My Childish Mafia Boss Chapter 2


My Childish Mafia Boss
Chapter 2
“Aire tama nayan. Look at yourself your so wasted” saad ni kuya at kinuha sakin ang baso ng tequila. Hindi pa naman ako masyadong lasing ehh ano ba yan!
“Kuya I’m not yet drunk, a little bit tipsy but I’m okay so give me my glass” saad ko at pilit iinabot ang baso ko pero nilalayo niya sakin. Nakakainis naman siya ehh hindi pa nga ako lasing! Hmp! Ang kulit
“Anong hindi pa lasing? Tingnan mo nga! Tutumba tumba ka na. Hay nako!” Saad nito at inalalayan ako patayo sa inuupuan ko kanina
“Kuya you’re sounded like dad na” saad ko atsaka ng pout sa harap niya, tinaasan lng niya ko ng kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa habang naka alalay parin siya sa braso ko
“Don’t pout you look like a duck” saad niya in a monotone voice. Diko nalng pinansin Ang sinabi niya at bumalik sa counter para kumuha ng drinks. Ang lalim talaga ng boses ng kup4l nayun. ang galing pa kumanta.
Narinig ko na siyang kumanta once plang nung natsambahan ko siya sa music room sa mansion. Ideal man din kase tong si kuya. Kaso minsan nasosobrahan sa kahanginan jusq kung hindi ko lng to kapatid. Boyfriend ko na sana to charr ayaw ko ng family stroke noh!… Mahal ko lng yan as a brother nothing less nothing more shshshshs..
“Oyy ano ba! Tama na nga yan huy!” Saad nito at kinuha nanaman ang baso ko na may lamang wine. Ang kulit naman nito
“Okay. Ikaw uminom niyan. Gusto mo ata ehh lagi mo nalng inaagaw sakin hmp!” Saad ko at bumaba na sa high chair at naglakad pabalik sa party. Muntik na kong matumba buti nlng nakahawak ako sa upuan. Gosh lasing na ata talaga ako…
Umiikot narin ang paningin kooooo!! Muntik nanaman akong matumba ng may maramdaman akong kamay sa bewang ko to keep my balance. Paglingon ko si kuya nanaman. Ang hilig nito sumulpot kung saan saan.
“Iuuwi na kita wag ng matigas ang ulo kung ayaw mong magkalat dito lagot ka kay dad” maowtoridad niyang saad kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Iba pa naman magalit to pero hindi naman niya ko sinasaktan. Sa mansion tinuturing nila akong prinsesa dahil ako lng ang nag iisang babae nilang anak. Protective rin to si kuya ayaw na ayaw na nagkakasugat ako.
Naalala ko pa noon nung pumapasok palang ako ng elementary. May mga bully sa school nun kaya umuwi akong umiiyak. Pag dating ko sa mansion nakita ko si kuya na nakaupo sa couch nanunuod ng about sa medical. Tas nung nakita niya ako na umiiyak dali dali siyang tumayo at tumungo sakin
“What’s wrong? What happened? Why are you crying?” Nag aalala niyang saad sakin
“K-kuya they a-are bullying m-me in s-school” umiiyak kong saad
“What?!? Who?!” Saad niya pinipigilan ang pagsigaw
“Sina Marky po kuya” saad ko
“Magbihis ka sumama ka sakin pupuntahan natin yang marky nayan” galit na galit na Siya. Susugudin nga niya sana si Marky buti pinigilan siya ni daddy and mommy kung hindi nakooo ewan ko nlng kung ano ng mangyayare dun.
“Aire, Aire, huyy gising na nandito na tayo” saad ni kuya habang tinatapik tapik ang muka ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nagkukwento sa inyo.
“Let’s go upstairs magbihis ka na para maka pagpahinga ka na” saad niya at hinatid ako sa room ko bago ako iwan at hayaang makapag palit.
Pumasok na ako sa banyo at ng half bath lng. Pagkatapos ay ginawa ko na ang skin care ko at humiga na sa kama.
Nakatulog rin ako agad dahil sa pagod.
——————————–
“Ma’am Ami!!” Saad ng kung sino habang kumakatok sa pinto ko. Ano ba yan ang aga aga pa ehh
“Anoo?!” Sigaw ko inaantok pa yung tao ehh
“Gumising na daw po kayo ma’am” saad niya pabalik
“5 minutes!!” Sigaw ko ulit at nagtulukbong ng comforter
“Ma’am 11 na po. Inaantay narin po kayo sa salas ng mommy niyo” saad niya ulit
Irita akong bumangon habang nakahawak parin sa ulo ako
Ouchh!! Ang sakit huhuhu nasobrahan ata ako ng inom kagabi omy omy lagottt!!
Dali dali akong nag shower at nag bihis para puntahan si mommy sa salas. Nadatnan ko siya dun na ng babasa ng documents. I just kissed her on the cheeks before I went to...


