FELT LOVE IN HE’S ARMS Chapter 1


Tinignan ko ang litratong binigay sa akin ni Manang, Lukot na ito at luma na.
Isang baby ang naruon, Hindi ko Alam kung lalaki ba iyon o babae.
“Ilang taon na po ang nakalipas mula ng kinuha n’yo po ang litratong Ito?” Tanong ko kay Manang.
“Tatlong t-taon na ang lumipas Hija” tumango ako.
“Lalaki po ba s’ya o babae?” Ako muli.
“L-Lalake Hija” Tumango ako, marami pa Sana akong gustong itanong sa kan’ya tulad ng ‘Paano sila nagkahiwalay?’ ‘Matagal na ba n’yang hinahanap ito?’ ‘Saang lugar n’ya ito iniwan?’ ngunit napansin kong hirap pa s’ya magsalita, Tumawag ako ng Police para ipakita ang litrato sa kanila.
Ang Sabi nila ay kaylangan pa daw makausap ang Ina bago simulan ang paghahanap, tumango ako ruon bilang pag sang-ayon, pero sa susunod na araw pa ito maaring kausapin.
Lumabas muna ako, mag gagabi na pala, kaylangan ko ng Humanap ng matutuluyan.
Umalis ako ruon para mag check in sa isang malapit na hotel rito sa Hospital.
Kumain na rin muna ako ng dinner bago magtungo ulit sa Hospital.
“Hello?” Sagot ko ng may tumawag sa aking telepono.
“Anak, Sabi mo pupunta ka rito?” Narinig ko ang bahid ng pagtatampo sa aking Ina, mas gusto n’ya Kasi sa Probinsya kaysa rito, masyado daw magulo rito.
“Yes mom, may aasikasuhin lng po muna ako” Aniya ko.
“What is it ba, Hija?”
“I almost bumped an old woman earlier, I’m at the Hospital” Saad Kong muli.
“O my gosh, is she okay?!” Pinakalma ko si mama bago sabihing maayos na ang lagay ng babae.
“But she’s seeking for my help, She wants to find her child” pagkukuwento ko sa aking ina.
Inipit ko ang aking Cellphone sa pagitan ng ulo at balikat bago tumayo para bayaran ang bill ko.
“Yes mom, I’ll help her” usal ko, nagpaalam na s’ya dahil kaylangan pa daw n’ya ng beauty rest, ngumiti ako bago ibinaba ang telepono. S’ya na raw ang magsasabi kay papa kung bakit hindi ako nakarating duon.
Kinuha ko ang sling bag ko bago pumanhik muli patungo sa Hospital, bahagya pa akong nagulat ng madatnan si Rasmuz ruon, nakaupo sa waiting area.
Hindi ko ito nilapitan at tinuloy na lang ang paglalakad patungo sa Kuwarto ni Manang.
“Where are you going?” Narinig ko na naman ang mga baritong boses n’ya sa likod ko.
“Kay Manang” sagot ko ng ‘di s’ya nililingon.
Narinig ko ang bahagya n’yang pagtawa.
“You’re taking the wrong way” salaysay n’ya, tinignan ko ang dinadaanan ko at napansing Tama nga s’ya, sa kabilang daan ang patungo sa kuwarto ni Manang.
“I’m going to the bathroom” hinarap ko na s’ya, napansin ko ang mga ngisi n’ya.
“Hindi rin jan ang daan” natutuwa n’yang saad samantalang ako rito ay iritang irita na sa pagmumukha n’ya!
Bakit ba kasi s’ya narito?!
“Why are you here?” Iniiba ko ang usapan, sinimulan ko na ring maglakad sa daang dapat ay tinahak ko kanina.
“Bawal ba ako rito?” Tanong ang isinagot n’ya sa tanong ko. Nagkibit balikat ako at Hindi na kumibo pa.
Sumunod s’ya sa akin, tumigil lang ng kinausap s’ya ng isang babaeng maputi, mahaba ang buhok at maganda ang pangangatawan, napairap ako pero nagpasalamat rin dahil naagaw ng babae ang atensyon n’ya kundi ay mahihirapan na talaga akong huminga, gayong sinusundan n’ya ako kanina.
Inilapag ko...


