=Short story=
By:Me
~EH ANU NGAYON KUNG MAHAL KITA?~
“Hoy Delan!!
Mahal ka raw ni Laney oh!
Hahaha!
Sigaw ni Dos sa kaklaseng lalaki para asarin si Laney.
“Abnormal ka talaga Dos ha,
Inaano ba kita?
“Wala naman,
Tinutulungan lang naman kita para hindi ka na mahirapan pa!
“Nagpapatulong ba ako sayo?
At saan mo naman nakuha ang balita na may gusto ako diyan kay Delan ha?
Pag ako inaway away lang ng girlfriend niyan!
“Wala kayang girlfriend yan,
Marami lang nagkakagusto pero single pa yan!
Choosy kasi talaga ang mga poging katulad ko!
“Ang kapal!
Saan banda ang pogi sayo Dos?saan?
“Ikaw Laney ha,
Masyado kang pintasera!
Bakit,
Akala mo ba
maganda ka ha?
Maganda ka pa namang talaga!
“At kailan ko naman ipinagyabang na maganda ako?
For your information…
Matagal ko ng alam yun pero sinasarili ko lang dahil ayokong magyabang!
Charuuut!
“Wahaw!
Ok na sana eh,
Maganda ka na sana eh,
Wag mo ng dagdagan ng kayabangan,
Baka ma usog ka,
magmumukha kang bruha.
“Ewan ko sayo, bahala ka!!!
Ang totoo may gusto talaga ang babae sa kaklase,
Kaso suplado ito eh,
Palibhasa maraming naghahabol na babae.
Pero kahit gaano pa niya ka gusto ang lalaki,
Hinding hindi niya ipaparamdam dito na isa siya sa mga naghahabol dito.
Magunaw man ang mundo!
Hello!
Ang dami daming lalaki noh!
Marami pa akong makikitang iba na mas guwapo pa sa kanya…
Maghihintay nalang ako kung sino man iyong dapuan ng puso ko,
Tuloy pa rin ako!
Ehek, kanta na pala yun!
Basta,
Hinding hindi ako maghahabol ng lalaki,
Ako dapat ang nililigawan dahil ako ang babae sabi ni mommy!
Kinabukasan,
Nagulat siya ng abangan siya sa kanto ni Delan kasama si Dos.
Kinabahan bigla ang dalagita.
“Sira ulong Dos na’to!
Baka kung anu ano na naman ang ginawang kwento nito kay Delan ah..
Lagot sa akin to mamaya.
“Laney,
Wag ka munang umuwi…
Gusto ka raw makausap ni Delan tungkol sa nabalitaan niyang pagkakagusto mo raw sa kanya!
Sigaw ni Dos sa kanya na nakangisi pa!
“Ikaw talaga Dos,
hindi ka talaga titigil sa kalokohan mo?
Anubang problema mong abnormal ka at ipinapahamak mo ako ha!
Nanggigigil na sigaw ni Laney dito na naluluha na.
“Tinutulungan nga lang kita para magkaalaman na!
“Sino bang nagsabi sayo na tulungan mo ako ha,
Wag kang tatakbo Dos, pag naabutan kita magiging sampo ka sa akin.
“Oo na, mamaya ka na gumanti,
Mag usap muna kayo nitong si Delan at hindi na ito mapakali eh,
Ayaw na...
naol maganda ang story
Awit ang ganda