ESCAPE ROOM


Author shela Mae
Pag ngusthan nyo itutuloy KO comment LNG
Paaprove po if pwede
◆PROLOUGE◆
“Te’ ,alam mo ba. May binigay sa’kin na ticket yung gwapong lalaki kanina hihihi” tuwang tuwa ani ni Jared sa kanyang kaibigan na si Annie na abala sa pag-aaral.
“Para saan naman yung ticket na yan? Sa sinehan ba?” Takang tanong ng dalaga.
“Hindi eh. Ayon sa nakasulat dito ticket invitation para sa ‘Escape Room’.” sagot ni Jared.
Sandaling tumigil sa pag-aaral si Annie at mabilis na nilingon ang kaibigan. Dito ay nakita nya ay hugis parihabang ticket na invitation nga sa isang Escape Room.
Biglang naagaw ng atensyon nito ang dalaga na nagbigay dito ng matinding pagtataka tungkol sa Escape Room.
“Grabe te’ pagkakatitig mo d’yan ahh. Meron ka bang something na nararamdaman about sa ticket at grabe kung titigan mo yan?” birong tanong ni Jared.
Hindi siya sinagot ng dalaga at patuloy lang na pinagmasdan ang ticket na hawak ni Jared.


/> “Actually, 5 tickets binigay sakin ni pogi. Sakto para sa ‘ting lima para kahit papaano makapagpahinga ang utak natin pagkatapos ng sem” dugtong ng binata.
Napatingin sa kanya si Annie.
“Alam mo ba kung saan lugar yung Escape Room?”
“May address na nakalagay dyan beh’ basahin mo na lang” sagot sa kanya ni Jared. “Pero ano nga? G ka ba na pumunta dyan?”
Nagdadalawang isip pa ang dalaga sa kanyang desisyon ngunit mas lamang parin talaga ang kuryusidad niya tungkol sa Escape Room. Tumingin siya sa kaibigan saka tumango na may kasamang ngiti.
“Okayyy. Hintayin na lang natin sila Mika para malaman din nila yung plano ko hihi” masayang tugon ni Jared saka sila nag-usap ni Annie.
Sa oras na nakabuo sila ng desisyon. Maling hakbang lamang nila ay malalagay sila sa isang panganib na kelangan nilang takasan.
5 magkakaibigan laban sa mga kwartong mala-impyerno ang madadatnan?
To keep safe is to being escape the immersive rooms in ‘Escape Room’.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top