YAKAP


Title : YAKAP
Author : Jane A.
#REPLY_BOX_POLICY
May dalawang taong nagmamahalan, sa puso at isip nila ay iisa ang nilalaman, iyon ay ang magsama ng habang buhay, ngunit dumating ang isang pinakamalaking pagsubok sa kanilang buhay, mapapanindigan pa ba nila ang kanilang nasa puso at isipan na magsama habang buhay, gayong may mga tao na sisira sa maganda nilang samahan..Atin pong tunghayan ang kwento na aantig sa inyong mga puso.
CHAPTER ONE
ELA’s POV
-Ako si Gabriela Medina, isang simpleng babae, na nagnanais ng simpleng buhay na kasama ang minamahal, Si Joshua Manabat ang lalakeng nagpatibok ng aking puso, gwapo siya artistahin, maganda ang pangangatawan, at magaling kumanta, isa siyang bokalista sa isang banda sa isang bar, na kung saan ay nagkakilala kami, ako ang napag tuunan ng kanyang pansin, dahil sa dinami dami ng babae na nagkakagulo sa kanya ay ako lang ang hindi lumalapit sa kanya, kaya ganun na lang ang gulat ko ng bigla niya akong kausapin, hiningi niya ang celphone number ko, syempre di ko ibinigay, dahil wala naman akong celphone eh, at hanggang sa lumipas ang mga araw, nagulat na lang ako ng biglang naroon siya sa labas ng bahay ko, bahay ko na namana ko sa mga magulang ko,.at hanggang sa nagsimula siyang manligaw sakin, at dahil sa nakikita ko na seryoso nga siya sa akin, at sa ipinapakita niyang pag uugali, ay nahulog ang loob ko sa kanya, alam niya lahat ng storya ng buhay ko, kaya buong puso niyang tinanggap ang pagkatao ko, kung ano ang estado ko sa buhay, at ganun din siya sakin, tinanggap ko ang pag ibig niya kahit alam kong mahirap sa isang katulad niya na habulin ng babae, kahit sa isip ko na parang kumuha ako ng bato na ipupokpok ko sa ulo ko..Hanggang sa nabuwag ang kanilang grupo at nagkawatak watak, naging sandalan niya ako, at ganun din ako sa kanya, hanggang sobra na akong nahuhulog kay Joshua, nagustuhan ko siya hindi dahil sa gwapo o magaling siyang kumanta, nagustuhan ko siya dahil sa taglay niyang katangian na mapagmahal, maalaga, ako ay isang ulilang lubos, walang kapatid, nag iisa na lang ako sa mundo, kaya ng makilala ko si Joshua, ay parang nagkaroon ako ng saya, pakiramdam ko may buo na sa pagkatao ko, nagsimula akong maging masaya, buhat ng dumating siya sa buhay ko, sa kanya ko nakita yong katangian na hinahanap ko sa isang lalake, at hindi ako nagsisisi na mahalin siya, hanggang sa dumating yong araw na nakalimot kami, ipinagkaloob ko sa kanya ang sarili ko ng buong puso at ganun din ang aking pagkababae, na wala manlang pag-aalinlangan, at hanggang sa napagpasyahan na namin na magsama, yun nga lang, di ako tanggap ng kanyang mama.-
Ela – oh mahal dumating ka na, halika naghanda na ako ng pagkain mo, alam kong gutom na gutom ka na.
Joshua – oo nga mahal gutom na gutom na ako! Mukhang masarap yong ulam natin ah.
Ela – oo nagluto ako ng paborito mo, sumunod ka na sakin sa kusina.
-papunta na sana ako sa kusina, nagulat ako nang bigla akong hatakin ni Josh at yakaping ng mahigpit, at siniil ako ng halik, syempre kinilig ako sa ginawa ng mahal ko, sobrang napakaligaya ko maramdaman ko lang ang yakap ng aking mahal, wala ang lahat ng alalahanin bastat yakap ko ang pinakamamahal ko-
Ela – ano ka ba mahal, akala ko ba nagugutom ka?
Joshua – oo nga, kasi naman mahal namis kita!
-kinilig nanaman ako sa sinabi niya-
Ela – talaga mahal, alam mo ako din naman na miss kita, maghapon kaya kitang hindi nakita.
Joshua – kaya nga susulitin ko yong maghapon na hindi kita nakasama.
-hahalikan na naman niya sana ako, pero pinigilan ko na siya-
Ela – mahal, lalamig yong sabaw ng ulam natin, kumain na tayo,
-hinila ko na siya sa kusina upang makakain na kami-
Joshua’s POV
-sobrang maswerte ako sa mahal ko, maalaga, malambing, masipag, mabait, at syempre maganda-
Ela – nagluto ako ng paborito mo, medyo malaki ang kinita ko ngayon eh.
Joshua : wow mahal, mapapadami ako ng kain nyan.
-humigop ako ng mainit na sabaw ng bulalo, naginhawahan ang pakiramdam ko, dahil talagang gutom na gutom ako-
Joshua – wow, ang sarap ng sabaw mahal.
Ela – syempre, luto ko yan e.
Joshua – swerte ko talaga sayo mahal, bukod sa masarap ng magluto, maganda pa!
Ela – sus, nambola pa siya!
Joshua – hindi ah, totoo naman, kitang kita ang ebidensiya.
Ela – sige na kumain na tayo.
-at dahil sa gutom ko ay sunod sunod ang subo ko, kaya nahirinan ako-
Ela – oh mahal dahan dahan lang, ayan tuloy nahirinan ka..
-agad niyang sinalinan ng tubig ang baso ko, at uminom ako agad dahil sa mabilis na pagsubo ko dahil sa tindi ng gutom ko ay nahirinan ako, at habang umiinom ako ay hinihimas niya ang likod ko-
Ela – okay ka na ba?
Joshua – oo mahal, salamat!
Ela – para ka naman kasing maghapon na hindi kumain, dahan dahan lang sa pagsubo. Siguro hindi ka kumain ng tanghalian ano.
Joshua – kumain ako mahal, ang sarap naman kasi ng luto mo mahal kaya di ko napigilan yong sarili ko.
-ang totoo ay hindi ako kumain ng umagahan, at tanghalian, kaya sobra ang gutom ko-
Ela – sus, kahit kailan talaga, lagi mo akong binobola.
-natapos na kaming kumain, at nailigpit na din namin ang aming pinagkainan-
ELA’s POV
-wala na akong mahihiling pang iba, basta ang mahalaga sakin ay magkasama kami ni Josh at nagmamahalan, nagpasya akong magsama na kami, alam kong mali na wala pa kaming basbas ng kasal pero eto kami at nagsasama bilang mag asawa, pero nag-iipon na kami para sa aming simpleng kasal-
Ela – mahal huwag mo na akong imasahe, alam kong napagod ka din sa paghahanap mo ng trabaho, hayaan mong ako na lang ang mag masahe sayo.
