” Happy ba kayo mga kiddos?Is everyone having fun?” masiglang tanong ng host sa mga bata sa party. Tapos na kasi ang mga pagames at bawat isa sa mga batang sumali ay may natanggap na souvenirs at prize kaya bawat isa ay masaya at nag enjoy.Dahil ang mga natanggap nila ay hindi lang basta basta. Ang bongga kasi ng mga prizes.
“Opo! Sobrang saya po!”sabay sabay na sagot ng mga ito. At halata naman iyon.
“So sa time naman nato ang mga parents, tita, tito at mga oldies naman ang dapat maging happy at maenjoy ang party. Gusto niyo bang maging happy sila? “agad na nagtanong si Faith sa host ng party niya.
” Paano po yon? “napatawa naman ang lahat dahil sa tanong ni Faith. Napakabibo talagang bata. Tuwang tuwa ang lahat ng guest ng party dahil nakilala nila ang unang apo, pamangkin at anak ng pamilyang Baltazar.
” Magsasayaw ang mga mommy at daddy niyo also your tito’s and Tita’s at siyempre ang mga oldies natin. But most especially ang center of attraction ay ang parents mo dahil ikaw ang may birthday.”
“Okay po I understand na.”bibong sagot ni Faith sa host.
Malawak ang Garden ng mansion kaya kasya silang lahat doon at siyempre ayos na ayos ang lahat. Di lang dapat ang mga bata ang maging masaya dapat ang mga matatanda rin.
” So para di kayo mabagot mga cuties lalo ka na Faithy. Mag-aice cream muna kayo. Di pa naman kayo pwede magdance. Baka mamaya ipagkasundo na kayo ng mga parents. Haha joke lang yon.” kaya bahagya ng natawa ang lahat.
At iyon nga ang nangyari nagpunta muna ang mga kids sa ice cream station sa may tabi. Mukhang gustong gusto ng mga ito ang ice cream and as theirs reward na rin dahil for giving entertainment kanina dahil sa paglalaro ng games na naenjoy naman nila.
“May I have this dance, wife?” napangiti naman si Fatima dahil nakalahad ang kamay ng asawa sa harapan niya agad niya ding inilahad ang kamay niya dito. Sino ba naman siya para tumanggi.
“Sino ba ang nag organize ng party? Di ako nainform na may paganto pala.” napangiti naman ang lalaki sa kanyang tinuran.Masuyo nitong Hinalikan ang likod ng palad niya saka siya iginiya papunta sa mga parents ng mga bata nagsasayaw na rin. Ang romantic tuloy. Tapos sila pa ang nasa gitna.Ang iba ay nanonood lang. Lalo nasi Cedric na di mahagilap si Trish kaya walang kasayaw.
Habang nagsasayaw sila ay bigla namatay ang ilaw.Kaya dumilim ang paligid.
“Yahhhh, ang dilim baka may multo. Mommy daddy!!!” sigaw ng isang bata na naroon.
Agad din namang nagbukas ang ilaw pero yung sa pwesto lang nila ni Tyler.
” Ayy ano ba yan, akala ko kung ano na” wika ni Fatima napatingin siya sa paligid at lahat ng ito ay nakatingin sa kanila ni Tyler.
Sabi nila 🎶🎶🎶
Balang araw darating🎶🎶🎶
Ang iyong tanging hinihiling🎶🎶🎶
At nung dumating🎶🎶🎶
Ang aking panalangin🎶🎶🎶
Ay hindi na maikubli🎶🎶🎶
Si Troy ang kumakanta at katabi nito si Trish. Para saan yon? Wala siyang alam doon.Ito ba ang pinagkaabalahan ng mga ito sa mga nakaraang araw?
“At first I don’t believe in love. But when I met you and something happened between us, nabago ang paniniwala ko. Maraming nagbago. Akala ko na sakin na ang lahat. Pero may kulang pa pala at ikaw yon. Maybe mom and dad was right. I need to find a woman that will complete and it was you.”nakikinig lang siya sa mga sasabihin ng asawa. Kahit di niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari.
” Ano bang sinasabi mo? Birthday lang to ni Faith diba? Bakit parang may dramahan? “sabi niya at pinunasan ang mga luha sa mata niya gamit ang kanyang kamay.
” Wife just listen to me. Everybody is watching us. “sabi nito sa kanya.
” Faith ang sweet naman ng parents mo”
Ang pag-asang nahanap ko🎶🎶🎶
Sayong mga mata🎶🎶🎶
At ang takot kong sakali mang🎶🎶🎶
Ika’y mawawala🎶🎶🎶
At ngayon, nandyan ka na🎶🎶🎶
‘Di mapaliwanag ang nadarama🎶🎶🎶
Handa ako sa walang hanggan🎶🎶🎶
‘Di paaasahin🎶🎶
‘Di ka sasaktan🎶🎶🎶
Mula noon🎶🎶🎶
Hanggang ngayon🎶🎶🎶
Ikaw at Ako. 🎶🎶🎶 Si Trisha naman ang kumakanta.
“Bakit sila kumakanta doon?” tanong niya kay Tyler.
“Because I said so. For you also.”
“Ano ba kasi to ha? Wala akong kaalam alam ehh. Nakakabigla naman.”
“If I told it will longer be a surprise.” sabi nito at pinunasan ang mga luha na nanggagaling sa mga mata niya.
“Muntikan na akong mabaliw kakahanap sayo. I can’t forget you. Di ka mawala sa isip ko. I can’t stop myself to think of you. Everyday I wish na sana nagkita man lang tayo. Na sana makita man lang kita kahit di mo yon maalala. I know you was drunk that night. “pagkukuwento pa nito sa kanya.
” Para namang di ka lasing noon.”mahina niyang sabi. Nakikinig lang ang lahat sa kanila.
” I am not. I know everything. Lahat ng sinabi mo ng gabing iyon. You know I never thought na may babaeng magkakagusto sa akin lalo na sa ugaling mayroon ako.”
” Hindi ka lasing? Paano nangyari? What?! Ang dami kong sinabi noon.Nakakahiya.”
“You said you like me.” Saad nito at tumawa pa.
“Taas ng self confidence ahh. Pero oo gusto nga kita. Gustong gusto kita at yun yung nararamdaman ko sayo di ko magawang kalimutan. Its already love. Because since high-school ikaw lang ang lalaking nagustuhan ako. Sino ba namang mag aakalang magkakaanak ako sayo diba? Saka alam ko naman di tayo babagay sa isat isa estado palang sa buhay ang pag-uusapan. ”
“So it was a mistake? Nagsisi ka ba? Because for me it was the best thing that happen to my life.Sino ba namang magkakagusto sa isang babaeng Isang gabi mo lang na kasama at pagkagising mo nawala na lang na parang bula.”di na nila iniisip na may mga taong nakikinig ang mahalaga ay maipahayag nila ang nararamdaman sa isat isa.Ang mga bata naman sa party ay abala sa pagkain ng ice cream at yung iba ay naglalaro kaya walang pakialam at di rin naman nila maiintindihan.
” No I never regret that. And if it was a mistake that will be the most beautiful mistake that I did.Dahil doon nagkaroon ako ng anak na mapagmahal. Nagkaroon ng direksyon ang buhay ko. Naging masaya ako. Dahil doon nagkaroon ng Faith. And because of that I hide the Billionaire’s Daughter. Your...