TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 29


“Ano ‘to?!” magkadikit ang kilay at matalim ko siyang tinignan. Inangat ko ang damit na pinakuha ko kay Kuya Dartian.
Nakadekwatro siyang nakaupo, at nakahilig ang ulo sa sandalan ng sofa. Gusto kong lamukusin ang nakangisi niyang mukha.
“Don’t look at me like that. Kinuha ko lang ang pinautos mo. You should be thankful right now to your goody brother.”
Nilapitan ko siya at nameywang sa harapan niya. “Aware ka naman siguro kung anong oras pa lang, Kuya. Tirik na tirik pa ang araw! Tapos ikukuha mo ako ng jacket!”
Mas lalong sumiklab ang galit na nararamdaman ko. Parang nawala bigla ang lamig na nanuot sa aking balat at dahil lang ‘yon sa katangahan ng Kuya ko.
I don’t have an extra shirt here. Kaya tinawagan ko si Kuya para kumuha ng damit ko. At himalang nagpatangay siya sa utos ko, na sana hindi ko na lang din ginawa!
“Malay ko bang sleeveless shirt pala ang gusto mo. You should atleast said the specific words, Candace.” sarcastic pa niyang sabi.
“Ang sabihin mo inaasar mo na naman ako kaya ito ang pinili mong kunin. Sobrang kapal nito,” sabay pakita sa hawak kong jacket.
“Nasa tamang pag-iisip ka pa ba?” angil ko.
Naiiyak na ako dito habang nasisiyahan siya sa naging resulta ng ginawa. Napahawak pa siya sa tiyan niya dahil sa pagtawa niya.
Sinadya niya ‘to!
Sa inis ko, binato ko ang jacket sa kanya pero nasalo niya ‘yon.
“Bwisit ka!” saka ko siya sinakal. Tumatawa pa rin siya habang pinipilit ilayo ang kamay ko.
Siguro dahil sa inis ko sa kanya at gusto siyang saktan, hindi ako nagpatalo. Ngunit sadyang mas malakas siya kaysa sa akin. Tagumpay niyang inalis ang kamay ko sa leeg niya, pero ‘yong buhok niya naman ang pinagdiskitahan ko.
“Shit! Not my hair, sweety!” he firmly locked my hands with his both hands.
“Easy, wild cat.” ngisi niya pa rin.
Pinandilatan ko siya.
“Nasa paper bag lahat.” kapagkuwan ay sabi niya.
“Anong lahat?”
“Ang sabi mo basta damit kaya kinuhanan kita ng t-shirt, sando, bestida at iba pang klase ng damit mo sa closet. Pili ka na lang doon. I just wanted to annoy you first.”
Doon talaga siya magaling… ang asarin ako ngunit hindi mapagkailang sa lahat ng utos ko o lahat ng gusto ko ay binibigay niya.
Kahit papaano naglie low ang pag-iinit ng ulo ko.
“Then, why are you still sitting there?”
Tamad niyang inangat ang sarili. Sumimangot siya, at tinungo ang pintuan.
Pero may sinabi pa siya. “Ang sarap mong ihagis sa labas.”
Mabilis kong kinuha ang throw pillow sa sofa, at inihagis sa kanya pero gano’n din niya kay bilis isinarado ang pinto kaya doon tumama.
Malaya kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa. Habang hinihintay si Kuya Dartian ay pumikit muna ako.
Hindi ko namalayan na sa pagpikit kong ‘yon ay napunta sa malalim na pagidlip.
“Candace,”
“Candace.”
May marahang yumugyog sa akin sa balikat, sinusubukan akong gisingin.
“Hmmm.” Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
Muntik na akong mawalan ng hininga nang halos ilang dangkal na lang ang layo ng mukha ni Travis sa akin.
Dahil na rin sa gulat ay itinulak ko siya ngunit hindi ako nagtagumpay na ilayo siya mula sa’kin.
“Ano ba?! Lumayo ka nga sa’kin!” I tried to push him again.
“Iniiwasan mo ba ako?” he whispered.
Umiwas ako ng tingin. “Hindi. Why would I?” I lied.
“You little liar,” humaplos ang hininga niya sa pisngi ko.
“Sa tuwing nilalapitan kita, bakit lumalayo ka?”
“Na-nagkataon sigurong may g-ginagawa ako no’n.” nauutal kong sabi.
Nasa dibdib niya ang dalawa kong kamay, at buong lakas siyang itinulak muli ngunit bigo na naman ako. Kaya sa huli, nanatili na lang sa dibdib niya ang kamay ko para kahit pa-paano may harang sa gitna namin.
