๐—”๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—น ๐—ฉ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐˜€ Cสœแด€แด˜แด›แด‡ส€ Tสœส€แด‡แด‡


“NAKU, Claire feeling ko talaga magkakatuluyan kayo ni ulan”
Napangiwi naman si Claire na nndoon sa bahay nila Lara na nakikitulog. Siguro hindi lang ma-imagine ni Claire nag magkakatuluyan sila ni Rain.
Si Lara kasi malakas ang kutob na may gusto si Rain kay Claire kahit lagi siya nitong binubully.
๐Ÿ’ญ Naku, pag nagkatuluyan sila magpo-propose ako kay Ace. ๐Ÿ’ญ
“Ewan ko sayo Lara, kung ano ang pinagsasabi mo,” sabi ni Claire habang inaayos nito ang kanyang bag.
“Hay, nako bahala ka!” sabi nalang ni Lara at tumingin sa salamin.
๐Ÿ’ญ Maganda na ba ako? Baka masyado naman akong simple, baka ma-turn off sakin si Ace pero sabi naman niya mas gusto niya ang simpleng babae. ๐Ÿ’ญ
Napahagikhik si Lara nang maalala niya yon.
“Hoy, bakit ka tumatawang mag-isa?” tanong ni Claire saka sinukbit na niya ang bag niya.
“Ahm, m-may naalala lang akong joke. Hahaha!” sabi ni Lara saka tumawa ng pilit. Napakunot nalang si Claire at kibit balikat na lumabas na ng bahay nila.
Hinampas hampas ni Lara ang kanyang sarili nang makaalis na si Claire.
๐Ÿ’ญ Ano ba yan? Hindi ko makontrol ang kilig ko kapag naaalala ko si Ace. ๐Ÿ’ญ
Natigilan si Lara nag mag vibrate ang kanyang cellphone. Agad niyang tinignan ang text messages.
๐™ต๐š๐™พ๐™ผ : ๐™ฐ๐šŒ๐šŽ ๐™ฒ๐šŠ๐š›๐š• ๐š…๐š’๐š•๐š•๐šŽ๐š๐šŠ๐šœ
Good Morning! โค๏ธ
Napangiti si Lara sa text ni Ace.
๐Ÿ’ญ Normal pa ba ako? Kinilig agad ako sa good morning niya with heart emoji. ๐Ÿ’ญ
Napailing si Lara at nagtipa nalang nagreply.
Good Morning, Ace.. ๐Ÿ˜Š
Ibinulsa nalang niya ang cellphone niya at naglalakad na papuntang school nila.
Habang nakarating siya sa school ay umupo siya sa bench na tinatambayan niya. Maya-maya pa naman ang simula ng klase ni Lara.
Natigilan si Lara nang mag vibrate ulit ang cellphone niya. Nagmamadali si Lara na kunin yun sa bulsa niya.
๐Ÿ’ญ Mukhang may reply na sakin si Ace. ๐Ÿ’ญ
๐™ต๐š๐™พ๐™ผ : ๐™ฐ๐šŒ๐šŽ ๐™ฒ๐šŠ๐š›๐š• ๐š…๐š’๐š•๐š•๐šŽ๐š๐šŠ๐šœ
I want to marry you and have kids with you in the future.
Kinusot kusot ni Lara ang kanyang mga mata saka muling binasa ang text. Napahawak siya sa dibdib niya dahil pakiramdam niya ang lakas ng kabog non.
Napapitlag si Lara nang tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Ace.
Huminga muna nang malalim si Lara at pinaypayan ang sarili niya gamit ang kanyang kamay para pakalmahin ang sarili. Hindi niya dapat ipahalata kay Ace na sobra siyang naapektuhan sa text niya.
๐Ÿ’ญ Baka sabihin niya deads na deads ako sakanya. ๐Ÿ’ญ
“H-Hello?”
“๐ดโ„Ž๐‘š, ๐‘ -๐‘ ๐‘œ๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘ฆ ๐‘ก๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘˜๐‘œ๐‘™ ๐‘ ๐‘Ž ๐‘ก๐‘’๐‘ฅ๐‘ก ๐‘›๐‘Ž ๐‘›๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘’๐‘๐‘’๐‘–๐‘ฃ๐‘’ ๐‘š๐‘œ, ๐‘ -๐‘ ๐‘– ๐ฟ๐‘ข๐‘˜๐‘’ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘›๐‘Ž๐‘”๐‘ ๐‘’๐‘›๐‘‘ ๐‘›๐‘œ๐‘›,” paliwanag ni Ace.
Napakagat sa labi si Lara, ewan niya ba parang nadisappoint siya na hindi pala text ni Ace yon.
“O-Okay lang, naiintindihan ko naman,” sabi nalang ni Lara.
“๐‘‚-๐‘‚๐‘˜๐‘Ž๐‘ฆ, ๐‘ ๐‘’๐‘’ ๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข ๐‘™๐‘Ž๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ!”
Napabuntong hininga nalang si Lara matapos ibaba ang tawag.
“Miss….”
Napalingon si Lara sa pinanggalingan ng boses. Napatingin si Lara sa lalaking nakatayo ngayon malapit sa kanyang pwesto. Napakunot noo si Lara dahil sakanya ito nakatingin.
“Bakit po?” tanong ni Lara.
“Pwedeng pa-upo?” tanong nito saka napakamot sa batok. Tumango naman si Lara at medyo umusod para makaupo ito.
“Thank you….” nakangiting sabi nito saka umupo sa tabi ni Lara. Pero hindi naman sila halos magkalapit.
“Anong trip mo?” tanong ni Lara sa lalaki.
Natawa naman ito sa sinabi ni Lara saka uminom ng tubig. Napataas nalang ang isang kilay ni Lara nang bahagya nitong ginulo ang buhok niya.
“Ang sungit mo naman ex-girlfriend,” natatawang sabi nito saka inabot sakanya ang tubig na ininuman niya na agad namang tinanggihan ni Lara.
“Wala ako sa mood mon, baka sipain kita palabas ng school na to,” nakakunot noong sabi ni Lara. Gaya ng inaasahan ni Lara, tinawanan lang siya nito.
“Hindi mo man lang ba ako kukumustahin, o kaya naman tanungin ako kung bakit nandito ako?” nakangising tanong nito. Inirapan lang...


