Fathers and son Part 2


” Hello, Chairman. Pasensya na. Wala po akong nakuhang impormasyon mula kay Lee. ” Pagkatapos masabi ang nais sabihin ni Rodney,inilayo niya ng bahagya sa tenga ang teleponong hawak niya. Alam nya kasing sisigawan siya nito kahit sa kabilang linya ng telepono lang.
Hindi nga siya nagkamali. Naghihimutok ito sa galit. Sino ba naman ang hindi magwawala sa laki ng perang nawala. 5 milyon lang naman ito. Pera na,naging bato pa.
” Tarantado! Kung hindi ba naman kayong tanga! Bakit nyo sinunog ang bahay ni Lee?! Hindi nyo ba naisip na baka nakatago lamang iyon sa loob ng kanyang bahay!”
” Eh,Chairman. Malaking gulo po kung hinayaan at pinabayaan na lamang namin ang mag asawa. Kaya sinadya kong sunugin na lang ang bahay kasama sila para wala nang ibidensya. Wala naring maghahabol tungkol sa nangyari. At saka…chairman. binugbog na namin at lahat ang lalaking iyon,hindi pa rin kumanta.”
” Siguraduhin mong walang maiiwan kahit abo ng mag asawang iyon. Papatayin kita kapag may nakasaksi sa ginawa niyo.”
” Masusunod chairman. ”
” Huwag mo kong tatawagan magmula ngayon. Ako na ang kokontak sayo kapag may kailangan akong malaman tungkol sa pera. Ipagpatuloy mo pa rin ang paghahanap. Napakalaking sayang iyon.”
” Oho.” Talimang sagot ni Rodney. Pagkatapos,naghintay na lamang ang huli na maunang magbaba ng telepono si Chairman.
Si Chairman ay ang utak ng lahat ng kasamaang ginagawa nila. Sangkot din kung minsan si Lee. Kailangan nya ng pera para sa anak niyang si Yong at sa asawa nitong si Estela.
Malaki kung minsan ang nagiging parte ni Lee sa lakad nila. Pero kulang pa rin yon dahil sa wala silang sariling bahay at lupa ng kanyang asawa. Galing sa mahirap na pamilya si Lee. Ganoon din ang kanyang asawa. Kaya kahit anong pagkakakitaan,di nagdadalawang isip na pasukin mabuhay lang ang kanyang mag ina.
Nagkamali lang si Lee nang tanggapin niya ang alok ni Larry sa kanya. Heto nga at nalagay sa init ng apoy ang buhay niya. Pati anak niya na si Yong,nawalan na ng pag asang mabuhay ng tahimik dahil sa trabahong napasukan niya na hindi siya sukat akalain na magiging mitsa ng buhay nilang mag asawa.
” Ahh!!!”
Galit na galit si Rodney. Sinipa niya ang mesang nakaharap sa kanya.
” Putsang Lee iyon! Mabuti na lang at patay na siya. Pinahirapan ako ng husto. Pero hanggat hindi ko naibalik ang perang iyon,hinding hindi ko mahaharap si Chairman. ” Sabi niya sa sarili.
Naputol ang panggagalaiti niya nang marinig nya ang pag iyak ni Yong. Nakatayo ito sa gilid niya.
” Tumigil ka nga sa kakaiyak mo! Letse! Kung bakit dinala pa kita dito. Sana isinama na lang kita sa pagsunog!” Sigaw niya sa batang inosenteng umiiyak na nakatingala sa kanya.
Nairita si Rodney sa iyak ni Yong. Akma niyang hahampasin ang bata nang biglang dumating si Larry at pinigilan siya sa nais niya sanang gawin dito.
” Bata lang iyan. Walang alam. ”
Nilapitan ni Larry si Yong at pinantayan sa pamamagitan ng pag upo niya ng bahagya.
” Tahan na. ” Sinisikap niyang pakatahanin ang bata. ” Tahan na.”
” Tsk! Nakakainis na ang batang iyan. Walang ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.”
” Baka naman gutom na.”
” Ewan ko diyan!”
Tumayo si Larry at hinarap si Rodney.
” Kagabi pa nandito iyan sabi ng kasama nating nakasalubong ko kani kanina lang pagpasok ko. Ni hindi mo man lang pinakain. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng batang iyan?”
” Larry. Anak yan ni Lee. Yong taong ipinasok mo sa grupo na siyang trumaydor sa atin!” Diin niya.
Natahimik si Larry. Kaibigan niya si Lee pero wala siyang alam na may anak pala ito. Hindi rin lingid sa kaalaman niya ang nangyari dito at sa asawa nitong si Estela.
” Hindi mo naman kailangan patayin ang mga magulang niya,Rodney.”
” Huh! At hinding hindi ko pagsisihan ang ginawa ko. Alam mo bang dahil sa Lee na iyon,hirap akong harapin si Chairman. Pati na parte ko sa mga raket natin ay nanganganib na baka hindi ko matanggap. ”
Muli namang natahimik si Larry. Si Yong ay patuloy pa rin sa pag iyak. Kumakalam na ang tiyan ng bata.
” Sinabing tumigil ka!” Itinulak ni Rodney ang bata at natumba. Na siyang lalong nagpalakas ng iyak nito.
” Aaaaaa!!!!” Sambit ng bata.
” Rodney!” Tila hindi na nakatiis si Larry. Sinuntok niya si Rodney at nasapol ang kaliwang panga nito. Kamuntikan...