Joshua – ayos lang ako mahal, ikaw nga itong napagod sa pagtitinda mo, pasensiya ka na ha, ikaw lang ang kumikita sa ngayon.hayaan mo kapag nakahanap na ako ng trabaho, hihinto ka na sa pagtitinda sa palengke, kasi naman, hindi naman pang palengke ang beauty ng mahal ko, dapat sana ako yong kumakayod at hindi ikaw, ang malas naman kasi at wala akong mapasukan na trabaho.
Ela – ayos lang mahal, huwag mo na masyadong isipin yon,huwag mong problemahin kung sino yong nagtatrabaho para satin.
Joshua – hindi ko naman maiwasan na hindi mag isip mahal, inaalala ko pa yong pangako ko sayo na ihaharap kita sa altar, paano ko naman magagawa yun kung wala akong pera.
Ela – mahal makakahintay naman ako ang mahalaga ay kasama kita.
Joshua – pangako ko sayo, oras na naka ipon na ako, agad kitang ihaharap sa altar, magpapakasal tayo, magsasama habang buhay.
Ela – salamat mahal, alam ko naman na ginagawa mo ang lahat, para sakin, sa atin, at masayang masaya ako dun.
Joshua – gagawin ko naman talaga ang lahat mapasaya lang kita.
-niyakap ako ni Josh at hinalikan, tinugon ko naman ang kanyang mga masusuyong halik-
Joshua – mahal na mahal kita!
Ela – mahal na mahal din kita!
-at muli na naman niya akong hinalikan, halik ng may buong pusong pagmamahal, at sa mga oras na ito ay dinadama namin ang matamis naming pag-iibigan, tanging, mga mahihinang ungol ang namumutawi sa aming dalawa, hanggang sa maabot namin ang walang kasing tamis na aming pag iisang katawan, dulot ng aming pagmamahalan.
Joshua’s POV
-nasa lansangan na naman ako upang maghanap ng trabaho, gaya ng dati kong ginagawa ay di ako kumakain, dahil yong pera ko na ibinigay ni Ela na pang-kain at pang meryenda ko ay hindi ko ginagastos, iniipon ko iyon para makabili ako ng singsing namin, para sa aming kasal, dahil gusto ko mag uunti unti na ako para sa aming pag papakasal..
Joshua – boss baka po may bakante pa, magaapply po sana ako dito sa constraction nio.
-tanong ko sa isa sa mga forman na gumagawa sa building-
Forman – pasensya ka na, hindi na kami nangangailangan eh, madami na
Kami.
Joshua – ganun po ba, sige po salamat na lang.
-gabi na akong naka uwi, at nagulat na lang ako ng madatnan ko sa bahay namin ang aking nanay at ang aking bunsong kapatid-
Joshua – mama, Trisha, nandito naman po kayo?
Julieta – oo anak, paano naman, pinalayas na kami sa inuupahan naming bahay, wala na din kaming pera ng kapatid mo.kaya dito na kami titira ng kapatid mo.
Joshua – ano po?
-nagulat ako sa sinabi ni mama na dun sila titira ng kapatid ko, napatingin ako kay Ela, ngunit isang napaka gandang ngiti ang nakita ko sa kanya-
Ela – opo mama, dito na po kayo tumira ni isha tutal naman po, dalawa yong kwarto ng bahay, kaya welcome po kayo dito.
Julieta – oh walang problema kay Ela, kaya anak dito na kami, nahihirapan na din kasi ako.
-doon nga nanirahan ang mama at kapatid ko, hiyang hiya ako kay Ela dahil nadagdagan pa ang gastusin namin, tatlo na kaming pasan ni Ela.
ELA’s POV
-Nakahanap ng trabaho si Josh, service crew sa isang fastfood, samantala naman halos dalawang buwan na nakatira sa amin ang mama at kapatid ni Joshua, maayos naman ang pakikitungo nila sa akin, kahit alam ko naman na pakitang tao lang ang pakikitungo nila, ngunit di ko maiwasan na hindi mag damdam sa mga ito, dahil hindi marunong tumulong sa mga gawaing bahay, yong mama ni Josh, sa kabila ng wala namang trabaho, at hirap sa pera, umaasa lang sa bigay ni josh na konting pera ay nakukuha pang ipang sugal, ngunit sinasaloob ko lamang iyon, dahil ayokong maging alalahanin pa iyon ni Josh-
Joshua – ma, kakabigay ko lang po sa inyo kahapon ng pera a.
Julieta – Jusko naman Josh ano na lang yong ibinigay mo, kakaunti nun, at saka yong kapatid mo malaki yong gastos niya ngayon, hayaan mo kapag nakasingil ako ng pautang ko sa mga kaibigan ko babayaran naman Kita.
-halata sa itsura ni Josh ang inis niya kay mama-
Julieta – sige na pahiraman mo muna ako, pamamasahe ko lang papunta sa amiga ko, sisingilin ko yong utang niya sa akin.
Joshua – wala na akong pera ma, nagbayad ako ng kuryente at tubig.
-nagtataas na ng boses si Josh, kaya alam kong inis na siya, kaya ako na ang nagbigay ng pera kay mama-
Julieta – naku, meron naman palang ibibigay, pinatumpik tumpik pa.
-pahablot pang kinuha ni mama ang perang inabot ko sa kanya-
Joshua’s POV
-hiyang hiya ako sa ginagawa ni mama, hindi man nagrereklamo si Ela alam kong hindi niya nagugustuhan ang trabaho ni mama, at dun ako labis na humahanga kay Ela, sobrang haba ng pasensiya-
Joshua – Ano ka ba naman Trisha kababae mong tao ang kalat kalat ng kwarto nio, nasan ba si mama?
Trisha : ewan ko, hindi pa nga siya umuuwi buhat pa kagabi, baka naki sugal.
-nakakainis si Mama, talagang hindi na niya ako binigyan ng kahihiyan kay Ela-
Joshua – linisin mo tong kwarto mo ha, kailangan pag uwi ko malinis na yang kwarto nio, idamay mo na tong buong bahay,.
Trisha – kuya may gagawin ako, at saka may lakad ako maya maya,
Joshua – ano aalis ka, hindi!! hindi ka aalis, pumirmis ka dito sa bahay, tingnan mo kung ano ang dapat gawin dito sa bahay, tumuling ka naman, maawa ka sa ate Ela mo!!!naghahanapbuhay siya tapos trabaho pa niya dito sa bahay, pati damit ninyo ni mama si Ela pa ang naglalaba. Mahiya ka naman sana!! Hindi ka aalis dito ka lang sa bahay, maliwanag ba.
