AUTHOR: Twin_Luna
GENRE: Rom-com
CHAPTER 1:
[ MAYA’S POV ]
“MOMMA,”
“Yes, baby. What is it?”
Baling ko sa anak ko pagkatapos kong i-rearrange ang mga flowers sa isang vase na kailangang ideliver mamaya sa isa naming customer. Kasalukuyan kami ngayong nasa flower shop na pag-aari ko. At dahil malapit na ang valentine, nagdagsaan ang aming mga customer at ibang mamimili ng flowers sa shop namin, kaya halos hindi kami magkanda-ugaga sa pag-aasikaso sa mga ito at maya’t maya rin ang tumatawag para magpadeliver. Kahit dalawa lang ang delivery boy namin at tatatlo lang ang crew ko ay halos wala kaming pahinga sa pag-aasikaso’t pagbebenta, dahil sinusulit rin namin ang pagkakataon na marami ang nagiging customer namin. Sigurado rin naman ang nakukuhang tip ng mga tauhan ko sa shop kapag ka ganitong may nalalapit na occasion. Kaya tinitiis ko ang lahat para din naman kasi ito sa nag-iisa kong anak na kasalukuyan nang 6 y/o ngayon. Bcoz I’m a single mom, kaya mag-isa kong binubuhay ang anak ko at kaya rin ako nagsusumikap para sa kinabukasan nya. Dahil ang walang kwenta niyang Ama, pagkatapos akong gamitin at mapreggy ay agad akong iniwan ng walang dahilan at basta na lamang hindi nagpakita, ni-anino ma’y hindi masilayan.
And bcoz I’m not kinda martyr, after kong maglabas ng sama ng loob for almost a week ay agad na akong tumigil at hindi na umasa pang babalik sa buhay namin ang kutong lupang Ama ng maganda kong anak, na mabuti na lang ay hindi nagmana sa kanya ang pag-uugali maging ang hitsura nito, dahil mukhang sa akin lahat nakuha ng anak ko ang kagandahang taglay nito inside-out na ipinagpapasalamat ko naman. (Walang aangal ‘kay?*flipped hair*)
“K-kasi Momma, s-si Teacher kasi—Momma are you listening?”
“MOMMA!”
Sigaw na ng makulit kong junakis dahil sa hindi ko kaagad pagpansin dito. Bahagya naman akong nagulat.
“Ay timawanamaybuhoksapwet!”
Sapo ang dibdib at ang vase na hawak-hawak kong kamuntikan ng mahulog. Nandidilat ang mga matang binalingan ko ito, at ang lukaret kong junakis ay humagikhik lang habang napapakamot sa ulo. Teka may kuto ba’to?
“What is your problem junakis kong lukaret— I mean baby girl? Is there anything you want?”
Pagtatanong ko pa, at ang lukaret bumusangot lang ang mukha at nagcrossed arms pa sa harapan ko. Taray!
“Momma, you always said that everytime you’re talking to other people, you must not turn your back around and you need to face them, bcoz it’s kinda rude. But why are you not facing me and you didn’t even listening to me! *Pout*”
Ismarteng paglalahad pa nito pagkatapos akong irapan. Kaya hindi ko tuloy malaman kung unti-unti na ba nitong namamana ang supladong pag-uugali ng kutong lupang Ama nito. At halos wala rin akong maisagot sa anak ko dahil bigla-bigla na lamang akong namental block at napakamot na lang din sa aking ulo. (Haler wala akong kuto ‘kay?)
“A-ah baby, that’s true. I-it’s just that, alam mo namang busy si Momma diba? Kaya sensya na ha, kung hindi ka kaagad napansin ni Momma. Maraming iniisip si Momma eh. *Pout*”
At hinaplos-haplos ko ang malambot at makintab nitong buhok.
“Yak! Don’t pout Momma, you look like a butete,”
Tila nangangasim pang pagiinarte nito, kaya hindi ko tuloy napigilang mapangiwi.
“Hmp! Sa gandang ‘to ni Momma mo mukha lang butete? And why butete? *Ngiwi* pwede rin namang duck or any kind of fish ah.”
Kunwa’y nagtatampo ko pang saad.
“’kay, Momma. You’re just like puwet ng manok na lang. You know Mom, yung pwet ng chicken gumagalaw ng ganito,”
Ngumuso naman ito at sinamplelan pa ng lukaret. Kaya ako naman ang sumimangot at parang gusto ko itong bigwasan—pero joke lang yon. Ni-hindi ko nga ito pinapadapuan sa lamok eh, ang saktan pa kaya… That’s how I loved my daughter.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng lamok na dumapo sa pisngi nito kaya ang nangyari…
*PAKK!*
“OUCH! Why did you slap me, Momma?”
Mangiyak-ngiyak na aniya habang sapo ang nasaktang pisngi pagkatapos kong patayin ang lamok na dumapo rito. Ngunit kaagad akong nahimasmasan at naliwanagan dahil sa ginawa ko.
Nanlalaki ang mga matang unti-unting napaawang ang aking mga labi nang mapagtanto ko ang katangahang nagawa ko.
“Ohmygolly! Wahhh…! Baby, I’m so sorry! Huhuh…”
At agad ko itong niyakap at inalo, saka masuyong hinaplos-haplos ang ngayon ay namumula na nitong pisngi na matagal nang pinkish. At lalo nga lang pumula dahil sa pagkakasampal ko.
Kung tutuusin hindi naman ganoon kalakas ang pagkakasampal ko, pero dahil precious ang anak ko at sobrang soft and flawless kaya sigurado akong nasaktan talaga ito.
(Gaga ka talaga Maya, hindi mo nga pinadapuan sa lamok nasampal mo naman dahil sa lamok, gosh!)
Utak ipis rin kung minsan eh, pwede namang itaboy na lang yung hinayupak na lamok. Kasalanan talaga ng lamok na yon, mabuti nga nadurog sa pagkakasampal ko, kuu… Talaga lang! Nasaktan tuloy ang precious baby ko, *Pout*
*Sniffing*
“W-why M-momma? *Sniffled*”
“Why did you s-slap me? Did I do something wrong? *Pout*”
Sumisinok-sinok pang aniya habang pinupunasan ko ang tumulong luha sa magkabilaang pisngi nito. Nabigla marahil sya dahil ngayon ko lamang iyon nagawa sa baby ko. Hindi ko tuloy mapigilang maawa rito.
Habang nakaluhod para pumantay dito, ipinaliwanag ko ritong hindi ko sinasadya ang nangyari. Hindi ko rin tuloy napigilang mapaluha.
“Baby, sorry talaga hah… hindi naman sinasadya ni Momma eh. Yung pisteng lamok kasi eh.”
Paninisi ko pa sa lamok. Eh kasalanan naman talaga nung pisteng mosquito na’yon eh!
*Sniffed*
“W-wala naman, Momma eh. N-niloloko mo lang yata ako eh, *Sniffed*”
Iiling-iling na aniya pa habang pupungas-pungas, at sya narin mismo ang nagpunas ng sarili nyang luha nang iniwasan nito ang kamay ko. At napasimangot naman ako lalo dahil ayaw nitong maniwala.
“How can I convince you, baby? That Momma was telling the truth,”
At dahil ayaw nitong magpahawak ng mukha, ang buhok naman nito ang hinaplos-haplos ko hanggang sa may mapansin ako…
“Momma I was— look baby, here’s the mosquito!”
At agad kong ipinakita rito ang napisat na lamok na kasalukuyan parin palang nakadikit sa palad ko na pinangsampal ko dito. *Ngiwi* kaderder...