“Nagkataon din bang ako lang ‘yong hindi mo kinakausap dito?” tanong niya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. May interaction naman kami pero hindi sa puntong ako ang lumalapit para kumausap sa kanya. Mga interaction na hindi nagtatagal ng ilang segundo, ‘di gaya ng iba na nakikipagtawanan pa ako sa kanila.
“Wala naman akong sasabihin kung sakali,” humina ang boses ko.
“Ako meron… maraming-marami, Candace.” bulalas niya.
Matalim ko siyang tinignan. “Keep it, Travis. Huwag mong aksayahin ang oras ko.”
Babalik na naman kami sa nakaraan? Nakakasawa na, naghintay din ako noon sa kanya. May rason ako kung bakit ko siya iniwan bigla…. pero siya?
I wonder if he truly love me that time. Walang siyang rason para bitiwan ako agad no’n, maliban kung hindi niya talaga ako mahal.
Gusto kong isumbat ‘yon sa kanya… gustong-gusto. Pero may magbabago ba? Wala! Wala! Wala! dahil sila pa rin ni Keith.
Makalipas lang ng ilang linggo no’n bago ko siya iniwan, nalaman kong sila na kasi palagi silang magkasama. Hindi ‘yon nakatakas sa paningin ng iba at may haka-haka silang pinaglaruan ako ni Travis dahil sa bilis ng naging relasyon namin…. they didn’t know the truth behind it.
Binigyan ko siya ng isang linggo noon…. na siya na ang piliin ko kung sakaling sabihin niyang balikan ko siya, handa kong talikuran ang naging pasya ko noon.
Sinalubong ko ang titig niya. Parang hinahalukay niya ako sa paraan ng titig niya… kung ano man ang mababasa niya sa mga mata ko ay walang iba kundi puro galit.
Naghalo ang nararamdaman kong galit ngayong araw… sa kanya kanina, kay kuya, at sa kanya ulit.
Malalim siyang huminga at siya na din ang nagtulak sa sariling lumayo sa akin.
“Bakit ka nandito?!...


Si Kuya?!” I spat.
Tumayo ako’t kinapa ang dibdib. Base sa basang damit, tiyak kong hindi ako naabutan ng isang oras sa pag-idlip. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang nakatitig sa’kin.
“He’s with Ma’am Fiya.”
Hindi ko na inabala pang takpan ang dibdib ko dahil kulay lang ng bra ko ‘yong makikita niya.
Hindi kaakit-akit tignan. Alam ko!
“Ako na ang nagdala rito ng pamalit mo. You should change now,”
Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kung saan basa. Dahil nadepina ang adams apple niya, nakita ko ang pagbaba no’n at pagtaas.
Tumaas ang kilay ko. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong pagkailang, dahil mas nangibabaw ang galit ko sa kanya.
“You can excuse yourself now.” Tinalikuran ko siya para lapitan ang mga paper bag sa mesa.
Narinig ko ang yabag niya, at pagbukas ng pintuan at pagsara nito. Hudyat na lumabas siya ng tuluyan.
Asshole!
Bakit gano’n siya kalapit kung ‘yon lang naman ang sasabihin niya? Was he trying to hit on me? Ano’ng akala niya madali pa rin akong mahulog sa bitag niya? Porket mahal ko pa rin siya, pwede ko ng sabayan ang mga kinikilos niya.
Gago talaga!
Mali ngayon. Maling-mali.
May relasyon sila ni Keith. Hindi ko hahayaan ang sarili kong magkamali sa isang desisyon na may inaapakan akong damdamin ng tao. Kahit mahirap rin para sa akin ang iwasan siya.
I want a love story like my grandparents. Tahimik at maayos ang daloy ng kanilang pagmamahalan.
Kinabukasan mas lalo kong iniwasan si Travis tuwing lumalapit na naman siya sa akin. Wala akong pakialam kung ano ang iisipin niya.
Ganoon din sa sumunod na araw hanggang sa hindi ko namalayang ngayon pala ang huling araw ni Ate Fiya dito sa Cariรฑo’s. Dahil ililipat siya ni Mama sa Maricela.
“Pa-farewell party ka naman diyan, Ma’am Fiya!” hirit ni Kevin.
Kahapon pa ako pinakiusapan nila Beth, na kung pwede sana ay gagamitin nilang venue ang restaurant para i-surprise si Ate Fiya pagkatapos ng oras ng trabaho.
I immediately nodded at their request. Kahit naman papaano ay may namumuong pagka-kaibigan sa pagitan namin lahat.