Trisha’s POV
-nakaka inis si kuya, umalis pa din ako ng bahay, hindi na lang ako magpapa abot sa kanya, ngunit sa kasamaang palad ay nauna siyang nakabalik ng bahay-
Joshua – diba sabi ko sayo, huwag kang aalis ng bahay, anong ginawa mo sinuway mo pa ako! Ang sabi ko sayo maglinis ka ng bahay di mo ginawa, si Ela pa ang gumawa ng pinapagawa ko sayo, dapat hindi na si Ela ang gagawa dito sa bahay, kayo na sana ni Mama at nang may maitulong naman kayo.
Julieta – bakit yan ba ang gusto ng babae mo.
Joshua – ma, anong klaseng salita yan!
Julieta – hoy Josh, hindi porke nandito kami nakatira eh pwede nio na kami alilain dito.
ELA’s POV
-hindi ko kayang marinig ang mga pagtatalo ni mama at ni Josh kaya naglagay ako ng earphone sa tenga ko at nagpatugtog ng ubod ng lakas, kahit masakit na masakit ang ulo ko dahil ako ay nilalagnat ay tinitiis ko, huwag ko lang marinig ang baluktot na katwiran ni mama, at hanggang sa pakikinig ko ng music ay di ko namalayan na nakatulog na ako nagising na lang ako ng nakaramdam ako ng ginaw dahil sobra na pala ang taas ng lagnat ko, pinupunasan ako ni Josh ng malamig na bimpo-
Joshua – mahal, ang taas ng lagnat mo.pinupunasan kita para bumaba yang lagnat mo.
Ela – mahal huwag mo akong iiwan ha, dito ka lang sa tabi ko.
Josh – oo mahal, dito lang ako.
-tapos na akong punasan ni Josh, dinulutan naman niya ako ng pag kain, ngunit di ako makakain-
Josh – pilitin mong kumain mahal, kahit konti lang, malamnan mo lang yong sikmura mo, tapos uminom ka na ng gamot.
-ginawa ko yong sinabi ni Josh, ngunit yong kinain ko ay inilabas ko din-
Joshua – idala na kaya kita ng ospital mahal.
Julieta – idadala mo ng ospital, naku, natural lang yang lagnat na yan, kamahal kaya mag pa ospital ngayon.
-sabad ni mama, nalungkot ako sa sinabi ni mama, pakiramdam ko sa lahat ng mga ginawa ko para sa knila ay di pa din niya ako tanggap, alam kong ayaw niya ako para sa anak niya-
Joshua – ma, ano kaba, wala akong paki alam kung mahal magpa ospital—
Ela – mahal, ayoko dito na lang ako sa bahay, okay lang ako!
-kahit sobrang sama ng pakiramdam ko, ay hindi ko pinahalata kay Josh, pilit kong inaayos yong sarili ko upang isipin niya na maayos nga ako-
Joshua – sige mahal, sabihin mo lang sakin kong hindi mo kaya ha, at pupunta na tayo sa ospital.
-basta nandiyan sa tabi ko si Josh ay nawawala ang kahit na anong karamdaman, inalagaan niya akong buong magdamag, hanggang sa nawala na ang sama ng aking pakiramdam-
Joshua’s POV
-labis akong nag aalala dahil nawawala ang mga pera kong na ipon, wala na ang mga pera ko sa pinagtataguan ko-
Joshua – ma, kinuha mo ba yong pera ko?
-deretso kong tanong kay mama-
Mama – anong pera?
Joshua – mama naman, nakita kitang pumasok dito sa kwarto namin.
Julieta – aba tarantadong batang ito, pinagbibintangan mo ba ako?
-galit niyang sabi-
Joshua – ma, pasensiya napo, pero sinong gagawa nun–
Julieta – aba malay ko???
-si mama yong napagbibintangan ko dahil siya yong nalululong sa sugal, dahil sigurado naman ako na hindi si Ela ang gagawa nun, dahil napaka sekretong taguan ko itinago ang pera, nagtatago ako ng pera kapag wala siya sa bahay, kaya kahit kailan ay di alam ni ela ang aking pinagtataguan..
Trisha’s POV
-kinabahan ako dahil alam na ni kuya na wala na ang pera niya, ninakaw ko ang pera ni kuya dahil kailangang kailangan ko lang, nakita ko siya na palagi siyang naglalagay ng pera sa sulok, kaya ng umalis siya ay tiningnan ko iyon, at nakita ko na madaming naitatabing pera si Kuya, nasa Sampung libong piso na, kinuha ko iyon-
Trisha – ah kuya baka naman si Ela.
Joshua – sigurado akong hindi si Ela, mama naman, aminin nio na kasi, pampakasal namin ni Ela yun, inipon ko yun para sa kasal namin.
Julieta – hoy Josh akoy tigilan mo ha, napaka balasubas mo naman, pagbibintangan mo ako sa hindi ko ginawa.
Joshua – ikaw trisha??
Trisha – huy kuya naman, utang na loob di ako ah..
-sa sama yata ng loob ko ay biglang sumama ang pakiramdam ko, sumakit ng matindi ang tiyan ko, hanggang sa hindi ko na nakayanan, nawalan ako ng ulirat, hanggang sa nagising na lang ako ay nasa ospital kami, nagmulat ako na nasa gilid ng kama si Ela at hawak niya ang mga kamay ko, tulog na tulog siya, alam kong napagod siya, kikilos sana ako ngunit di ako masyado makagalaw, pakiram ko ay manhid pa ang mga katawan ko mabigat na mabigat ang pakiramdam ko, nagising si Ela at labis ang tuwa niya ng malamn niyang gising na ako-
Ela – mahal gising ka na, salamat sa Diyos, sandali at tatawagin ko yong doktor.