pang mahilo. ” Isang pananakit pa sa bata, ako na ang makakalaban mo!” Hayag ni Larry.
” Anong karapatan mong harangin ako?! Ako ang kumuha ng batang iyan at ako rin ang nagpasyang buhayin iyan!kaya ako lang ang may karapatang manakit sa kanya!”
” Kung ganoon lang din naman ang gusto mo,sana….sana pati siya,pinatay mo na.” Mariing saad naman ni Larry sa kanya.
Hindi nagdalawang isip si Larry na kinuha ang bata at kinarga papalayo kay Rodney.
” Hoy! Saan mo dadalhin ang batang iyan?! Larry!” Habol niyang sigaw sa huli pero hindi siya nito pinansin. ” Larry!”
Pagkalabas ng lugar na iyon ay sumakay si Larry ng taxi. Ipinasyang iuwi si Yong sa kanila.
” Larry? Sino ang batang iyan?!”
” Anak ko.”
” Ano?! Paano?! Kanino?!”
” Ako nga rin nagulat tiyang. May anak na pala ako. Anak siya ng babaeng nagtatrabaho sa club na minsan kong nakaniig.” Pagsisinungaling niya.” Kinuha ko ho sa kanya. Hindi ho magiging maganda ng kinabukasan niya sa kanyang ina.”
” Ganoon ba?”
” Oho tyang. Diba ang pogi niya. Mana sakin.”
” Ang pogi nga…” Natutuwang pagsang ayon naman ng tiya niyang nag iisa na lamang niyang kasama sa buhay. ” Akin na muna iyan. Kumain ka na at ako na muna ang bahala sa bata.”
” Salamat ,ho.”
Nagtungo si Larry sa kusina at nagsimulang buksan ang mga pinggang may takip na naglalaman ng pagkaing inihanda ng tiya niya sa kanya.
Mula noon ay ipinasya nang alagaan ni Larry ang batang si Yong. Hindi niya alam kung ano ang pangalan nito kaya bininyagan niya ng ibang pangalan. VIEL.
Nang humantong sa panahon na nakakapagsalita na si Yong,papa na ang tawag niya kay Larry. Walang muwang ang bata na ang taong tinatawag niyang papa ay ang siyang naglagay sa panganib ang buhay ng kanyang tunay na ama. Isang bangungot na tila kahit kailan ay hindi niya yata malalaman.
” Papa…”
” O…bakit?”
Nakaupo noon si Larry at may ginagawa nang lapitan siya ni Yong na Viel na ang pangalan.
” Papa..ang init ng pakiramdam ko.”
” Ganoon ba? Halika nga.” Lumapit si Viel sa kanya.” Ang init mo,ah!” Gulat na sambit ni Larry.
Kinarga niya si Yong na nooy nasa limang taong gulang na. Pinahiga sa kama nilang mag ama. Iniwan saglit at saka kumuha ng basang tuwalyita.
” Huwag mo itong tanggalin sa noo. Mananatili yan hanggat matuyo pagkatapos babasahin ko ulit para maibsan ang init na nararamdaman mo.” Sabi ni Larry.
Pero biglang napangiwi si Yong sa amoy ng tuwalyitang inilagay sa noon niya.
” Papa…amoy suka! Ang lakas talaga!”
” Mainan yan Viel, para bumaba agad ang lagnat mo. Kinalakihan ko na kasi ito. Ganoon din ang ginagawa ni tiyang kapag nagkakalagnat ako. Suka ang inilalagay.”
“Ganoon po ba?”
” Oo. Kaya tiisin mo na lang muna hanggat wala pang gamot. Tatawagan ko si tiyang para dumaan sa botika.”
” Sige po,papa.”
Nakabili nga ang tiya ni Larry ng gamot para sa bata. Pinakain na muna saka pinaimon agad para hindi na lumala pa ang lagnat. Mabuti at hiyang naman si Viel sa gamot. Tumalab ito at tuloy nakatulog.
” Larry. Ipasok mo na sa eskwelahan ang anak mo. Pwede nang mag aral yan sa edad niya. ” Suhestyon ng tiya ni Larry.
” Sige po ,tiyang. Paki enrol nyo na po siya. ”
” Oo. Ako na ang bahala. May kakilala akong titser na mabait. Madali kong makausap tungkol sa estado ng anak mo sa school kung saka sakali. Yong iba kasi,ang hirap lapitan.”
” Sige po. ” Saka niya inilabas ang kanyang walet. ” Heto ho…sabihan nyo lang po ako kung kulang pa ang perang iyan para kay Viel. Papasok lang po ako sa kwarto. Titignan kung ok na si Viel. “Tinanguan lamang siya ng kanyang tiya.
Tulog pa rin si Viel mula pa kanina. Dahan dahan niyang nilapitan ang anak. Tinitigan at pinagmasdan.
” Anak…pagaling ka. Mag aaral ka na.” Mahina niyang sambit sabay na hinahaplos haplos ang buhok nito. ” Parang kelan lang. Parang kelan lang nang inilagay ko sa panganib ang iyong tunay na ama. Namatay sila nang dahil sa kin. Sana….sana pagdating ng panahon..kung sakaling malaman mo ang totoo, sana…sana..mapatawad mo ko.” Malungkot na sabi ni Larry.
Gustuhin man niyang sabihin at ipagtapat ang lahat pero parang hindi niya kaya. Napamahal na kasi si Viel sa kanya. At kahit hindi man niya ito kadugo,tunay na anak na ang turing niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top