FORCING MY CRUSH TO MARRY ME


“M-Mommy…”
Napalingon na naman ako kay Josh nang hila-hilahin niya ang laylayan ng damit ng Mommy niya. Hilam rin ang luha sa mga mata niya.
“I-I don’t want to marry her—”
“Hey!” Napasigaw ako sa inis. Tinanggal ang belo sa ulo ko saka sinamaan siya ng tingin.
Tsk. Saka pa siya nagrereklamo kung kailan tapos na kaming ikasal. Ihihi.
Hays. Sa ganda kong ‘to, bakit ba kasi ayaw niyang masakal— makasal sa’kin?
“I-I…” Nagbabadya na namang humagulgol ang 6 years old na si Josh. Napabusangot ako.
“I don’t like— n-nor love her Mom..” Mas lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Ningitian naman siya ng Mommy niya saka umupo para pantayan siya.
Hinimas niya ang ulo nito. “Anak, isipin mo na maglalaro lang kayo ni Jenny—”
“No! I’m not that dumb, Mommy! Look at me! I’m just a 6-year-old-kid. Ayaw kong matali sa kaniya. She’s so loud and annoying—”
“Alam mo bata, kahit anong pagrereklamo ang gawin mo wala ka nang magagawa.” Nakalabi kong singit habang pinaglalaruan ng daliri ko ang dulo ng buhok ko. Saka ko siya tinaasan ng kilay. “Look, tapos na tayong ikasal ni father—”
“Waaaahhhh Mommmyyyyy!!!” Hagulgol niya. Napatakip ako ng tainga.
Kalalaking tao gosh ba’t ba siya ganyan?
Bukod kasi sa crush ko siya ay mahilig din akong paiyakin siya. Di ko talaga alam pero kinikilig ako sa t’wing binubully ko siya. Hehe.
At ngayong nagkasundo ang mga parents namin, hindi talaga ako mapakali sa tuwa! Sobrang saya ko kahit na hindi siya ang nagsuot no’ng ring ko nang ikasal kami. Hays, dream ko pa naman ‘yon.
“I don’t like her— I don’t love her and I don’t want her to be my wife!” Nakakabinging sigaw niya ang nagpahinto sa’kin. Parang nabingi ako do’n at natigilan.
Ngumuso ako at yumuko nang maramdamang paiyak na ako. Ramdam ko rin na nakatingin ang lahat sa’kin kaya para makaiwas, tumakbo ako palayo.
Nang bigla ay sa gitna ng pagtakbo ko, napahinto ako nang may maramdamang humawak sa braso ko.
“WHERE ARE YOU GOING?”
Bumilis na naman ang tibok ng puso...


ko ng marinig ang boses na ‘yon. Umiwas ako ng tingin para hindi makita ang mukha niya.
“Pakialam mo?” Suplada kong tugon. Pero bigla ay napasinghap ako nang isandal niya ako sa pader sa may madilim na sulok!
“You’re not going anywhere. You’re staying here.”
“Ha,” Di makapaniwalang singhal ko, naiinis. “Ano namang karapatan mo para diktahan ako sa mga dapat kong gawin?”
“Because I am your husband.”
Pinilit kong lingunin siya para samaan siya ng tingin. Pero parang na stock na naman ang mga mata ko sa pagtingin sa gwapo niyang mukha.
That blue piercing eyes, his pointed nose and kissable lips. Sobrang attractive na niya ngayong 26 years old na siya. Matured na siya sa lahat ng bagay at hindi na siya ang Josh na iyakin.
I can’t help it but to stare at his handsomeness. Sobrang nakakaakit sa paningin ang kagwapuhan niya ngayon. Kaya ang imbes na pagtaliman ko siya ng mata, nauwi lang ‘yon sa pagtitig ng mariin sa kaniya.
“I can see that,” Boses niya ang pumukaw sa’kin. “You’re staring at me softly.” Humina ang boses niya ro’n na para bang natutuwa siya sa ginagawa ko pero hindi lang pinapahalata. Umirap ako para hindi maapektuhan ng mga salita niya.
“So?”
“So?” Panggagaya niya. “You still love me, do you?” Parang hindi na ‘yon patanong. Sa tono niya, parang sigurado na siya na totoo ang sinabi niya. Na para bang ilang beses na niyang napatunayan ‘yon.
“Tss. Noon ‘yon. No’ng mga bata pa tayo. No’ng mga panahon na ayaw mo sa’kin, at ayaw mo kong maging asawa mo.” Pinilit kong maging kaswal sa sinabi kong ‘yon para hindi niya mapansin ang pait ro’n. Pero sa pagtitig niya sa’kin, alam kong alam niyang naaapektuhan parin ako sa mga nangyari sa’min noon.
Lumambot ang pagtitig niya sa’kin. “It’s in the past. Forget about it because now, I don’t want you just to be my wife, I want to be with you for the rest of my life.”
With that, he start pulling me closer to him and leaned to kiss me softly.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top