THE REVENGEANCE Chapter 13


“Hindi ka ba nagbibiro Mae?hindi ako makapaniwala sa sinasabi mo..hindi!!”
“Miss Ar,I’m sorry please…please patawarin nyo po ako..”
“Sabihin mo sa akin,sino ang nag-utos sa iyo na gawin lahat ng ‘to ha?sino?” naghalo ang galit at pagdududa ni Armina ng mga sandaling iyon
“Ang CEO po ng DD Group of Company Miss Ar…napilitan po akong sundin sila dahil sa malaking halaga na pabuya nila sa alok nila..”
“What??!!!No!!Paano nangyari ‘to?!!!all this time,niloloko niyo lang pala ako?”
“Miss Ar..” lumuhod si Mae sa harapan niya
“Stand up,don’t do this..let’s talk later..” dali-dali siyang tumakbo palabas ng restaurant.
Nagmaneho ng kotse nang di alam kung saan pupunta.Hindi siya makapaniwala na gagawin iyon ni Daniel sa kanya.Tama ang mommy niya na hanngang ngayon may galit pa rin ang mga De Dios laban sa kanila.Niloloko lang pala siya ng lalaking inakala niyang mahal siya nito.
Umuwi siya ng mansion pero pagkalipas pinaandar niya ang kotse at mabilisang pinatakbo hanggang makarating sa Condo unit ni Daniel.
Ilang ulit siyang nagdoorbell bago ito binuksan ng boyfriend niya.
“Hey babe,gabi na..namimiss mo ba ako?” paglalambing sa kanya ni Daniel at hinalikan siya...


nito pero mabilis siyang naitulak ng dalaga
“Bakit?”
“Huwag na tayong maglokohan Daniel,alam ko na ang lahat..” seryosong sabi ng dalaga
“Anong alam?”
“Huwag ka nang magsinungaling Daniel!!!”
“Look,pumasok ka muna sa loob at doon tayo mag-usap,ok?” kalma nito sa kanya at inakay siya papunta sa kwarto
“Bitiwan mo ako!!!huwag ka nang magkaila pa Daniel..galing kaming nagkita ni Mae..”paliwanag niya
“Mae?sinong Mae?”
“Wow,!best actor ka Daniel..si Mae?kilala mo siya di ba?siya lang naman ang inutusan mo at binilog ang ulo para kasabwatin para makaganti sa Textile Company di ba?”
“Armina,anong pinagsasabi mo?”
“Don’t you dare to act like wala kang alam Daniel,walang asong makukumkom di ba?alam ko na lahat ng kasinungalingan mo..”
“Please Armina,let me explain first..listen,”
“Sh*t up Daniel!!!all this time magsisinungaling ka pa rin?!!!Hindi mo ako minahal!!mula ngayon tapos na tayo!!ang ganda ng pagkaplano mo di ba?sinasadya mo talaga ang lahat para magtagumpay ka sa paghihiganti nyo laban sa amin..”
“Armina,please listen..please..” pagsusumamo sa kanya ni Daniel
Pinaputok ni Armina ang dala niyang baril sa kisame ng condo ni Daniel.
“Bitiwan mo iyan Ar,baka mapaano ka niyan..pakinggan mo naman ako,please..mahal na mahal kita..”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top