Bituin sa kalangitan CHAPTER 3


Writer: Oblino Gabiana Yanyan
Genre: Love story
Habang nagtatalo ang tatlong ginang biglang dumating Ang Asawa ni Aling loling na si Mang Ambo para awatin sila nakita niya kasing nagkakasakitan na ang mga ito.
Anong kaguluhan mayroon dito?hindi ba Kayo nahihiya ang aga aga nandito kayong tatlo sa gitna ng kalsada nag aaway away
Saad ni Mang Ambo sa Tatlong Ginang na naiinis na sa subrang galit
‘Loling umuwi ka na sa bahay;Akala ko nasa bahay ka nakita pa kitang nagwawalis kanina sa labas ng bahay tapos ngayon nandito ka nakikisawsaw ng away ng may away!Hindi ba pinapatimpla Kita ng kape ko? Kanina pa ako naghihintay sayo!
Pasensya na lumabas ako ng bahay hindi ako nakapagpaalam sayo.bibili sana ako ng tinapay sa tindahan kanina kaso nakita ko si Manang Inday at Manang Ana sa gitna ng kalsada nagbabangayan.kaya inawat ko Lang iyong dalawa
Wika ni Aling loling Kay Mang Ambo
Loling Huwag ka nga mangialam ng away ng ibang Tao nababaliw ka na ba?Sino ba nag umpisa ng gulo dito?Hindi niyo ba napansin na pinapanuod na kayo ng ibang Tao pinagtatawanan na kayo!
Biglang sumagot si Aling Ana Kay Mang Ambo
Si Inday Ang nag umpisa ng gulo naglalakad ako kanina papunta Sana ako sa bukid nakasalubong ko si Inday sa daanan at kinausap niya ako pero nilalait niya Anak Kong si Diana sinabihan niya akong tamad daw ang Anak ko Kaya ayun pinatulan ko siya.
Umalis ka na Ana pumunta ka na ng bukid Kung pupunta ka
At ikaw naman Inday masyado kang pakialamera sa ibang Tao Kaya Ayan napapala mo!tama na ang gulo na ito ha pag hindi Kayo nagsitigil tatawag na ako ng barangay tanod
Pasensya na Ambo napagtripan ko si Ana kanina;
Inday mang hingi ka ng sorry Kay Ana;
Agad namang lumapit si Aling Inday kay Aling Ana at humingi ito ng tawad sa kanya,
Manang Ana sorry ha nasaktan kita hindi ko sinasadya,Sana mapatawad mo ako!
Ok Lang Inday huwag mo ng ulitin Yung ginawa mo kanina Alam mo bang nakakasakit ka na ng damdamin ng iba! magpasalamat ka nga ikaw mayroon ka pang katuwang sa buhay buhay pa asawa mo; samantalang ako ito nag iisa sa buhay walang katuwang ,nag iisang lumalaban sa buhay,nag iisang nagtataguyod Kay Diana para mapalaki ko ng maayos kaso Wala eh lumaki siyang tamad at bugnutin.ginawa ko naman Ang lahat para sa kanya;
Naiiyak na tugon ni Aling Ana Kay Aling Inday habang nagsisikip Ang dibdib sa subrang iyak at subrang emosyonal Ang dating;
Sorry na Manang Ana Hindi ko na uulitin Yung ginawa ko Kanina
Wika ni Aling Inday kay Aling Ana na nagmamakaawa at umiiyak na rin sa kanya dahil sa subrang pagkakonsensya,
Wala na iyon Inday basta huwag mo ng uulitin Yung ginawa mo sa akin,kahit sa ibang Tao huwag mo gawin sa kanila,Hindi ko kagustuhan Ang nangyari sa Anak ko Kung bakit lumaki siyang tamad nagpakamagulang ako sa kanya,naging Ama at Ina ako sa kanya pero Wala Hindi ko nakikita Yun sa kanya na kahit papaano bigyan niya Lang naman ako ng kahit kunting importansiya,kunting awa niya,kunting pagmamahal,kunting pagpapahalaga sa akin maibsan Lang Naman Ang lungkot at pagod ko sa araw araw kaso hindi niya ako binibigyan ng halaga;
Napapaluhod na si Aling Ana sa lupa...


