FORBIDDEN LOVE Kabanata 1


‘Casydee Kryn Monteavo, adopted grandaughter of the great President Lucas Monteavo.’
Adopted. Buntot na iyon ng pangalan ko. It’s always there. Ngunit nakasanayan ko na rin ang titulong iyan kahit masakit para sa akin.
My aunties and uncles were played like a deaf and like they were lacking of sight kung tungkol na ito sa akin.
They hate me that much. Kagaya ng pagkamuhi nila sa Mommy ko.
Sino lang ba naman kami ng Mommy ko? Nagmula lang sa labas. But despite of their cruelty, I am thankful dahil kinupkop pa rin nila ako bilang pamilya. Without them, wala akong mga pinsan ngayon na nandiyan para sa akin…. na nagmamahal sa akin.
Kahit hindi nila ako kadugo, tinanggap pa rin nila ako bilang Monteavo.
“Exquisite morning, guys. Welcome to my channel. It’s me, again, Thalia Helene Monteavo…”
Matamis siyang ngumiti sa harap ng kanyang camera. Nasa likod naman ng camera si Collete na naaaliw siyang pinapanuod.
Palihim akong ngumiti sa reaksyon niyang iyon.
We are here outside the van, sasakyan namin patungong Norte. Napagdesisyunan namin isang van kami sasakay. Lima ang dala namin van, the other four were for our things and for our bodyguards.
We got all our important things dahil hindi namin alam kung hanggang kailan kami doon.
“Hold this for me, Charlotte, I forgot something,” Saad ni Trevor while handing his cap.
“Put it on my head,” aniya na sinunod naman ni Trevor.
Hindi na nila kinuha iyong mga ibang sasakyan dahil may mga kotse naman sila sa mansyon Monteavo, at may mga collections din si Tito Matthew doon, Juancho and Trevor’s Dad.
“Collete!” singhal ni Thalia kay Collete. Inilayo nito ang camera, pumunta sa harap ng van, at doon kumuha ng video.
“What?” Nakangisi si Collete at pumasok na sa loob ng van. Katabi ni Ara.
“Don’t hawak-hawak my camera. Hindi ako nafo-focus.” Thalia said in a girly tone.
“What’s that for?” Magkasalubong ang kilay na tanong ni Six. Inabot kay Ara ang kanyang cellphone, agad naman kinuha ng kapatid.
“It’s for my new video. Trip to Cagayan Valley,”
Hindi kalaunan ay sumilip siya sa loob ng sasakyan, hawak pa rin sa kamay ang camera, “Come here, Isaac. My followers want to see you closely.”
“Casydee,” lumingon ako kay Brook dahilan para mawala ang atensyon ko kay Thalia.
“Tabi tayo ha,” Si Brooklyn ang masasabi kong pinaka-close ko talaga kahit minsan may katarayan. But she is nice though kung mabait ka rin sa kanya.
Marahan akong tumango at pumasok na din ako sa loob. Umupo ako sa tabi niya, siya ay sa bandang bintana. Kinuha ko sa kanya ang isang maliit na unan at inilagay sa kandungan ko. Later, I will put it on my neck.
“Did Tita Betsy and Tito Alec knows about this sudden decision of Grandpa?” ang tinutukoy ko ay mga magulang nila Brook.
Nagkibit balikat siya, “Tumawag sila sa akin kanina. And it was fine with them. You know them, Casydee. Basta kapag sinabi ni Grandpa, wala silang magagawa,”
I agree to Brook. What Lucas Monteavo says, its the law in the family.
“Sino pa ba ang hinihintay natin?” Pumasok na din si Thalia, at umupo sa kanan ko. Sa harapan namin ay sila Ara, Charlotte, at Collete.
“Si Trevor. May binalikan sa silid niya. Perhaps condom, bagong bili ‘yon eh.” Napuno ng halakhak ang loob sa sinabi ni Isaac.
Umiling na lang ako sa birong akusa niya.
“Nagsama ang dalawang tahimik. Remind to me why you allowed them to drive,” bulong ni Kage sa likod. Ang tinutukoy niya ay sila Aidan at Juancho sa harapan.