-inalala ko yong nangyari sakin kung bakit ako naririto sa ospital, sumakit nga pala yong tyan ko, at nawalan ng malay, pumasok ang doktor at sinuri ako, at ganun na lang ang gimbal ko dahil naoperahan pala ako sa bituka, gawa ng lagi akong nagpapalipas ng gutom dahil sa aking pagtitipid, at nakaramdam ako ng lungkot dahil sa pera kong inipon na ngayoy nawawala, pakiramdam ko gumuho ang mundo ko ng malaman kong wala na yong pera kong inipon na sanay pang gastos namin sa aming kasal ni Ela, naglaho ang lahat at labis din akong nalungkot dahil kailangan kong magpahinga ng matagal, hindi ako pwedeng magtrabaho ng mabibigat, paano na kami ni Ela paano na ang kasal namin, paano ko maibibigay ang kasal na ipinangako ko sa babaeng pinakamamahal ko.hanggang sa nakauwi na kami sa bahay, hiyang hiya ako kay Ela dahil nadatnan namin si mama sa bahay na nagsusugal at ang kalat kalat ng bahay namin, gusto kong magalit kay mama, pero hindi ko magawa dahil sa kalagayan ko, pasan kami lahat ni Ela, at ni isang reklamo ay wala akong narinig kay Ela, lalong lumalalim ang pagmamahal ko kay Ela dahil sa taglay nitong kabutihan, mapagpasensiya, napakabuti niya, kahit di siya gusto ni mama ay ginagawa niya ang lahat upang magusgustuhan siya.
ELA’s POV
Ela – Janeth pasensiya ka na ha, di ko muna maibibigay yong utang ko sayo, wala pa akong pambayad.
-si Janeth ang kaibigan kong matalik, sa kanya ako tumatakbo kapag may problema ako, mabait si Janeth, kahit abot ang talak niya sa akin dahil napaka martir ko raw, alam kong awang awa na si Janeth sakin kaya niya ako tinutulungan-
Janeth – naku naman kasi Ela, bakit ba yang biyanan mong hilaw ay di ka man lang tulungan sa paghahanap buhay aba inaasa na sayo lahat ah, at yan naman hipag mong hilaw ayun pasarap buhay din, aba di selpon pa ang loka at mukhang mamahalin pa ang celpon.
-nagulat ako sa ibinalita ni Janeth, paanong magkakaselpon si Trisha gayong, halos kinukulang pa sa mga pangangailangan sa kanyang pag aaral-
Ela – baka naman hindi sa kanya yun?
Janeth – anong hindi, bakit sinabi niyang sa kanya, hay naku, Ela kawawa mo naman, kawawa mong tanga, nagpapa under ka diyan sa mga hilaw mong inlaws, hay buhay, mga walang kwentang tao yang mga kamaganak ni Josh, di man lang pagsabihan ni Josh yong mama niya at kapatid niya.
Ela – lagi naman niyang pinagsasabihan yun.
Janeth – ano, mga manhid lang talaga, ang sabihin mo pinahihirapan ka nila talaga, nang sa ganun ay sukuan mo na yong anak niya, alam naman natin simulat sapul ayaw na sayo ng malditang mama ni Josh.
-yun ang masakit na katotohanan hindi ako tanggap ni mama, hindi na ako nagtagal kay Janeth umalis na din ako dahil papunta na ako sa palengke-
Trisha’s POV
Joshua – isha!!!
-nagulat ako sa sigaw ni Kuya-
Trisha – bakit kuya?
Joshua – anong ibig sabihin nito?
-natakot ako kay kuya dahil nakita niya yong Celpon ko, nakalimutan kong itago,-
Joshua – bakit ka may Celpon?
-hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, mukhang nagdududa sakin si Kuya, baka naiisip na niya na ako na yong kumuha sa pera niya-
Joshua – ikaw yong kumuha sa pera ko??
Trisha – hindi kuya!!
Joshua – anong hindi, eh bakit may Celpon ka, ayan at bagong bago pa!
Trisha – hindi nga ako kuya!
-umiiyak na ako dahil sa takot kay Kuya, at nagpasalamat ako dahil dumating na si mama-
Julieta – bakit ba nag aaway na naman kayong magkapatid, josh ano na naman ba to, bakit ba kapag may nawawala dito sa bahay kami na lang lagi ang pinagbibintangan mo, ha napakasama mo naman sa amin ng kapatid mo.
Joshua – hindi naman sa ganun mama, nakita ko si Trisha may bago siyang Celpon.
Julieta – ah yan ba, bigay ko sa kanya yan, paano yong isa kong amiga natalo ko sa sugal, wala siyang perang pambayad, kaya yong bagong celpon niya ang ipinambayad niya sakin, eh hindi naman ako marunong mag celpon kaya ayun binigay ko na lang sa kapatid mo, kawawa naman kadalagang tao wala man lang siyang magamit na celpon, alam mo anak, alam kong pabigat kami sa inyo ni Ela, pero hindi namin magagawa na pagnakawan kayo, may hiya naman din kami.
-nagluwag yong dibdib ko dahil lusot kami ni mama, dahil kahit si mama ay nakinabang sa pera na ninakaw ko kay Kuya-
Joshua – sorry po mama, hindi na po mauulit.
Julieta – nakakasakit ka naman kasi ng kalooban lagi mo kaming pinagbibintangan.
ELA’s POV
-Hindi ko alam kung hanggang kelan ako magtitimpi sa kabahay ko, naturingan na may mga babae akong kasama pero ang kalat sa bahay, ako pa na galing sa paghahanapbuhay ang magliligpit ng mga kalat, pati mga pinagkainan nila ng umagahan, tanghalian ay ako pa ang magliligpit, ako pa ang magluluto ng hapunan namin.
Trisha : uy Ela anong ulam na niluto mo?
-nanggigigil talaga ako dito kay trisha, hindi manlang ako ginagalang-
Ela – Gulay lang yong niluto ko.
Trisha – gulay lang, walang iba?
Ela – wala eh, pasensiya na konti lang yong kinita ko ngayong araw, bumili pa ako ng gamot ng kuya mo.
Trisha – hindi bale na, hindi na lang ako kakain, diet naman ako.
-lumabas si Trisha ng bahay nakita ko sa mukha niya ang dismaya dahil sa ayaw niya ng gulay.
Julieta – Ela, nakaluto ka na ba, baka pwede na tayong kumain.
Ela – opo mama, sige po at maghahain na po ako.
Julieta – bilisan mo ha.
Ela – opo mama.
-grabe kung makautos sakin si Mama, feeling niya katulong niya ako, hay naku, gusto ko na talagang magwala sa galit, binilisan ko na lang ang paghahain para walang gulo-
Julieta – Gulay!!!!
-nagulat ako sa taas ng boses ni mama, dahil ayaw niya din ng ulam-
Ela – opo mama.
Julieta – ano ka ba naman Ela, puro gulay na lang, ano ba naman papatayin mo ba kami sa gutom, paanong lalakas yong anak kong si Josh kung puro ganyan ang uulamin niya, wala ka talagang kwenta.
