FADE AWAY


Bagong lipat kami ngayon ng bahay at unang araw pa lang namin dito matapos maayos ang mga gamit.
“Angela, halika dito!” Dinig kong tawag sa akin ni Tita Shella.
“Hmm?” Tanong ko pero may kausap siya sa phone kaya tinuro niya lang sa’kin yung basura.
Agad kong nalaman kung anong ibig niyang sabihin kaya dinala ko na yung basura sa labas. Kasama ko lang si Tita Shella dahil iniwan ako sa kanya ng mga iresponsable kong mga magulang.
“Arayy!” Daing ko nang may bagay na tumama sa akin.
“Sorrryyyy!!!” Sigaw ng isang lalaki na papalapit sa akin. Pinulot ko naman yung baseball na tumama sa akin.
“Okay ka lang miss?” Tanong niya habang ako ay namimilipit pa din sa sakit, kaya sinamaan ko sya ng tingin.
“Mukha ba akong okay?” Malamig na tanong ko. Napakamot naman siya sa batok niya.
“Kuya Charles! Akin na yung bola!” Napalingon ako doon sa batang lalaki na nasa kabilang banda.
Nagulat ako nang inagaw sa’kin nung lalaki yung bola at binato ito. Pero tumama ito sa bintana ng isang bahay.
“Oopss!” Sabi nung lalaking nasa harap ko at agad na tumakbo papunta doon sa bata.
Nanlaki yung mata ko nang makita kong nasa akin na yung tingin nung babae ng may-ari ng bahay. At agad akong sinigawan at pinagalitan. “Ehh?!” Reaksyon ko at masamang tinignan yung lalaki at yung bata pero tumatakbo na silang umalis doon.
_
“I’m really sorry! Babayaran na lang po namin ‘yon.” Paumanhin ng tita ko doon sa babae na pumunta pa sa bahay namin para mag-reklamo.
Naramdaman kong siniko ako ni Tita Shella. “Hindi nga ako yung may gawa ‘non!” Inis kong bulong sa kanya.
“So sino ang may gawa nun?” Tanong nung babae. Napaisip naman ako, medyo natatandaan ko pa yung mukha nung lalaking ‘yon.
“Matangkad po sya, mapayat, maputi, chinito, matangos yung ilong tapos may kasamang batang lalaki.” Pagpapaliwanag ko pero kumunot yung noo nung babae.
“Ahh, ano.. Pasensya na sa abala, uuwi na lang po ako.” Nagulat kami dahil biglang bumait yung mukha nung babae at nagmamadaling umalis.
“Mars, balik ka dito ha?” Habol ni Tita Shella doon sa babae.
Sa kyuryosidad ko ay umalis ako ng bahay gamit yung pinto sa likod at sinundan yung babae. Mula sa malayo ay nakita kong may dumating na kotse at may lumabas doon na lalaki. Sinalubong siya nung babae na pumunta sa’min kanina at piningot sa tenga!
Ang ikinagulat ko pa ay pumasok sila doon sa bahay, so doon nakatira yung lalaki?!
Kinabukasan ay maaga pa lang ay ginising ako ni Tita Shella. “Angela, buksan mo yung pinto baka bumalik na si Mars!”
Bumaba naman ako kahit hindi pa nag-hihilamos. Pagkabukas ko nang pinto ay agad akong umalis kahit hindi ko pa nakikita yung tao. “Tita Shella! Ayan na po siya!” Sigaw ko at dumiretso sa kwarto para matulog ulit.
Pero nagising yung diwa ko nang madinig ko yung sigaw ni Tita Shella. “Ijo!! Napakagwapo mo, nasaan yung mama mo? Akala ko ba babayaran namin yung nabasag na bintana?”
Nag-ayos ako ng sarili bago sinilip yung nasa sala. Nakita kong nandoon nga yung lalaki kahapon tapos may dalang mga pagkain. Masaya din siyang kinukwentuhan ni Tita Shella.
“Ano? Hinahanap mo yung babaeng ‘yon? Sandali tawagin ko lang.” Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Tita Shella kaya bumalik ako sa kwarto at nag tulog-tulugan.
“Angela, may naghahanap sa’yo sa baba. Bumangon ka na diyan diyos ko!” Pangbubulabog niya sa’kin.
Bumaba naman ako at nakita na ako nung lalaki. “Miss I’m really sorry. Napagbintangan ka pa tuloy dahil sa’kin.” Sincere na paumanhin niya pero hindi ko lang siya pinansin at kinain yung dala niyang pagkain.
“Nahh it’s okay,” sabi ko at tumingin sa kanya.
“Talaga?!” Nakangiting tanong niya kaya ngumiti ako sa kanya ng mala-demonyo.
“Oo okay lang, kung..” Putol ko sa sasabihin ko at tumabi sa kanya. Mabuti na lang wala dito si Tita Shella.
“A-Ano?” Nauutal na tanong niya. “Nahh never mind.” Sagot ko at umalis na sa tabi niya.
Tinignan ko siya at bakas sa mukha niya ang pagkalito. Bumalik na si Tita Shella at kinausap na naman siya nito, samantalang ako ay nakikinig lang sa kanila at kumakain.
“Anong pangalan mo ijo?” Tanong ni tita. Tumingin naman siya sa akin at sumagot, “Charles po, Tita.”
“Ang pogi din ng name mo! By the way ito nga pala yung anak-anakan ko si Angela. Sorry kung medyo weirdo siya at nagkakagusto sa babae pero mabait naman ‘yan!” Excited na sabi ni Tita Shella at parang binebenta na ako kay...