Si Aidan ang nasa manibela, katabi nito si Juancho na may suot na headphone. Palitan sila, malayo din ang byahe namin.
“Because they are not a wreckless driver compared to you, and Six… also Trevor.” Ani Thalia.
Sila Trevor, Kage, Six, at Isaac ay nagsiksikan naman sa likod.
“Oh my, Casydee,” tili ni Thalia sa tabi ko.
Magkasalubong ang kilay ko na tumingin sa kanya. Pati si Brooklyn ay nakuha niya ang atensyon.
“Bakit?”
“Someone took a video of you when you pushed Queeny from Isaac’s lap.” She paused para pakawalan ang tawa niya. “That was epic,”
“I saw it too,” ani Kage.
“Patingin,” Si Trevor sabay kuha sa cellphone ni Thalia.
“It was went wild in social media, Casydee, for sure lumalaki na ang butas ng ilong ni Queeny ngayon.” dagdag pa ni Thalia.
Hindi na ako nagkomento pa. Hindi ko na rin inabalang tignan ang social media accounts ko dahil panigurado makakabasa na naman ako ng masasamang salita sa grupo nila Queeny.
Iwasan. That’s the best way to do. Hahayaan ko nalang sila, tutal, huhupa din ito. Ayokong ilagay ang sarili ko sa level nila kung away ang gusto nila sa akin.
I’m not that kind of person.
Narinig kong humalakhak si Ara. “Serves her right. That bitch.” Classmate niya si Queeny.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla ko nalang siya itinulak. Siguro, dahil naiinis ako sa paghanap kay Isaac, tapos maabutan kong nag-eenjoy sa labi ng babae.
Ewan ko ba kung matatawag na girlfriend iyon ni Isaac.
Si Isaac Zachary Monteavo ang pinag-uusapan dito… so probably, Queeny was just a fling. He doesn’t do serious relationship.
“Akala ko ba ‘yong kapatid niya ang pinopormahan mo, Isaac?” narinig kong tanong ni Six.
“Nuh-uh,” he said lazily.
Napairap nalang ako sa hangin sa takbo ng usapan nila. Sanay na ako sa ganoon usapan nila kung tungkol ito sa mga babae nila.
Pinagsasabihan naman namin sila pero ang palaging tugon nila ay, “Sila ang lumalapit, masama tumanggi ng grasya.”
Oh, ‘di ba ang galing ng mga sagot nila? Tsk.
I felt my phone vibrated, tinignan ko iyon. Nagtext si Coco. Isa sa mga masugid kong manliligaw.
Saglit akong lumingon kay Brook, sa sariling cellphone siya nakatingin.
Binuksan ko ang padalang mensahe ni Coco.
Coco;
Nakaalis na ba kayo?
I typed my reply, then hit the send. Hindi ko nalang pinansin ang mga pinsan sa mga sari-sarili nilang komento sa pagtulak ko kay Queeny. Amusement was on their voice instead.
Ako;
Oo.
Siya lang sa mga manliligaw ko ang nasabihan ko na aalis kami ng Manila ngayon. He was not just my suitor, he is also my friend. Mabait siya sa akin at hindi agad gumagawa ng masamang motibo, hindi kagaya ng ibang manliligaw ko.
Sometimes ginagawan nila ng ibang kahulugan ang matamis na ngiti ko, but the truth was I’m just being nice to them.
“Damn, Six, stop moving. Mayroon ka ba ngayon para hindi ka mapakali?” naiinis na wika ni Kage. Malas niya katabi niya si Six na sobrang kulit.
“Mayroon na ano?” he asked dumbfounded.
Coco replied, again. It seems he wasn’t busy right now. Lately kasi ay busy siya sa school projects.
Coco;
Give me your exact location there, Casydee. I’ll visit you one of this days.
Bahagyang tinagilid ko ang ulo ko at nagtype ulit ng bagong mensahe...


para sa kanya.
“Bobo. Menstruation ‘yon.” balik sigaw ni Kage. Malakas na napahalakhak si Collete sa harapan.