-nagpanting ang tenga ko sa galit sa sinabi ni mama, kaya di ko napigilan na sagutin siya-
Ela – eh kung gusto nio po palang lumakas yong anak nio, sana po tumutulong po kayo sakin na maghanapbuhay, di sana po makakabili tayo ng masarap na ulam, ako lang naman po ang kumakayod sa atin dito, ako pa po ang bumibili sa mga gamot ng anak nio, ang mamahal po ng gamot...


ni Josh, at yan lang po ang kinaya ng natira kong pera, kaya huwag nio po akong sasabihan ng walang kwenta, dahil mas walang kwenta po kayo!
-hindi ko napigilan yong sarili ko na sagutin si mama, nasaktan na kasi ako sa sinabi niyang walang kwenta, at naroon na si Josh, at agad naman siyang pumagitan sa amin ni mama, galit na galit sakin si Mama, inaya ako ni Josh sa loob ng kwarto namin, at siya ang humihingi ng despensa para kay mama, humingi din naman ako ng despensa sa kanya dahil nasagot ko yong mama niya, at sa kabila ng sakit ng loob ko ay ginawa ko pa din ang tama, nanghingi ako ng tawad kay mama, nagpakumbaba ako, sensero ako sa pag hingi ng tawad kay mama, ngunit si mama ay hindi sensero sa pagpapatawad sa kin, alam kong galit na galit pa din siya sa akin.
Joshua’s POV
-para akong nakapagitan sa nag uumpugang pader, kay Ela at kay mama, hindi ko na alam kung paano ko itutuwid ang katwiran ni mama, ginagawa na nga ang lahat ni Ela para samin, eh ganoon pa din ang pag uugali ni mama kay Ela, dahil ayaw niya si Ela-
Julieta – josh, bakit ba laging ginagabi yang si Ela, siguro nanlalake na yan!
Joshua – mama, huwag po kyong magsalita ng ganyan kay Ela.
Julieta – anong huwag, eh tingnan mo, aalis ng alas tres ng madaling araw, ang uwi halos magmamadaling araw na, trabaho ba yan ng matinong babae,
Joshua – ma, naghahanapbuhay po si Ela, at hindi niya magagawa sakin.
Julieta – nakow, yang hirap ng buhay na yan, tapos ikaw ano nandito ka lang sa bahay, di ka nakakapag bigay sa kanya ng pera, maghahanap ng may pera yun.
-iniwanan ko na lang si mama, dahil hindi ko nagugustuhan yong sinasabi niya, alam ko naman na hindi ako mananalo kay mama, tumambay ako sa labas ng bahay, habang hinihintay ko si Ela, at dala ko ang gitara ko upang kahit papano ay malibang ako-
Joshua – uy, isha gabi na san ka pa ba pupunta?
Trisha – sa tindahan lang kuya..magpapaload.
Joshua – bumalik ka kaagad ha.
-namiss ko ang mga kabanda ko, kumusta na kaya sila ngayon, bakit nga ba hindi ko subukang mag apply sa bar, parang gusto ko ulit subukang kumanta, pero di ko alam kung kakayanin ko kung wala ang mga kabanda ko-
Trisha – wow kuya, wala pa ding kupas ganda ng boses, nakaka inlove ang boses ng kuya ko.
Joshua – binola mo pa ako, may kailangan ka ba?
Trisha – wLa akong kailangan, totoo naman kasi, bakit hindi mo kontakin yong mga dati mong kasamahan sa banda, tawagan mo kaya sila.
Joshua – oo nga ano, sige tama ka, tawagan mo sila, diba sabi mo nagpaload ka, paki dial mo yong number ni Marcus, yong number lang ni Marcus yong natatandaan ko.
Trisha – sige kuya register ko lang ha, para unlimited.
-at natuwa ako ng sabihin ni Trisha na nag riring daw ang number ni Marcus at Hanggang sa sinagot na nga nito ang telepono niya-
Marcus – uy, pare nasan ka na ba, ang tagal ka na naming hinahanap, buuin ulit natin yong banda!
-nakipagkita ako kay Marcus, pinayagan naman ako ni Ela, at binigyan niya ako ng pamasahe at pati na pangkain-
Marcus – naku pre, mukhang namayat ka ah.
Josh – naoperahan ako pare, kaya eto, patambay tambay muna, kasi bawal pa ang magtrabaho ng mabibigat.
-pinuntahan pa namin ni Marcus ang iba pang tropa, at masaya naman kaming nagkita kita, maliban sa isa naming kaibigang si Brent-
Josh – si Brent nga pala?
Matt – pare nasa ibang bansa siya.
Primo – naku, bigtime na ngayon si Brent, nasa Japan na siya, pinagaaral siya dun ng ermat nia.
Josh – buti pa pala siya.
Matt – kumusta naman ang buhay may asawa pare Josh.
Josh – ayun, masaya! Kaya lang di pa kami kasal, hindi ko nga alam kung kelan ko maibibigay sa kanya yong pangako kong kasal, wala akong pera mga pare, si Ela lang yong kumakayod sa amin ngayon, kasama ko pa ang ermat ko saka yong utol ko.
Primo – ah may sulosyon tayo diyan pare, mamayang gabi may racket tayo, kakanta tayo sa isang bar mamaya, kaya tara na practice na tayo, gaya ng dati, lead bocalist ka Josh.
ELA’s POV
-nagaalala na ako kay Josh, halos mag aalas dos na ng madaling araw ay wala pa siya, halos wala na akong tulog, dahil alas tres ay papunta na din ako ng Palengke, upang makapakyaw ng aking maititinda sa palengke, at hanggang sumapit na nga ang alas tres nakagayak na ako paalis ng dumating si Josh-
Ela – ano ka ba naman mahal, nag alala ako sayo ng sobra, bakit ngayon ka lang umuwi?
Josh – sorry mahal.
Ela – nakaka inis naman eh, alam mo naman na magtitinda ako, maghapon na naman ako sa palengke, ni kahit isang minuto wala akong naitulog, sige na aalis na ako, matulog ka na!
Josh – hindi ka aalis mahal, hindi ka na magtitinda ngayon.
Ela – hindi pwede, mag huhulog ako sa lending ngayon.
Josh – mahal, may panghulog ka na sa lending mo.
-nalaman ko kay Josh na nag gig pala sila ng grupo nila sa isang bar, kaya siya inumaga, kahit nagpumilit ako na magpunta sa palengke ay hindi ko naipilit ang gusto ko-
Josh – wala kang gagawin ngayon kundi ang magpahinga, halika na mahiga na tayo mahal, ikalma mo muna yong isip mo, gusto ko magfocus muna tayo sa isat isa.