Charles. Ngumiti naman sa’kin si Charles kaya nginitian ko siya pabalik.
_
Ilang months na din ang lumipas simula ng lumipat kami dito at naging malapit kami kina Charles at sa pamilya nito.
“Turuan mo naman akong mag-drawingg!” Pakiusap sa akin ni Charles kasi nakapunta siya sa kwarto ko at nakita yung mga sketches at paintings ko.
“Yeaa sure, basta turuan mo din akong maggitara.” Nakangiting tugon ko, agad naman siyang sumang-ayon.
Habang tinuturuan ko siya ay napansin kong mabilis siya matuto, ang alam ko din ay marami siyang hobbies. Talented siyang tao kaya siguro mabilis kaming nagkasundo.
“Ganito lang ‘yan..” Hawak ko na yung gitara at tinuturuan na niya ako. Nakapwesto siya sa may bandang likod ko at gina-guide yung kamay ko.
“Nicee! That’s my girl!” Nakangiting puri niya sa akin nang ma-perfect ko na yung tinuro niya.
Napaka komportable ko habang kasama siya. Hindi ako pala-kaibigan at ilag ako sa mga tao, at sa mahabang panahon ngayon lang ako nakahanap ng kagaya niya.
“Ate Angela dito!!” Sigaw ni Raven, siya yung batang kasama ni Charles nung unang pagkikita namin at mag-pinsan pala sila.
_
“Yoo Charles! May sasabihin ako sa’yo.” Excited na sambit ko kay Charles pagkauwi ko galing school.
“What is it?” Tanong niya. Tumabi ako sa kanya at inabot yung soda.
“May nagugustuhan ako,” sabi ko habang nakangiti ng abot tenga.
“T-Talaga? Waitt, ano muna katangian niya?” Tanong niya.
“Hmm matangkad, talented, matalino, she loves kids.” Kumunot naman yung noo niya.
“What? She?” Tanong niya kaya agad akong tumango.
“Yeah, si Chelsea, yung isang kapitbahay natin.” Nag-iba naman yung ekspresyon ng mukha niya.
“Ohh I see.. I also like someone.” Na-excite naman ako. “Who is it?” Tanong ko.
“She’s creative, smart, kind, goal oriented and she always makes me smile.” Na-amaze naman ako. “So sino ‘yon?” Tanong ko.
“Secrettt!” Tumawa naman siya ng malakas kaya marahan kong sinuntok yung tiyan niya.
“Unfair hah?” Inirapan ko naman siya.
_
Gabi na at alam kong wala nang gising sa oras na ito. Naglalakad lang ako sa daan at umupo para umiyak. Nag-away kami ng Tita Shella ko at gusto kong mag-layas pero wala na akong mapupuntahan. Agad kong tinawagan si Charles.
“Shit! What’s wrong?” Nilingon ko siya na lumapit sa’kin at sinuot sa’kin yung jacket niya.
“I want to run away,” sagot ko.
Tumabi naman siya sa akin at sinandal niya ako sa dibdib niya. Naiiyak pa din ako, pero ramdam kong safe na ako.
“My parents abandoned me, at si Tita Shella yung nag-ampon sa’kin. But.. May boyfriend na siya and soon makakasama na namin ‘yon. At ayokong mangyari ‘yon.” Humagulgol naman ako.
“Bumaba yung grades ko… I don’t know kung makakapasok pa ako sa university na gusto ko.” Dagdag ko.
Tahimik lang siyang nakikinig sa’kin at hinahagod yung buhok ko.
“Look at me.” Sinunod ko naman yung sinabi niya.
Pinunasan niya yung mga mata ko at hinalikan yung noo ko.
“Everything will be alright, I know you’re strong kaya mo ‘to.” Nakangiting sambit niya kaya napangiti din ako at pinisil yung pisngi niya.
“Thank you, I’m so lucky kasi nakilala kita. Pero medyo mabigat pa din yung pakiramdam ko.” Nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit at halos madinig ko na yung tibok ng puso niya.
“Angela, I like you. No, mahal kita.” Natigilan ako at hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon.
Hindi ako nakasagot kaya niyakap ko na lang din siya ng mahigpit.
__
Matapos ng pangyayaring ‘yon ay hindi ko inaakalang hindi ko na siya makikita pa. Lumipat na sila ng bahay at ni isang salita mula sa kanya o tawag ay wala akong nadinig.
Graduating na ako at isang taon na din ang lumipas ngunit nag-hihintay pa din ako sa kanya. Sa kabila ng pinagsamahan namin ay nakakalungkot na bigla na lang siyang nag-laho.
“Angela, para sa’yo.” May ibinigay sa akin si Tita Shella. Kasama na namin ngayon yung boyfriend niya kaya aalis na din ako dito para mag-aral.
Binasa ko yung sulat na ‘yon. Pero tumulo na agad yung luha ko kasi alam ko na kung kaninong sulat kamay ‘yon.
‘Dear Angela,
I’m so sorry kung hindi man lang ako nag-paalam sa’yo. But, ayoko munang harapin ka hanggat hindi pa ako nagiging successful. Good luck sa journey mo, kahit hindi mo na ako kasama alam kong kakayanin mo kasi malakas ka. Mahal kita, but for now ayoko munang guluhin ka. Unahin mo muna yung goals mo. Hindi ko maipapangakong babalik ako, kaya kalimutan mo na ako.’
END
______________________
Thanks for reading!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top