the kitchen to get some toast bread before I went back to the salas and seat in front of her table.
“Morning mom” I said while eating bread
“Good morning sweetie, how’s your sleep?” Saad naman niya
“It’s fine mom. Sorry about yesterday I think I got drunk last night. I’m sorry” I said while looking down the floor.
Pinapayagan Naman nila ako mag inom kaso bawal ang masobrahan shshshshs
“It’s okay sweetie. Just don’t to it again okay?” She said while smiling I just nod at her
“I’ll just go upstairs mom, btw can I go to Valerie now? I’ll just visit her” I said and she just nod and give me a genuine smile my eyes twinkled with so much excitement so I hugged her
“Waaaah I love you so much mom. Thankiee!!” Saad ko bago humiwalay sa kanya at umakyat na sa room ko.
Nagpalit lng ako ng hanging blouse na black at high waist na pants pinartneran ko narin ng white Snickers. Kinuha ko narin ang Gucci kung bag at lumabas na ng room.
Nadatnan ko pa si mommy na nagbabasa parin ng documents so I waved at her before I went to the garage to get my car.
I drove atleast 2 hrs from our house to Valerie’s condo.. wala siyang kasama dito dahil nasa ibang bansa sina tita and tito kasama ang kapatid niya. Nag paiwan Siya para sa studies Niya minsan ko nalng rin Siya nabibisita because I’m too busy.
“What’s up girl” saad ko at nakipag beso sa kanya
“I’m fine. Medyo stress sa mga activities sa school, but I can managed. Ikaw kamusta?” Saad naman niya
“Ahhmm I’m fine too. Sorry minsan nalng kita mabisita ha. Busy rin sa school ehh” I said while playing with her hands nandito kami ngayon sa couch Niya nakaupo habang nag kukwento ng nang yare sa buong isang buwan naming hindi nagkita I think marami ng nangyare haystt..
“It’s okay hahaha” saad niya feeling ko may mali sa kanya. anong nangyare dito sa babaitang to?
“Hmm.. thankie mwapps” saad ko at binigyan Siya ng kiss sa cheeks
Napuno kami ng silence bago ulit Siya magsalita
“Ahmm ghurl?” She said in a nervous tone
“Hmm? Why?” I said
“May friend Kase ako na need nlg tulong ko” she said
“What kind of help?” Saad ko takang taka na sa sasabihin niya
“Advice daw” saad niya
“Advice about?” I replied
“Nabuntis Kase Siya then hindi pa Siya tapos sa studies niya anong maipapayo mo sa friend ko nayun?” She nervously said. Grabe naman un
“Ahmm for me hindi madali un baka itakwil siya ng pamilya niya pero bawal din naman na ipalaglag ung bata kasalanan un ehh so better na panindigan Niya then sabihin niya dun sa ama ng Bata para matulungan sila. Yun why?” Saad ko
“Pano kung hindi panagutan nung tatay nung Bata ung girlfriend Niya na buntis now?” Saad niya at umiwas ng tingin sakin
“Ahmm need magtyaga nung girl o kaya magpatulong Siya sa friends niya” saad ko at tumango tango pa
“Bakit?” Saad ko at hinawakan ang kamay niya. Nagulat ako ng bigla nalng Niya akong niyakap.
“Aire, i-im p-pregnant” saad niya umiyak sa balikat ko
“W-what?” Pag uulit ko baka nabingi lng ako
“B-buntis a-ako a-aire” saad niya at patuloy parin sa pag iyak
“Omy ghad” saad ko at napatakip pa sa bibig dahil sa gulat
“B-buntis k-ka?” Saad ko at hinarap siya sakin. Tumango lng Siya habang pinupunasan ang luha niya
“Papano? Si-sinong ama?” Saad ko at tinuro pa ang tyan niya. Na medyo kalakihan na
“Si Kurtz” saad niya at patuloy parin sa pag iyak
“Si Kurtz? Ung basketball captain?” Saad ko at tumango naman siya
“Oh gosh. Help me” saad ko at tumayo na sa couch at nalakad pabalik balik
Hindi gumagana ang utak ko now!! Wtf?? Pano nato? Mayayari to Kay tita pag nagkataon!! Gosh! Nasstress ako sa inyo huhuness!!
“Bess okay ka lng? Sinabi mo na ba sa kanya?” Saad ko at hinawakan ang kamay niya hindi pa saad niya kumakalma narin siya mula sa pagiyak Niya
“Let’s go sasabihin natin. Sasamahan kita pagkatapos ay magpapacheck up tayo at bibilhan kita ng mga needs mo okay?” Saad ko at niyakap siya
“Kaya mo yan. Nandito lng ako. Mahal kita” saad ko at niyakap siya
“Mahal din kita Aire” saad niya at niyakap ako pabalik






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top