-wala ng lumabas pang kahit na anong salita sa mga labi ko dahil siniil ako ng halik ni Josh, at isa isa niyang tinatanggal ang mga damit ko, ganun din ako, tinatanggal ko na din ang mga damit niya habang magkalapat ang aming mga labi, at nang matangal namin ang aming mga damit ay maingat niya akong inihiga sa aming kama, at yakap namin ng mahigpit ang isat isa, at hanggang sa sinimulan na niyang pag isahin ang aming mga katawan, buong puso kong pinagkakaloob ang sarili ko sa kanya, dahil alam ko namam kung gaano niya ako kamahal, kaya ni isang pagsisi ay wLa akong maramdaman, wala na akong hihilingin pang iba kundi makasama lang ang aking minamahal-
Julieta – nagising na pala ang reyna!
-hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, wala akong makitang orasan dahil yong wallclock namin ay hindi gumagana dahil walang baterya, hinanap ko si Josh.
Ela – si Josh po mama?
Julieta – wala umalis.
Ela – san daw po siya pumunta?
Julieta – hindi ko alam, hindi ako ang tanungan ng nawawalang tao.
-naiiling na lang ako sa isip ko, bumalik ako sa kwarto upang, hindi kami magkainitan pa ni mama, at pagpasok ko sa kwarto ay may nakita akong isang pilas ng papel, tiningnan ko iyon sulat pala ni Josh, nakasulat roon ay pupunta daw ulit siya sa kabanda niya dahil may practice sila, dahil may gig daw sila ulit mamayang gabi at sinabi din niya na may inilagay siyang pera sa bag ko, agad ko namang tiningnan ang bag, at meron ngang pera roon, 6k ang naroon, gaya ng sinabi ni Josh may panghulog na ako sa utang ko, at dahil hindi ako nakapagtinda ay ginugol ko ang oras ko sa paglilinis ng bahay at paglalaba, inabot ako ng gabi bago ko natapos ang lahat ng trabaho ko gaya ng dati madaling araw na namang nakauwi si Josh, at hindi na naman niya ako pinagtinda-
Josh – mahal mula ngayon hindi ka na magtitinda sa palengke, dito ka na lang sa bahay, may pambayad ka na sa utang mo kay Janeth, malaki yong naging tip namin.
Ela – mahal sayang din namn yong kikitain ko.
Josh – mahal huwag matigas ang ulo mo ha, hihinto ka na sa paghahanapbuhay mo, dahil ako naman ang magtatrabaho para sa pamilya natin, panahon na ako naman ang kikilos, ang tagal na ng sakripisyo mo sa akin sa amin ni mama at trisha.
Ela – mahal, pamilya ko na din sila mama at trisha, kahit na medyo nagkakatampuhan kami ni mama, mahal ko yong mama mo, kahit alam kong hindi niya ako gusto.
Josh – salamat mahal, sa mga pang unawa mo kay mama, hayaan mo, dadating din yong araw na maiisip niya na hindi tama yong ginagawa niya.
Ela – hayaan mo mahal, pangako ko kahit ano pang sabibin ni mama, magiging pasensyosa na ako, kaya huwag mo nang alalahanin pa yong tensyon namin ni mama.
Josh – salamat mahal, matulog na tayo mahal, inaantok na ako.
-napakasaya ng puso ko, dahil yakap na naman ako ni Josh, lahat ng mga bagay na nakapagpabagabag sa aking isipan ay nawawala dahil sa mga yakap ng aking minamahal, at hanggang sa di ko na din namalayan na nakatulog na din ako, naging busy si Josh sa banda, wala silang ginawa kundi magpractice, at minsan ay isinama ako ni Josh sa bar na kung saan sila kumakanta, galak na galak ang puso ko dahil sa mga mata ko lang nakatutok si Josh habang kumakanta, lalong gumwapo si Josh dahil nakakabihis na ito nang maayos, pumuporma, paborito siya ng mga babaeng naroon sa bar, syempre ako naman proud na proud sa mahal ko, masaya ako para sa mahal ko, wala akong naramdamang selos dahil alam kong mga taga hanga ito ni Josh, hindi na kami kapos sa pera, kaya lahat na ng luho ni mama at ni Trisha ay naibibigay na ni Josh.
Julieta – hay naku, salamat sa magandang boses ng kuya mo. nakakakain na tayo ng masasarap!
Trisha – yes nga mama, at meron ding magagandang damit.
Joshua’s POV
-pansin ko na puro luma pa din ang isinusuot ni Ela na damit-
Joshua – mahal, di ka ba bumibili ng damit mo?
Ela – mahal madami pa naman akong damit diyan, mga bago pa naman yun.
Joshua – sige mamaya lalabas tayo, mag sa-shopping Tayo.
Ela – naku mahal hindi na.
Julieta – josh kung ayaw ni Ela, kami na lang di kami tatanggi diyan.
Josh – ma kaka-shopping nio lang kahapon ah, kami naman ng asawa ko!
ELA’s POV
-kinilig ako sa sinabi ni Josh na asawa ko, sa twina na tinatawag ako ni Josh na asawa ko ay parang lumulutang ako sa saya-
Julieta – asawa, hindi pa nga kayo kasal, paano mong matatawag na asawa yan?
-nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi ni mama, masakit talagang isipin ang katotohan na hindi pa nga talaga kami matatawag na mag asawa, dahil di pa kami kasal-
Josh – sa ngayon, pero malapit na!
-kay saya ng puso ko sa sinabi ni Josh na malapit na, gusto ko sanang itanong kung kelan ba yong malapit na, sa isang buwan sa isang taon, pero kung pwede sana ngayon na, kahit isang simpleng kasal lang, yong masasabi ko na akin na talaga siya ng buong buo, at nanigas ako sa kinatatayuan ko ng biglang, lumuhod si Josh sa harap ko at ipinakita sa akin ang kahon na maliit, at nanlalaki ang mga mata ko, ng makita ko ang laman nun, isang magandang sinsing-
Josh – Gabriela Medina, ikaw ang gusto kong makasama habang buhay, at ikaw ang gusto kong maging ina ng aking mga anak, nandito ako ngayon sa harap ni mama ni Trisha, at sa mga magulang mo na kahit wala na sila dito ay gusto kong sabihin na ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko, Mahal, pumapayag ka ba na pakasalan ako?
-hilam na ang mga mata ko sa napakaraming luha dahil labis na kaligayahan, at dahil sa matagal ko nang inaasam ang makasal sa lalakeng mahal ko ay agad kong sinabi ang-
Ela – oo mahal, pumapayag ako!