Umiling nalang ako sa batuhan nila ng linya. Ara and Thalia are laughing at them.
“Mas bobo ka. I’m not a girl. You want to see my dick, huh? Ito ang nagpapadugo sa mga babae,” sinundan niya iyon ng malutong na tawa.
Ngumiwi ako sa rumi ng bunganga ni Six. Ganyan siya, walang preno ang bunganga.
Out of nowhere, may lumipad na maliit na unan patungo sa likod. Nalaman ko nalang na si Six ang puntirya,
“Who the fuck throw this thing?” mura niya.
“Matulog ka nalang. Nakakarindi ka pakinggan.” Si Ara ‘yon. Natahimik naman ang huli.
“Did you get my DSLR, Charlotte?” ani Thalia sa bunsong kapatid habang inaayos ang mga unan sa gilid niya.
“Opo, why?”
“Akala ko kasi naiwan…”
Inangat ko ang tingin sa cellphone ko nang mag-vibrate muli. Pero muntik ko na itong mabitiwan nang may magsalita sa likod ko.
“Can I borrow your phone, Casydee?” tinig ni Isaac, nakatungkod ang braso niya sa ibabaw ng sandalan ng likod ko.
It seems he is watching me while texting. At marahil nabasa niya ang mga palitan namin ng salita ni Coco.
“Bakit?” kunot-noong tanong ko.
Six giggled out of a sudden. “Pasahan ka daw ng porn,”
“Kadiri ka talaga, Casixto.” nakangiwing sinulyapan ni Ara ang kapatid.
“Siguro kulang ka sa pansin no’ng ipinanganak ka ni Mommy, Ara.” Puro sila bangayan na magkapatid. Pero hindi maipagkakailang mahal nila ang isa’t-isa. Hindi nga lang sa mabulaklakin na salita kundi through action.
“I’m not like you, Six.” ani Isaac, at kinuha nalang ang cellphone ko sa kamay ng walang paalam.
“Isaac! Ano ba? Give me that! May katext ako eh,” Hindi niya pwedeng makita iyon.
Nakakahiya!
Saktong huminto ang van dahil sa traffic light ay tumayo ako at hinarap siya. I tried to snatched it from him pero dahil mahaba ang braso niya, hindi ko abot sa bawat iwas niya.
Teka, bakit ako ang mahihiya? Dapat siya ang mahiya dahil hindi niya gamit iyon.
Pero huli na dahil lumabas ang patuyang tawa sa labi niya. Nakakainis talaga kahit kailan!
“Kahit malayo ka sa akin, Casydee, always remember that I love you.” He uttered what Coco’s said. He gave me his lopsided grin.
Namula ang buong mukha ko. Tinawanan at inasar pa ako ng lahat.
“Who’s Coco? May lovelife na pala ang bunso natin,” pang-aasar ni Aidan.
“Coco Mathias, classmate ni Kuya Kage,” panlalaglag sa akin ni Brooklyn.
“Hindi naman eh,” Pilit ko pa rin inaagaw ang cellphone ko ngunit hindi ko makuha sa kanya.
“Isaac!” I gritted my teeth.
“With ‘muahppz’ ‘labyuzz’ ‘hugz’. Hell, your boyfriend is a jejemon as fuck.”
Sinundan iyon ng tawa ng mga lalaki.
“Damn you, akin na nga ‘yan. Hindi ko boyfriend si Coco,”
Sumali na din si Brooklyn sa usapan. “Oh, Jejemon? Si Coco? How? He has good fashion sense, eh.”
Hindi talaga. Nagkataon lang siguro na ganoon siya nagtype kanina. May pagkapilyo din iyon.
“Akin na kasi ‘yan,” nakangisi pa rin siya habang nagta-type na sa cellphone ko.
Lumakas ang pintig ng puso ko, at nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto.
No!
“Don’t you ever dare, Isaac!” I hissed.
“Sent,” then he look at me victoriously.
He winked at me first bago niya inihagis ang cellphone ko. Nasalo ko naman iyon at agad tinignan ang laman ng inbox ko.
Ako; (Isaac)
Back off, jejemon.
