Kate’s POV:
“KATE, MAY PROBLEMA KA BA SA AKIN?”, tanong nito nang makarating kami sa mancion niya.
Nagawa nitong hawakan ang braso ko, habang bitbit niya si Michael gamit ang kanang kamay.
Nilingon ko naman siya na may malamig na tingin at inalis ang pagkakahawak nito.
“Pagod na ako, David. I need to rest.”, matamlay na turan ko sa binata.
Talagang pinaparamdam ko sa kanya na wala na akong ganang kausapin siya.
Para sa gano’n, maging malungkot ang lalaki.
Kaso nga lang, kunot-noo itong napatitig sa mata ko na tila hindi makapaniwala.
Kung sabagay, bukod sa yakap-yakapin ko siya sa office, wala na akong ibang giawa. Kaya imposible na mapagod ako ng ganito.
“I know there something wrong that bothering on your mind, Kate. So please, tell it to me.”, pakiusap nitong sabi na talagang nagsusumamo sa akin.
“Wala nga.”, tugon ko kay David at muling tumalikod.
“Kung wala, bakit ka ganyan? Kanina ka pa walng imik, simula nung nasa kotse tayo. At hindi ako sanay na tahimik ka lagi.”, inis na wika nito.
Hindi ko siya pinansin, at patuloy ako sa paglakad patungong itaas.
Narinig ko pa na inutusan niya ang isang yaya na kargahin si Michael, dahilan para masundan niya ako.
“Kate, nababaliw na ako sa kakaisip kung may nasabi ba akong mali? Kasi kung oo, sabihin mo naman. Hindi yung huhulaan ko, kung ano ang nangyayari sayo.”, he said again.
So this time, I looked at him directly on his eyes. Tingin na walang emosyon.
“Bakit ba ang kulit mo? Wala nga akong problema, diba? Kailangan pa talagang ulit-ulitin ko ha?”, usal ko sa binata.
Laking gulat ko naman nang suntukin niya ang pader sa gilid,...