ENEMY TO LOVERS


ENEMY TO LOVERS
by: @mszeang
Naniniwala ba kayo sa ‘The more you hate, the more you love’? Kung naniniwala kayo, pak u!
May isa kasi akong kaklase na lagi akong binubullshit! Gago yun eh! Pinapatulan ko malamang, ako paba!
“Hoy, Sheena! Ampangit natin ngayon ah” gandang bungad sa umaga. Badtrip naman oh! Ba’t ganyan yung mukha niya, tss parang tuko!
“Ang baho natin ngayon ah!” pang-aasar ko din sa kanya.
“Di kaya ako mabaho, amoyin mo pa ako” defensive yarn?
“Ayaw ko nga baka mahimatay pa ako. Tumabi ka nga, ligo ligo din pag may time!” pang-aasar ko pa lalo.
Sumimangot yung mukha niya. Hindi naman talaga siya mabaho, ang bango nga eh pero mag-enemy kami kaya mission kung asarin siya.
—————
“Sheena, pahingi papel!” bulong niya.
Luh, mayaman to diba ba’t nanghihingi ng papel?
Ayaw ko man siyang bigyan ay binigyan ko nalang kasi baka sabihin niyang napaka evil ko na.
“Mayaman tapos walang papel” bulong ko.
—————
“Ako na magd-drawing para sayo” saad niya. Hala, totoo ba to? Di ba ako nananaginip?
“Wag baka kung ano yung i-drawing mo” angal ko.
“Ano ba favorite mong flowers?” tanong niya.
“Rose na black” sagot ko.
BWAHAHAHAnakakatawa yung reaction niya. Parang natatae na ewan.
—————
Valentines ngayon at wala akong pakialam.
Dzuhhhh, wala namang magbibigay sakin ng mga plaweEeeerrrrS at chocolatesssSsss.
Nakarating na ako sa classroom.
Uupo na sana ako ng may flowers at chocolates may malaki ding teddy bear.
Ang kyutttt! Sino kaya nagbigay neto.
“OHHH! di ko to inexpect may nagkakagusto pala sayo? Ang pangit kaya ng mukha mo!” biglang sabat ng isa jan.
Sinisira niya talaga ang araw ko.
“Tumahimik ka nga Ken!!!! Palagi mo nalang akong binoboysit ahhh! Ano bang problema mo huh?” saad ko at pinaghahampas siya.
“Existence mo” sagot niya.
“Ah, talaga?” ani ko at nilakasan ko pa ang paghampas sa kaniya.
Hanggang sa hinabol niya ako at ako naman ang humabol...


sa kanya. Para kaming mga aso’t pusa pero the hell I care gusto ko ulit siyang masapak.
Ano kaya yung nagawa kong kasalanan sa kanya? Bahala nga siya jan.
Existence pala yung problema niya ah!
Ide, di ko na siya papansinin. Bahala na siya sa buhay niya!
—————
It’s been a week na hindi ko siya pinapansin and I felt bad.
Feeling ko di buo yung araw ko pag hindi ako pumapatol sa mga kalokohan niya.
And he’s here, sinusundan niya ako.
“Woii, sorry na. Di na ako mang-t-trip sayo basta pansinin mo lang ako” pagmamakaawa niya.
“Galit kaba talaga sakin?” tanong niya.
“Sorry na po, di na po ako uulit” parang bata na nanghihingi ng tawad.
I felt bad.
Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.
Miss na miss ko na yung restling namin sa oval.
“Gusto mo ba lumuhod ako sayo? Luluhod ako” ani niya at lumuhod.
Gago!
“Woii, tumayo ka nga jan! Tanga kaba? Ba’t mo yan ginagawa?” inis kong tanong.
“Hindi ba halata? Gusto kong magpapansin sayo, gusto kong lagi yung atensyon mo! Nanghihingi ako ng papel sayo kahit mayron akong papel dahil gusto kita, gustong-gusto kita. Gusto kong ipag-drawing ka para malaman ko kung ano yung favorite mong flowers para may maibigay ako sayo sa valentines day kahit di mo alam na ako yan….kasi nga MAHAL KITA! Ang manhid mo!” mahaba niyang litanya.
Biglang kumabog ang dibdib ko.
Totoo ba to?
At..
Siya yung secret admirer ko noong Valentines?
“Ano? Sumagot ka! Tutunganga ka lang?” ani niya.
“Okay ka din noh! Yung love language mo pala yung boysitin ako?” tanong ko.
“Sorry na, I love you” ani niya.
I did not reply bagkus ay niyakap ko siya ng mahigpit.
Parang maniniwala na nga ako sa kasabihan na ‘The more you hate, the more you love’
Nagsimula bilang magkaaway and end up bilang magkasintahan. Muntanga lang!
Plagiarism is a crime!
Work of Fiction!
@mszeang






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top