” Leslie!”
Tinangka ni Larry na pigilan si Leslie sa pagsunod nito sa presinto pero pinigilan naman siya ni Lee.
” Larry.”
Tiningnan ni Lee si Larry. Ganoon din ang huli kay Lee. Saka nagbaba ng tingin. Alam niyang itatanong ni Lee kung ano ang tunay na nangyari. At hindk nga siya nagkamali.
” May nangyari ba kanina habang wala kami?”
” Oo.” Tango ni Larry bilang pagsang ayon.” Narinig niya ang pag uusap namin ni Yssa. Hindi ko alam na nasa pintuan lang pala siya.”
” Larry ..ano ba talaga ang estado nyo ni Yssa?”
Umupo si Larry saka tumahik saglit.
” Larry….”
” Hindi ko alam,Lee. Ang alam ko lang gusto ko si Yssa. Pero paano ako sasaya kung may masasaktang iba?” Nababakas sa mukha ni Larry ang pagkalito ng kanyang isipan sa hinaharap niyang estado ng pag ibig niya ngayon.
” Eh,si Yssa? Mahal ka ba niya?”
Tumingala si Larry sa nakatayong si Lee.
” Ayoko nang malaman kung ano man ang nararamdaman niya para sakin. Kahit naman mahal niya rin ako,hindi ko rin naman kayang hindi isa alang alang ang pagkakaroon ng kumpletong pamilya ng anak nila. Ayokong malungkot ang anak nila. Para lang siyang si Viel. Hindi nakita ng matagal ang totoong ama niya.”
” Iba naman ang sitwasyon ng anak ko,Larry. Nandyan ka naman noong panahong wala ako.”
” Iba pa rin ang pakiramdam,Lee. Araw araw kong naiisip na baka isang araw ay lumitaw ka na buhay at kukunin mo siya kung kelan napamahal na siya sakin. At heto nga..dumating na ang araw na iyon. Ganoon din ang gagawin ni Rodney sa anak niya kapag nakasama na niya ito. At ayokong mawalay si Yssa sa anak niya.”
” Kaya ngayon..handa kang magparaya? Paano ka? Paano yang nararamdaman mo?”
” Mawawala rin ito,Lee. ”
Lumapit si Lee kay Larry at tinapik ang balikat. Alam niyang pakiramdam ng mawalan.Hindi nga lang magkapareho ang sitwasyon nila.
Samantala…hindi pa man nakakapasok si Rodney sa presinto,naabutan na siya ni Yssa. Tinawag niya ito at kinausap . Pilit na binabago ang pasya nito.
” Jr(Rodney)…sigurado ka ba sa gagawin mo?”
” Oo. ”
” Pero paano ang anak natin? Di ba… gusto mo siyang makita?”
” Saka na kapag nabayaran ko na ang mga kasalanan ko.”
” Paano si Viel? Hindi mo man lang ba siya hintaying magising?”
” Maiintindihan rin ako ni Viel. Saka,kamumuhian niya ko kapag nalaman niyang ako ang pumatay sa mama niya. ” Saad ni Rodney.
” Jr….” sambit ni Yssa na nagsusumamo sa kanya.
” Tama ka naman ,Yssabel. Kriminal ako kaya nahihiya rin akong humarap sa anak natin. At ang isang kriminal na katulad ko,dapat lang na makulong.” Malungkot na hayag ni Rodney. ” Sana lang sa gagawin kong ito,mapapatawad mo ko. Lalong lalo na ni Lee.”
Hinawakan ni Rodney ang magkabilang kamay ni Yssa.
” Ingatan mo ang anak natin. Pati na sarili mo. Babalik ako kapag maayos na ang lahat. Babalik ako sa inyo ng anak ko. Yun ay kung hahayaan mo pa akong bumalik sa inyo. Alam kong hindi mo na ako mahal. Pero sana naman sa pagbalik ko,bibigyan mo pa ako ng pagkakataong alagaan ka pati na ang anak natin.”
Sa mga sandaling iyon at sa mga pakiusap ni Rodney,tahimik lang ang naging sagot ni Yssa. Hindi pa kasi niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman sa ngayon. Nalilito puso niya. Naguguluhan kung alin ang dapat niyang piliin. Ang kaligayahan ba ng kanyang anak o ang kaligayahan niya.
” Bumalik ka na sa hospital. Ayokong makikita mo kong pumapasok sa rehas na bakal.” Mahina niyang utos kay Yssa na tanging titig lang ang ginagawa sa kanya. Binitawan nya na rin ang kamay nito.
Si Rodney na ang tumalikod at papasok na sa presinto. Saka naman dumating si Leslie.
” Kuya…..” Tawag nito. Tumakbong palapit sa kapatid at niyakap. ” Ano ka ba? Paano nako kung makukulong ka? Hindi mo ba naisip iyon?” Maluha luhang wika ni Leslie sa kanya.
” Malaki ka na. Nagawa mo ngang ilihim sakin na nakakalakad ka na pala.”
” Kuya ….kahit isipin mo na lang yung anak nyo ni Yssabel. O kaya si Viel. Kuya….isipin mo naman kung ano ang mararamdaman ng mga bata.”
” Leslie …ito ang mas nakakabuti . Umalis ka na. Umalis na kayo ni Yssabel. Kaya ko na ito. Ilang taon lang naman ang gugugulin ko sa kulungan.” Pilit pang ngumiti si Rodney upang maibsan ang lungkot ni Leslie.
” Kuya…..”
” Sige na. ”
” Kuya….” Ayaw pa ring bitiwan ni Leslie si Rodney.
” Yssabel…pwede bang sayo na muna makikituloy itong si Leslie..matalik naman kayong magkaibigan.” Baling niya kay Yssa.
” Oo naman. ”
” Salamat. ” Tiningnan niya ang umiiyak na si Leslie. ” Makinig ka. Huwag kang mag alala. Susulpot ako sa harapan mo balang araw. Mag iingat ka. At saka,alam ko naman na may mag aalaga sayo habang wala ako maliban kay Yssabel.”
Nagtaka si Leslie kung sino ang tinutukoy ni Rodney.
” Sino? ”
“Basta….kaya sige na. Alis na. Dali!” At pinagtabuyan pa niya ang kapatid. ” Yssabel,bumalik na kayo sa hospital. Isipin nyo na lang na nasa bakasyon ako.”
Sumunod na lamang sina Yssa at Leslie. Sinasaksihan na lang ang pagpasok ni Rodney sa loob ng presinto. Matagal nila itong hindi makakasama. Malungkot man pero wala na silang magagawa.
Sa mga oras ding iyon...