ito ni Lara.
๐Ÿ’ญ Hmp! Hindi pa rin siya nagbabago. ๐Ÿ’ญ
“Nako, tigilan mo ako Simon,” napapailing na sabi nalang ni Lara.
“Sasabihin ko pa rin kahit hindi mo tinatanong. Okay naman ako, saka nandito ako dahil dito na ako mag-aaral. Angas non diba? Malay mo, magkabalikan pa tayo!” pabirong sabi nito saka itinaas baba pa ang kilay. Mahinang natawa nalang si Lara at napailing.
Siya ang nag-iisang naging ex ni Lara na si Simon Ford. 17years old lang si Lara noon nang magka relasyon sila at 19 naman siya sa mga panahong iyon, kaya 21years old na siya ngayon.
Napaisip bigla si Lara.
๐Ÿ’ญ Ilang taon na kaya si Ace? Naging boyfriend ko man lang siya na hindi ko nalalaman ang simpleng bagay tungkol sakanya. ๐Ÿ’ญ
“Manahimik ka, may boyfriend na ako,” sabi nalang ni Lara.
“Ouch, ang sakit naman Lara ko,” sabi nito at napahawak pa sa dibdib na tila ba nasasaktan.
Alam ni Lara na wala lang sakanya iyon, saka hindi naman sila noon seryoso pareho nong nagkaroon sila ng relasyon. Isang buwan lang nga ang itinagal nila eh.
“Si Ace ang boyfriend mo diba?” tanong ni Simon. Napatingin naman si Lara dito.
“BAkit alam mo?” tanong ni Lara.
“Nakita ko kayong magkaholding hands kahapon. Angas niyo nga eh, para kayong constipated na dalawa, masyadong awkward,” natatawang sabi nito. Tinignan ng masama ni Lara si Simon, hanggang ngayon kasi malakas pang mang asar ito sakanya.
“Joke lang Baby Lara, mukha kang manununtok,” natatawang sabi ni simon saka inakbayan si Lara at ginulo ang buhok gaya ng dating ginagawa nito kay Lara.
“Lara….”
Natigilan si Lara nang marinig ang baritonong boses na iyon. Agad inalis ni Lara ang pagkakaakbay sakanya ni Simon.
Hinawakan ni Ace ang kamay ni Lara at hinila patayo saka ibinaling ang tingin kay Mon na parang walang pakialam kahit halos patayin na siya sa tingin ni Ace.
“Long time no see Villegas,” nakangising sabi ni mon.
Napakunot si Lara sa sinabi ni Simon.
๐Ÿ’ญ Magkakilala sila? ๐Ÿ’ญ
“D*mn, you look cool Villegas. Mukha kang good boy, pero mas gusto ko kapag nasa underground battle ka, halimaw,” nakangising dagdag pa ni Simon.
“Shut the f*ck up and get lost f*cktard,”
Napakurap nalang si Lara nang hilahin siya ni Ace palayo kay mon. Napalunok si Lara dahil sa kaba.
๐Ÿ’ญ Galit ba siya? ๐Ÿ’ญ
Tumigil sila nang makarating sila sa pool area. Walang tao doon.
“Why are you with that guy?” nakakunot-noong tanong ni Ace.
“Ahm, u-umupo siya bigla ron eh” nauutal na sabi ni Lara.
“Bakit siya naka-akbay sayo?” tanong pa ni Ace.
๐Ÿ’ญ Sasabihin ko ba na si Simon ang naging ex ko? Kinakabahan naman ako, baka lalo siyang magalit. Saka wala na rin naman akong pakialam na kay simon. ๐Ÿ’ญ
“Ahm, k-kaibigan ko siya eh,”
Natahimik si Ace sa sinabi ni Lara habang seryoso itong nakatingin sakanya. Napalunok si Lara sa tindi ng intensidad ng pagtitig sakanya ni ace.
๐Ÿ’ญ Mukha talaga siyang galit, nakaka-kaba. ๐Ÿ’ญ
“Kaya kong maging mabait Lara…..”
Napalunok si Lara sa sinabi ni Ace.
“Pinipilit kong maging mabait at wag kang ikulong sakin dahil ayokong matakot ka….. pero masama akong magalit.”
Napakurap si Lara sa sinabi ni Ace. Napakagat sa ibabang labi si Lara dahil sa kakaibang emosyon na nararamdaman ni Lara na hindi niya maintindihan.
Napakuyom ang kamao ni Ace at huminga siya ng malalim. Hindi rin nakatakas sa paningin ni Lara ang pag igting ng panga ni Ace.
“So, I hope you wont do something that will enrage me, I dont want to scare you in any way Lara,” sabi ni ace habang nakatitig ito kay lara ng seryoso.
“Do you understand?” tanong ni Ace habang puno ng intensidad na nakatitig kay Lara. Napatango nalang si Lara.
Napakagat labi si Lara dahil ramdam na ramdam niya na malakas ang kabog ng puso niya.
๐Ÿ’ญ Ang gwapo niya lalo kapag nagagalit. ๐Ÿ’ญ






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top