Share ko lang naisip kong istorya na ginawan ko agad ng bookcover😆🤣 Embracing The Darkness bukas😊
“Ate Hopia bakit mas malaki bird niya sa bird ko?” Biglang tanong ng nakababata kong kapatid habang pinupunasan ko ang isang estrangherong bigla na lang pumasok sa lungga namin at nahimatay. At ito namang kapatid ko hindi na nga nakakatulong puro pa bakit. Bakit daw sa ilalim kami ng tulay nakatira? Bakit daw palaging lechon pero chichirya ang ulam namin? Bakit daw dalawang beses lang kami kumakain sa isang araw? Bakit daw wala kaming Mama at Papa? Simula nang matuto siyang magsalita puro na siya bakit at puro naman ako paliwanag. Kaya naisip ko sana hindi na lang siya natutong magsalita. Charot.
“Kasi half siya.”
“Kalahati siya? Buo...