkakatulog dahil sa sigaw niya.
“WHERE THE HELL DID YOU PUT YOUR BRAIN? YOU FVKING WANT TO DIE? AKALA MO BA PAPAYAGAN KITA?” Bumangon ako at sumalampak sa kalsada habang patuloy sa pag-iyak, umiling ako at tiningnan siya.
“Pagod na ako, a-yaw ko na. Hayaan mo ako p-akiusap.” Umiiling siya at nilapitan ako para yakapin.
“Baby, suicidal is no solution in any problem. I want you to face it.” Nakaramdam ako ng init dahil sa yakap niya.
“Natatakot na ako Troy, every minutes, hour, day I always remember it. Ayaw ko na, suko na ako, pagod na pagod na ako.” Humihikbi akong nakatingin sa kanya, inangat niya ang kanyang kamay at pinahiran ang aking luha.
“If you are tired then let me fight for you. If you are scared to face your past then let’s face it together, Baby. Harapan natin ang kinatatakutan mo ng kasama ako, wala sa choices ang magpakamatay at iwan ako.” Hinalikan niya ako sa aking noo at niyakap ng mahigpit sa gitna ng daan at sa tahimik at madilim na gabi.
Hindi ko alam kung bakit niya nalaman kung nasaan ako, hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako.
“Don’t let depression kill you, Baby. Your very strong than your depression, fight for it and kill your depression instead.” Saad niya.
Isang tao na pinahalagahan ako, nagsimula ang lahat ng Ito ng dahil sa mala empyerno kong buhay, nakilala ko si Terrence Royce Silvistre o mas kilala bilang Troy dahil sa isang madilim na pangyayari ng aking buhay na ayaw ko ng balikan.
Masakit mang balikan ang nakaraan ay gagawin ko para lang inyong malaman na hindi lahat ng magulang ay laging tama, na hindi lahat ng Ina ay wagas kong magmahal, na hindi lahat ng Ina naghahangad ng magandang kinabukasan ng anak nila.
In this world, a mother’s love is the greatest gift of all but in my case, i do not felt the love of a mother.
Samahan niyo ako sa aking kwento na kung saan ako ay nalulunod sa nakaraan. I am ‘DROWNED BY THE PAST’






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top