Ako ang nagpiring sa mata ni Ate Fiya gamit ang panyo ko noong nasa loob kami ng opisina. Beth and the others were already waiting for us to come out.
“What is this, Candace? It’s not my birthday if you asked me.”
“I know, Ate.” tumawa ako. Dahan-dahan ko siyang inalalayan palabas.
Pinaupo ko siya sa nilagay nilang upuan sa gitna kung saan nakapalibot sila doon. Dahan-dahan kong tinanggal ang piring sa kanyang mata.
“Oh!” nagulat siya. Natuptop ng kanyang palad ang bibig niya.
Travis’ holding a guitar. And out of nowhere, lumabas si Kuya Dartian sa gitna ng ginawa nilang bilog, at sinabayan ang tunog ng gitara sa pamamagitan ng pagkanta.
Hindi ko alam ang title no’ng kanta. Pero sa binibitiwan niyang mga lyrics. It’s about love… pinapahiwatig doon sa kanta kung gaano niya kamahal ang babaeng inaalayan niya ng pagmamahal.
Akala ko ba surprise nila Beth, bakit nagmukhang nangha-harana si Kuya Dartian?
Napangiti ako sa nasaksihan.
Ngunit parang may humila sa mga mata ko para tignan ang taong nakatitig sa akin habang mahusay nag-s-strum ng gitara.
Nakita kong kilig na kilig sina Diane at Carla sa gilid niya habang pinapanuod siya. Pero nasa akin ang buong atensyon niya.
Umirap ako. At hindi na siya tinignan muli.
Itinaguyod naman ni Kuya Dartian ang kanta kahit sintunado. Tawang-tawa si Ate Fiya sa gitna nang matapos. Nilapitan ni Kuya Dartian si Ate Fiya, at hinalikan sa labi.
Naghiyawan sila sa ginawa na ‘yon ni Kuya. Namula ang magkabilang pisngi ni Ate Fiya, at tinakpan niya iyon gamit ang mga palad. She didn’t expect that would happened. Well, what can I say? That’s my brother.
Some of them gave a little sweet message for Ate Fiya. They will surely miss her here. Napaluha pa si Ate sa message nila Beth.
“Masyadong bongga naman ‘yon, Kevin. Inuman nalang.” Natatawang sabi ni Ate Fiya.
Naghiwayan ang mga lalaki sa sinabi ni Ate Fiya.
“My treat.” epal na sabi ni Kuya Dartian.
Mahinang tinampal siya ni Ate Fiya sa bibig. “Ako na.” pilit ng isa.
“Sabihin niyo na lang sa gc ang gusto niyong mga pulutan, ako na ang bahala.” si Ate Fiya.
” ‘Yon oh!” aktibong hiyaw nila Kevin.
“Join ka bukas, Ma’am Candace? First time mo kaming makakainoman nito!” nakangiting sabi ni Kevin.
“Siyempre, Kevin. Sasama si Ma’am. Ikaw talaga!”
Umiling ako. “Kayo na lang.”
“Bakit naman, Ma’am? Masaya ‘yon.”
“Oo nga, Ma’am. Minsan lang naman ‘to.”
Hindi ko alam kung sino ang pagtuunan ko ng pansin nang sabay-sabay silang magsalita.
Nagkibit balikat na lang ako sa huli. “Titignan ko.” sabi ko.
“Don’t see, Ma’am! You go, Ma’am!” bumaibabaw ang boses ni Kevin. Na siyang ikinatawa ng kanyang kaibigan.
“Ikaw din, Travis.” wika ni Diane sa gilid.
“Titignan ko din.” rinig kong sagot niya.
“Aba! Parehas din kayo ni Ma’am Candace. Ano’ng titignan niyo?” sabi ni Kevin ulit.
“Naku, Ma’am! Sama na lang kayong dalawa para matigil na ‘tong si Kevin sa katatanong.”
“Bakit, Hans? May nabasa ka bang nakasaad sa libro na may limitasyon sa pagtatanong?” ibinatong mga salita niya kay Hans.
“Please, Candace.” pakiusap ni Ate Fiya.
Sa huli, pumayag na lang ako. Ayoko naman na masabihan ng kill joy.
Mananatili lang ako ng isang oras doon, o ‘di kaya’y minuto lang ngayo’y walang kahirap-hirap din nilang napapayag si Travis.
That fast! Noong una, marami siyang alibi na huwag pumunta pero no’ng pupunta ako. Gusto niya bigla.
Masyado kang halata, Gellego!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top