-habang sinusuot ni Josh ang singsing sa kamay ko ay masaganang bumubuhos ang mga luha ko, luha ng kaligayahan, nakita ko na umalis si mama, lumabas siya ng bahay, at si trisha naman ay pumasok sa kwarto nila. At nakita ko sa mukha ni mama ang pagkadismaya, pero wala na akong paki alam kung ayaw nila sa akin, ang mahalaga mahal ako ni Josh, yun ang importante sa akin, yong kaming dalawa, at nang maisuot na niya ang singsing sa daliri ko ay masuyo pa niya itong hinalikan, at agad na siyang tumayo, at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit, yakap ko din siya ng mahigpit, at hinalikan niya ako sa mga labi, gaya ng sinabi niya ay umalis kami ni Josh, napaka-saya ko nang mga araw na yun, dahil maghapon kaming nasa galaan ni Josh, nanuod ng sine, nagshopping, at ang pinaka masaya ay yong nakikita ko na yong wedding gown kong binili namin ni Josh-
Trisha – hindi ka din atat magpakasal kay kuya no!
Ela – si kuya mo ang may gusto na bumili na kami ng gown ko, para daw maunti unti na makapag pundar na gagamitin namin sa kasal namin.
Trisha – hay naku ewan ko sa inyo.
Julieta – aba naman, talagang bumili na sila ng damit niyang susuutin sa kasal, alam mo ela tatapatin na kita, dahil ayokong makipag plastikan sa iyo, hindi kita gusto para sa anak ko, kaya kung ikaw ang papakasalan ng anak ko, hindi ako pupunta sa araW ng kasal ng kaisa isa kong anak na lalaki.
-nagpakatatag ako, pinigilan ko yong sarili ko na huwag nang patulan si Mama, dahil yun ang pangako ko kay Josh, hinayaan ko na lang na pagsalitaan ako ng masasakit ni mama, pinigilan ko ang aking mga luha na huwag tumulo-
Joshua’s POV
-hindi ako makapaniwala, na makukuha kami ng banda ko sa isang pelikula, may isang costumer na naroon sa bar na gustong gusto ang aming pagkanta, isa pala itong producer ng pelikula, at kinukuha ang aming banda para sa pinoproduce niyang movie at masaya kong ibinalita iyon sa pamilya-
Josh – mahal, oras na makuha na namin ang talent fee namin, may gagastusin na tayo sa kasal natin, maibibigay ko din ang engrandeng kasal para sayo mahal.
Ela – mahal, di na importante ang engrande, gusto ko yong simple lang,
Josh – mahal hayaan mo na ako, kasi yun yong pangarap ko para sa ting dalawa, kaya hayaan mo na ako.
ELA’s POV
-kung alam lang ni Josh kung gaano ako kaligaya, dahil siya pala mismo ay pangarap din ang pangarap ko, kahit na ganoon ang trato sakin ni mama, ay pinupunan naman ni Josh ng kaligayahan ang puso ko na dinadaluyan ng lungkot dahil sa mama niya-
Josh – mahal, pasensiya ka na ha kung hindi ako makakauwi ng madalas, hayaan mo pagkatapos na pagkatapos ng project namin, babawi ako sayo.
Ela – ayos lang mahal, basta lagi kang mag iingat.
Josh – yes mahal mag iingat ako para sayo.
Ela – kompleto na ba yong mga gamit mong dadalin.
Josh – oo mahal.
Ela – sige na at baka kanina ka pa hinihintay nila Marcus.
Josh – wait lang mahal, yong yakap at halik ko muna.
-Yakap namin ng mahigpit ang isat isa, habang magkalapat ang aming mga labi, hindi nagtagal ay umalisna din si Josh, hindi na ako nagtitinda sa palengke kaya, maraming oras na ako sa pagtatrabaho sa bahay-
Trisha – uy Ela kung maglalaba ka, nasa kwarto ko yong mga maruruming damit namin ni mama, idamay mo na sa laba.
Julieta – idamay mo na din ela yong Kobre kama, kasi nangangati na ako dun eh,
-wala akong reklamo sa mga pinagagawa nila, halos maghapon akong naglalaba, sa dami ng kanilang labahin, wala si Josh kaya ganun na lang nila ako tratuhin, kinakayan kayanan, ngunit di ko na lang sila pinapatulan, nagiisip na lang ako ng mga masasayang bagay, tulad ng sa amin ni Josh, at Hanggang sa lumipas ang mga araw at mga linggo, masaya kong sinalubong ng yakap si Josh,
Ela – pinagluto kita mahal ng paborito mo alam kong napagod ka.
Josh – ganun ba mahal, pasensiya ka na ha, busog ako kumain kasi kami bago ako umuwi.
Ela – kami?
Josh – oo, sila marcus, at saka yong leading star ng pelikula, kasama namin.
Ela – Ashley Pineda?
Josh – oo mahal.
Ela – ay, naku sana makita ko din ng personal si Ashley, paborito ko kasi yun.
Josh – ah mahal, maliligo lang ako kasi aalis di ako eh.
Ela – may gig kayo ng banda?
Josh – o-oo mahal.
Ela – grabe naman kayo, sobrang sipag nio naman, di ba pwedeng pahinga muna.
Josh – mahal kailangan eh, promotion kasi ng pelikula kaya kailangang nandoon din kami.
Ela – ah ganun ba.
-mas naging abala si Josh halos di na niya makuhang umuwi dito sa bahay, hanggang sa pati ang banda nila ay lumalabas na sa Tv. Nagiging sikat na ang banda nila sa maikling panahon, Hanggang sa yong pelikula nila ay pinapalabas na sa lahat ng sinehan.
Ela – mahal baka naman pwedeng isama mo ko sa sinehan, gusto naman kitang mapanuod sa sine.
Josh – oo mahal, pero hindi muna sa ngayon, sa ibang araw, pero promis manunuod tayo.
Ela – pangako mo yan ah.
Josh – oo.
-tinupad naman niya ang pangako, nanunod kami ng sine, na kung saan ay kasama ang mahal ko sa Pelikula, at ganun na lang ang gulat ko, dahil isa pala si Josh sa mga leading character, love team sila ni Ashley, at parang may nakabara sa lalamunan ko ng mapanuod kong may kissing scene sila ni Ashley, ganun pala yong pakiramdam na makita ang minamahal ko na may kahalikang ibang babae-
Josh – uy mahal, cr lang ako ah.
-tinanguan ko lang si Josh, dahil parang di ako makapagsalita sa pinapanuod ko, di ko napigilan na tumulo ang luha ko, pero sinaway ko naman yong sarili ko bakit ba ako masasaktan eh pelikula yun, hindi naman totoo yun, nagpahid ako agad ng luha dahil nakita kong papalapit na si Josh-
Josh – mahal binilan pa kita ng popcorn.