ang sling bag ko sa sofang narito sa private room.
Pinagmamasdan ko si Manang, naawa ako sa kan’ya bakit kaylangang magkahiwalay sila ng kan’yang anak?
Tumunog ang bell hudyat na may pumasok sa kuwarto, binalingan ko si Rasmuz at nakitang s’ya ang pumasok!
Bakit ba nandito ‘yan?!
Sinusundan n’ya ba ako? Pero bakit ngayon n’ya lng ako susundan after 3 years?
Andaming tanong na ang pumasok sa aking isip.
“Is she fine?” Panimula n’ya, umirap ako at sinubukan pang itimpi ang sarili. Tumango ako.
Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at kinausap ang matalik kong pinsan.
Samantha McKenzie, my cousin in father side. Her father and my father are siblings.
“Hey, I miss you na. Kaylan ka ba uuwi rito sa U.S?” Basa ko sa kan’yang text, napangiti ako.
“Miss me much, huh?” Napangisi ako sa aking reply rito.
“More than much coz” Napahalakhak na ako sa sagot n’ya.
“Next year?” Lokohin ko muna ang pinsan ko.
“Ang tagal naman!” Basa ko sa text n’ya, She’s also a fil-am kaya marunong din mag Tagalog at fluent din sa English.
“Kidding coz, Soon. I’ll just fix my sched” chat ko Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa aking labi.
Tumikhim si Riguel kaya naputol ang aking mga ngiti, that’s it, I’m done!
“Ano ba?! Bakit ka ba kasi nandito?!” Hindi ko napigilan ang pag sabog ko.
“Is it prohibited to visit my Hospital?” Malamig na Ani nito, lumaki ang aking mga mata sa gulat, he owns this Hospital! Oh gosh! Kung gano’n pala ay lagi ko s’yang makikita!
Hindi ako nakasagot sa kan’ya, umalis naman s’ya sa aking ng hindi nagpapaalam. Tch! Nag walk out pa, hambog, kaylangan bang icheck ang bawat pasyente? Tanong ko sa aking sarili.
Tumawag na lang ako ng nurse upang matanong kung kumain na ba si Manang.
“Opo ma’am” sagot nito sa akin, tumango na ako at nagpakuha ng prutas.
Dito muna ako hanggang alas diez, Wala naman Kasi akong gagawin sa Hotel.
Naalala kong p’wede kong gamitin ang social media para mahanap ang anak ni manang! Mas mapapadali iyon.
Nanlumo ako ng maalala na ipinagbawal muna sa akin ni Mark ang gumamit ng soc med dahil maraming galit sa akin ngayon. Vanessa is a local artist here in Philippines kaya marami na ang nagkakagusto sa kan’ya samantalang ako ay baguhan pa lang.
Nasa U.S ako two months ago, duon ko sinimulan ang Career ko bilang model.
Lumabas na ako sa kwarto ni Manang ng masiguradong magiging maayos s’ya rito kapag iniwan ko.
Laking gulat ko pa ng mapansin si Rasmuz nakatayo sa exit at nakapamulsa ang mga kamay.
Nakatayo na rin ako ruon at napansing umuulan pala, Sht Wala akong payong! Ang layo pa naman ng sasakyan ko.
Bumaling ako kay Rasmuz at napansing nakataas na ito ng kilay sa akin.
“You don’t have an umbrella?” Tanong n’ya na tinanguan ko lang.
“Wait for the rain to stop” Aniya, Hindi n’ya ba nakikitang ‘yon nga ang giangawa ko? Ang hintaying tumila ang ulan?
Tinignan ko s’ya Mula ulo hanggang paa. Sayang kung hindi ka lang Sana ipinagkasundo ng mama mo sa iba, maaring tayo pa rin ngayon at maaring masaya na tayong dalawa.
Bumuntong hininga ako at hindi na s’ya tinignan pa.
To be continued…
__________________
Maraming salamat po sa pagbabasa 💚






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top