David’s POV:
It’s another day.
Gaya ng pinangako ko kay Michael, maliligo kami sa pool.
Yung mga meeting schedule ko, pina-cancel ko muna ngayon. At siguro, bukas na lang ako papasok kasama ang panibago kong secretary na si Kate.
Yeah, I choose Kate, because I know she can do it.
Basta malaki ang tiwala ko sa kanya.
Halos lahat kasi kaya n’yang pasukan at gawin para lang sa bata.
And I love it. I love the way she care to her son.
Gumagaan tuloy ang loob ko sa babae.
___
Napatingin ako ngayon sa wall ng aking kwarto, kung saan nakasabit dito ang malaking picture ng dalagang minahal ko.
My ex-girlfriend, Katrina.
Kamukhang-kamukha ni Kate ang ex ko, sa tuwing nag-aayos at nagpapaganda siya.
Kaya nga, nung naka-table ko siya sa club, hindi ko na siya pinakawalan pa.
Naakit niya ang mata ko, at kapag nakikita ko siya, ang tibok ng puso ko, bumibilis.
Siguro dahil hindi pa rin ako makamove-on kay Katrina.
My woman left me because of her career.
She’s in California right now, at isa s’yang model do’n.
Kung pag-uusapan ang ugali, sobrang bait niya. To the point na, lahat ng sweldo nito, binibigay niya sa charity dito sa Pilipinas.
Mahilig siya sa mga bata at pareho sila ni Kate.
Kaya hindi ko maiwasan na ikumpara silang dalawa.
“Papa! Bakit ang tagal mo sa loob? Kanina pa po kami naghihintay ni mama.”, sigaw ni Michael habang kumakatok.
Kinuha ko agad ang tuwalya at pinalibot ito sa aking bewang para takpan ang hinaharap ko.
“Oo na, palabas na ako.”, tanging turan ko at tinapunan ko muli ng tingin ang larawan ni Katrina.
I’m still waiting and hoping for her to comeback.
Alam ko kasi na mahal niya pa rin ako.
Kaya kahit umabot ng ilang taon, handa akong hintayin siya.
“Hay, salamat!”, bigkas ng bata nang lumabas na ako.
“Tuwalya lang pala ang kukunin mo, naabutan ka ng isang oras sa loob.”, muli n’yang patuloy.
Kung magsalita talaga ito, akala mo, nasa 20+ na ang edad.
“Nasa’n ang mama mo?”, tanong ko na lamang at minabuting ‘wag na magpaliwanag.
“Nando’n na po siya sa pool.”,...