My Husband Treated Me as His Mistress
*****Kabanata 3*****
[Raquel P.O.V]
UNTI UNTI kong minulat ang aking mata.
Napabuntong hininga ako nang makita ko ang puting kisame.
‘What happened? Ba’t nasa hospital ako?’ Tanong ko sa sarili.
Bigla kong naalala ang nangyari sa akin bago ako nahim*tay. Bago ko pa mapigilan ang sarili. Tumulo na naman ang traydor na mga luha ko.
Why do I need to experience this? In all of people talaga, as far as I remember I didn’t do worse or bad things. Para karmahin ako o malasin.
Is this because I agreed to be his wife? Is this because of loving him not knowing kung nakamove on na ba talaga siya?
I was on the verge of sobbing. Nang nay kumatok at pumasok sa loob ang babaeng doctor.
Tumingin ito kaagad sa akin,
“Mabuti naman at gising na kayo, Ma’am.” She’s smiling while staring at me.
Pinalis ko ang luha at ngumiti. Baka kung ano ang isipin nito dahil umiiyak ako. Hindi pwedeng maging mahina ako.
“Kung ano man po ang problem niyo, Ma’am. Malalampasan niyo rin po ito. Lalo na at may magiging inspiration kayo.” Saad niya na hindi ko naintindihan.
“What do you mean?” I asked.
“You’re pregnant, Ma’am. 1 month na po. Congratulations!”
Buntis ako? Is this true?
Natulala ako at hindi rumehistro kung totoo ba talaga.
Then para maconfirm ko rin na totoo nga gumamit ako ng pregnancy test. Then it’s positive. Walang dudang buntis nga talaga ako.
Hanggang sa umalis nalang ang doctor hindi parin ako makapaniwala.
I am pregnant and sino pa ba ang ama? Si Pierre lang naman at walang ng iba.
Huminga ako ng malalim.
Kakayanin ko ‘to.
Kailangan ko ring sabihin na magkakanak na kami. Siguro naman pag nalaman niya ay iiwan na nito si Francheska. Pero hindi pa rin ako sigurado.
He thinks that he still love her when in fact he only remember her kase ang naaalala niya lang ay ‘yong noong nobya niya ito pati ‘yung mga pangako niya noon. Kung baket pa kase nangyari ‘to ay hindi ko alam. If only na hindi siya na aksidente then hindi niya makakalimutan ang memorya.
Pero wala, nangyari na eh at kasalanan ko rin kung baket.
Inalis ko sa isipan ang agam-agam ko.
Nang nakalabas na ‘ko sa hospital bumalik nadin ako sa mansyon.
“Ma’am, okay na ba kayo?” Tanong ni Manang Kuring sa akin, ang mayordoma ng mansyon. Nang makasalubong ako nito sa gate.
“Opo, salamat.” Sabi ko naman at ngumiti rito. Okay na ko lalo na’t sa nalaman ko.
Kailangan ko nalang mag-ingat. I know my husband unintentionally do it kanina. Pero hindi ko parin maiwasan malungkot at...