dahil sa subrang iyak
Inday walang magulang na gustong maging masama ang isang anak Yan Ang tandaan mo Inday
Pagkatapos magsalita ni Aling Ana humagulgul ulit ito sa subrang iyak lalong lumakas pa ang iyak Niya sa subrang awa niya sa sarili niya
Agad namang lumapit si Aling loling sa subrang awa Kay Aling Ana at niyakap niya ito sa likod na may na may kasamang pagmamahal at pagmamalasakit niya sa kanyang kaibigan at nagwika ito.
Manang Ana Tama na Ang iyak Alam Kong masakit Yung pinagdadaanan mo ngayon nandito ako bilang kaibigan mo nakaalalay sa lahat ng hinagpis mo at sakit na nadarama mo;
Maraming salamat Manang Ana salamat Kasi nandyan ka may kaibigan ako na handang ipagtanggol ako pag naaagrabyado at naaapi
Nandito Lang ako Manang Ana sa Tabi mo nakaalalay at handang tumulong pag may problema ka
Naiiyak na si Aling loling Kay Aling Ana sa Subrang awa
Manang Inday mangako ka sa akin na Hindi mo na uulitin at sasaktan pa si Aling Ana
Promise Manang Ana hindi ko na uulitin iyong ginawa ko sa kanya kanina,hindi ko na siya lalaitin pang muli.sorry Manang Ana nasaktan Kita kanina
Umiiyak na rin si Aling Inday sa subrang pagsisisi sa ginawa niya kanina Kay Aling Ana;
Agad namang inalalayan ni Aling loling si Aling Ana dahil sa subrang panghihina nito sa kakaiyak,
Sige na Manang Ana umuwi ka na lang muna,huwag ka ng pumunta sa bukid,
Hindi Manang Loling tutuloy ako sa bukid kahit ganito sitwasyun ko.ok lang ako maraming salamat sayo ha!
Walang anuman Manang Ana pag kailangan mo tulong ko huwag Kang mahiya na lumapit sa akin.sige Alis na kami ni Ambo maiwan na Kita dito ha salamat din sayo.
Paalam ni Manang Loling kay Aling Ana
Samantala sa kabilang banda naman nandoon parin si Aling Inday sa harapan ni Aling Ana hindi pa ito umaalis at nakipag usap pa siya rito,
Manang Ana sorry talaga
Pinapatawad na kita Inday
Sige Manang Ana Alis na ako
Sige salamat Manang Inday mag iingat ka baka madapa ka;
Tumalikod na si Aling Inday at naglakad palayo pero hindi pa nga ito masyadong nakakalayo sa paglalakad niya ay bigla itong nadapa
Arrrrrgggg arrrrrgggg arrrrrgggg araaaaaaaayyyyy sigaw ni Aling Inday habang nakasubasob ang mukha at katawan ni Aling Inday sa lupa.
Narinig ito ni Aling Ana na napasigaw siya sa sakit at tumakbo ito palapit dito
Manang Inday anong nangyari sayo?
Nadapa ako Manang Ana Ayan Ang napapala ko sa subrang bunganga sa chesmesan nadadapa ng Wala sa oras,
Sabay tawa ni Aling Inday habang tinutulungan siya ni Aling Ana na ibangon siya
Ikaw talaga kakasabi ko lang na mag ingat ka hindi ka Kasi nag iingat eh
Hagalpakan ng tawa Yung dalawang ginang sa subrang tuwa Kasi bati na silang dalawa.
Oh siya sige Aling Inday mauna na ako maiwan na Kita salamat
Salamat din sayo Aling Ana dahil tinuruan mo ako ng leksyons na hinding hindi na ako makikipag chesmesan at manlalait ng kapwa natin.
Ayan nagbago ka na Sana tuloy na tuloy na Yung pagbabago mo para pag niyaya Kita sa bahay magkantahan Tayo mag video ok Tayo sa bahay kakantahin natin Ang uhhh tukso layuan mo ako uhhhhh sabay hagalpak na naman ng tAwa ang dalawang ginang
ITUTULOY….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top