Damn you, Isaac!
“I don’t like him for you, Casydee.” naramdaman ko nalang ang hininga niya sa likod ng tainga ko pero hindi ko siya pinansin.
I hate him! Siya nalang palagi ang nang-aasar sa akin. Palagi nalang ako!Kainis siya!
Mahaba-habang paliwanag ang sinabi ko kay Coco. At agad naman niyang naiintindihan iyon.
Hindi siya mahirap magustuhan ngunit hindi magawang gustuhin siya ng puso ko. Hindi ko nararamdaman sa kanya ang sinasabi ng iba na may paru-paru sa tiyan kapag nakatingin siya sa akin.
Sa madaling salita, I don’t felt the kilig vibes. Just pure friendship.
“Wake up, Casydee,” the owner of the voice’s gently shake my shoulder.
Unti-unti kong iminulat ang mata ko. We are now here at Isabela, Cagayan. I looked at my wrist watch, it says seven thirty in the evening. Mamayang alas nueve pa kami makakarating sa Mansyon Monteavo.
“Kakain muna daw tayo sabi nila Kuya Aidan,” saad ni Brooklyn.
Tumango ako at nilibot ang paningin sa labas. Nasa harap kami ng isang fastfood chain.
Kasabay kong nagising si Charlotte.
Pumasok na kami sa loob pero nagpa-iwan saglit sila Juancho, at Kage sa labas at pumunta sa smoking area.
Lahat naman silang mga lalaki naninigarilyo pero mas matindi kila Juancho at Kage. Pati sa umaga, ginagawa nilang agahan ang paghithit ng sigarilyo.
Sabi nila i-itim daw ang labi kapag naninigarilyo. But, why them? They have a red lips though.
Si Six, papungas-pungas pa habang nakaakbay kay Isaac. Kaya sa huli, nakatungo ang ulo sa ibabaw ng mesa para ituloy muli ang naputol na tulog.
“Wake up, man,” Kanina pa si Isaac ginigising pero walang epekto.
Yakap ko ang katawan kong nakaupo sa gitna nila Charlotte at Brooklyn. Ara and Aidan order our food.
Habang si Thalia, nasa harap na naman ng camera.
Pinitik ni Trevor ang daliri, waring may naisip na paraan para magising ng tuluyan si Six.
Umiling nalang ako.
Matteo Trevor Monteavo and his plan are totally crazy and wicked.
“Help me to get rid of this fucking chair,” natatawang aniya. Nakangisi na rin ang mga lalaking tinulungan nga siya, like they already know how to wake up Six.
Nasa kanila na ang atensyon ng camera ni Thalia. She was even giggling.
“In count of three. Let’s fucking pull this damn table.”
Oh, no!
“Masama ‘yan. Just wake him up in a nice way.” pagpipigil ko. Baka mapahamak pa si Six ‘pag itinuloy nila ang balak.
“Oo nga, mahiya naman kayo. Look around us, they were looking at us,” Tumayo na din si Charllote, at hinawakan sa braso si Collete.
Binalingan agad ako ni Isaac. “There’s no other way than this. You know Six.”
Yeah, we know Six. Mahirap talaga siyang gisingin pero hindi sa ganitong paraang iniisip nila.
Hindi talaga namin sila napigilan, itinuloy pa rin nila.
“One, two, and fucking three,” they smiled triumphantly when they saw Six landing on the floor.
“Fucking shit! Fuck! Fuck! Holy fucking shit!”
sigaw ni Six, napuno tuloy ng mura ang loob.
Nakatingin lang sa amin iyong mga tao habang ‘tong mga kasama namin puro sila tawanan kay Six.
Marahas siyang tumayo at matalim na binalingan sila Isaac na may bakas pa ng tawa ang mga labi.
“Biruin niyo na ang lasing, huwag lang ang natutulog. Tangina niyo!”
He pulled up the hem of his shirt to his arms, showing his biceps. “Sino ang tarantadong nakaisip no’n?”
Tawa lang ang isinagot ng mga lalaki.
“Mga baliw,” komento ni Brooklyn sa tabi ko. Charllote and I agreed.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top