ECLIPSE


ECLIPSE
By:joshua
One short story
Excited ako ngayon na nag aantay sa magaganap na Eclipse ngayong gabi. Ilang buwan ko ring hinintay ito at hindi na ako makapag-hintay pa na masilayan ang pag sasama ng araw at buwan.
Ilang sandali pa, biglang may lumapit na lalaki sa aking tabi. Naupo ito at nagtanong “Hinihintay morin ba ang eclipse?” Nagaalangan akong sumagot, “Oo.”
Nagwagi ang katahimikan samin. “Alam moba ang kwento ng araw at buwan?” Tanong nito. Ako ay nabigla sa tanong niya at napa iling na lamang.. “Alam mo ba na nagmamahalan ang araw at ang buwan?” Ako ay napa iling nalang sa pangalawang pagkakataon. “Siguro iniisip mo paano nagmamahalan ang araw at ang buwan eh hindi naman sila nag kakasama dahil lumulubog ang araw pag lalabas na ang buwan at mawawala naman ang buwan pag sisikat na ang araw.” Tumingin ako sa kaniya. “Ganoon nga, kaya paano nangyari na nagmamahalan sila?” Makahulugang tanong ko.
Ngumiti siya sa’kin, saka panandaliang sumulyap sa langit. “Noong unang panahon kasi may mortal at diyosa na nag mahalan, sila Sol at Luna. Habang nasa kagubatan si Sol nakita niya ang babaeng nagliliwanag sa kagandahan at iyon si Luna. Sa unang pagkikita palang nila parang nahulog na sila sa isa’t-isa. Tuwing gabi pumupunta si Sol sa kagubatan para makita si Luna at bumababa naman si Luna mula sa kalangitan para makita si Sol.” Panandalian siyang pumikit at tila may tumusok na patalim sa aking puso nang makita kong lumuha siya.
Nagpatuloy ang lalaki. “Habang tumatagal napamahal na sila sa isa’t-isa, ngunit may batas ang lumikha na bawal umibig ang isang diyosa/diyos sa isang mortal ang parusa sa diyosa/diyos na-iibig sa murtal ay kamatayan. Nang nalaman ng lumikha na si Luna ay umiibig sa isang mortal nagalit ito dahil sinuway nya ang utos nito, kaya’t pinatawag nya si Luna para parasuhan ng kamatayan. Naki-alam ang ibang mga diyosa/diyos hiniling nila sa lumikha na wag na parusahan ng kamatayan si Luna. Kaya’t ang ginawa nalang ng lumikha ay sinumpa nya si Sol na pag lumapit si Luna kay sol ay mapapaso ito sa init. Pero hindi naging hadlang ang sumpang iyon sa kanilang...


pagmamahalan nagkikita pa rin sila kahit na nasasaktan na si Luna sa init ay tinitiis nito makasama niya lang si Sol.”
“Kaya kung mapapansin mo may mga itim na marka ang buwan dahil yun sa paso mula kay Sol.” Napatingin ako sa buwan. Mistula ngang may paso ito. “Na kahit na nga ang diyos ng pag-ibig ay wala ng masabi sa tindi ng pagmamahalan ng dalawa. Kaya’t ang ginawa ng lumikha para paghiwalayin sila ay ipinatapon sila sa mag kaibang sulok ng mundo. Alam mo ba kung anong nangyare sa kanila?” Tanong ulit nito sa akin. Ako ay napa-iling sa pangatlong pagkakataon.
“Kagaya ng araw at buwan, hindi na sila muli pang nag kita ngunit kahit na ganon patuloy parin nilang minahal ang isa’t-isa. Kaya nagkaroon ng Eclipse… Eclipse ang patunay sa tindi ng pagmamahalan nila Sol at Luna na kahit pag-layuin man sila ng pagkakataon dadating ang panahon na mag kakasama silang muli kagaya ng mangyayari ngayon muli silang mag sasama kaya napaka-saya ni Sol at Luna ngayon. Dahil mag kakasama silang muli at mayayakap nila ang isat-isa.”
Ako ay hindi na nakapag salita pa dahil sa mga narinig ko. Nanindig ang aking mga balahibo at habang pinag mamasdan kong nagaganap na ang Eclipse ako ay napaluha sa saya dahil kagaya nga ng sabi nya habang pinagmamasdan ko ang araw at buwan… para nga silang nag yayakap.
“Alam mo bang ilang beses na silang na reincarnate?” Sambit nito, “Ngunit hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita. Pero dahil Eclipse ngayon nag kita sila.”
“Totoo ba?” Tanong ko.
Pinakatitigan niya ako nang husto saka ngumiti. “Maniniwala kaba kung sasabihin kong ako si Sol at ikaw… si Luna?”
“Paanong ako?” Sambit ko.
Hindi na sya nag salita at nagulat nalang ako ng yakapin niya ako. “Napakasaya ko Luna dahil nakita kitang muli pagkalipas nang maraming panahon. Nag-kasama muli tayo…”
Hindi na ako nakapag salita. Ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang nakakapasong init na nanggagaling sa kanyang katawan at bago matapos ang Eclipse hinalikan nya ako at tumulo nalang ang luha sa mata niya.
“Paalam mahal kong Luna. Hanggang sa muli nating pagkikita.”
The end.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top