Ela – salamat, ah mahal bakit hindi mo sinabi sakin na isa ka pala sa mga leading man sa Pelikula.
Josh – mahal surprise ko sayo, hindi ka ba proud sa asawa mo na artista na.
-naligayahan na naman ako sa sinabi niyang asawa-
Ela – syempre proud ako. Napaka swerte ko nga at may asawa ako na artista na singer pa.
Josh – wow proud na proud nga ang mahal ko.
-buong maghapon kaming wala sa bahay, gabi na kaming nakauwi ni Josh, natuwa naman ako dahil di na ito umalis pa ng bahay, nagligpit muna ako ng kalat sa kusina, at pagkatapos kong magligpit ay naligo na muna ako, at pagpasok ko sa aming kwarto, nakita kong tulog na si Josh, marahil sa sobrang pagod sa maghapon naming paglilibot, at isa pa sa sobrang pagod sa trabaho, puyat kaya ayun bagsak na ang katawan.at pagkatapos kong makapagayos ng sarili ay nahiga na din ako sa tabi ni Josh, at nang maramdaman naman niya ako na nahiga na sa tabi niya, bumiling siya ng higa paharap sakin, at niyakap na niya ako.-
Josh – I love you mahal.
-bulong pa niya sakin-
Ela – I love you too mahal.
-napakasaya ko sa mga oras na kayakap ko ang lalakeng nagpapasaya sa puso ko, lahat ng mga suliranin ay nawawala dahil sa kanyang mga yakap-
Joshua’s POV
Joshua – totoo ba to, hindi ka ba nagbibiro?
Ashley – oo nga, ayaw mo ba?
Joshua – syempre gustong gusto ko!
-magkakaroon uli kami ng Pelikula na pagtatambalan namin ni Ashley Pineda-
Joshua – thank you Ashley, kasi dahil sayo, nagiging in demand na din ako.
Ashley – hindi ah, kung ano yong narating mo ngayon ay dahil yun kay mommy, kaya sa kanya ka magpasalamat.
-ang mommy ni Ashley ang tumatayo kong manager, at isa din itong movie producer-
Josh – syempre kasama ka din sa dapat kong pasalamatan.
Ashley – kung ganun pala dapat mong itreat ako, icelebrate na natin ang pagsikat mo sa industriya ng mga artista, biruin mo di lang artista magaling pang singer kaya gusto kita e.
-natigilan ako sa sinabi ni Ashley na gusto niya ako, hindi ko alam ang sasabihin, napatulala ako-
Ashley – oh relax binibiro lang kita, so paano lets go..
Joshua – tara!
-nag-inuman kami ni Ashley, halos Madaling araw na ay magkasama pa kami, nalasing siya kaya kinailangan ko siyang ihatid sa bahay nila, wala ang mommy niya katulong ang sumalubong sa kanya, naki usap siya na ihatid ko siya sa kanyang kwarto, pinagbigyan ko na siya para maka uwi na ako agad dahil alam kong kanina pa ako hinihintay ni Ela, hanggang sa naroon na kami sa loob ng kwarto niya-
Ashley – ughhh sorry nalasing ako.
Josh – oo nga eh, sige mahiga ka na, uuwi na din ako, baka nag aalala na si Ela, alam niyang maaga akong uuwi.
Ashley – ganun ba, swerte naman ni Ela, kasi meron siyang lalake na tapat magmahal.
-ngiti lang yong tugon ko sa kanya-
Josh – sige, magpahinga ka na uuwi na ko.
-nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Ashley, nakadagan tuloy ako sa ibabaw niya, at ganun na lang ang gulat ko nang bigla niya akong halikan sa mga labi, pilit akong kumakawala sa kanya dahil alam kong lasing siya, hindi niya alam yong ginagawa niya.
Josh – huwag Ashley!
-saway ko sa kanya-
Ashley – i want you Josh, please kiss me.
Joshua – hindi ashley lasing ka lang.
Ashley – kiss me!!
-hinawakan niya ang batok ko, at upang magkalapit ang aming mga labi, at hanggang sa nagkadikit ang mga labi namin, at siniil niya ako ng halik, at kumilos ang mga kamay niya, naglalakbay sa mga bahagi ng aking katawan, at sa ginawa ni Ashley ay parang tinakasan ako ng lakas, hindi ako nakakilos sa aking pagkabigla, at patuloy siyang humahalik saking mga labi, bumaba sa aking leeg at pagapang sa aking tenga, at yong halik niya ay bumaba sa aking dibdib, at Hanggang sa ang halik niya ay bumaba sa sikmura ko, at pababa ng pababa, dahil dun ay binuhay ni Ashley ang aking pagkalalake, ngunit biglang pumasok sa isip ko si Ela, itinulak ko si Ashley, ngunit, di tumigil si Ashley, muli niyang siniil ng halik ang aking mga labi, at ang kanyang mga kamay ay muling naglakbay parang nabaliw ako sa mga oras na yun, at Hanggang sa hindi ko napigilan yong sarili ko at sa pagkakataong iyon, ay nawala ang aking katinuan, kaya lumalaban na din ako ng halik kay Ashley, tinanggal niya ang pang itaas kong damit, at inalis din niya ang kanya, at inihagis kung saan, at ganun din ang pang ibaba niyang saplot ngayon ay tumambad na sa akin ang magandang katawan ni Ashley, at hindi inaksaya ni Ashley ang mga sandali, ginawa niya ang lahat upang mapasaya ako sa oras na iyon, iba ang dating ni Ashley para sa akin, tila alam nito kung paano ako mapapaligaya bilang isang lalake, kaya hinayaan ko siya sa ginagawa niya, dinadama ko ang bawat kiliti na idinudulot ni Ashley sa akin na hindi ko naranasan kay Ela, at dahil na din sa epekto ng alak, di ko nakontrol ang aking sarili, nakagawa ako ng isang napakalaking pagkakamali, may nangyari sa amin ni Ashley-
.
.
Itutuloy
***REPLY BOX POLICY***






Share On Whatsapp

"7" Comments
  1. explicando la ciudadania digital para profesores

  2. complemento smart share para

    discord prohibio mas de 2 000 servidores por contenido extremista durante la segunda mitad de 2020 hosting mas barato

    https://hostingmasbarato.com/como/como-proteger-su-tema-de-wordpress-con-cpanel-asesoramiento-al-anfitrion/

  3. Melanie Casipong Caspe

    Mahal ko ang asawa

  4. Melanie Casipong Caspe

    mahal ko ang asawa ko

  5. nakainis bitin ang story

Leave a Reply


top