KAPIT


Year 2019 na magsimula ang CORONA VIRUS o COVID -19 sa ibang bansa hanggang sa umabot dito sa pilipinas. Ang nakakahawang sakit ay napadurog sa mundo ng milyon-milyong katao. Hindi lang sakit ang dinala ng COVID -19 sa maraming tao pati pagbabago ang dinala niya sa atin. Hindi pagbabago na magpapatuwa sa mamamayan ang dinala ng COVID – 19, sa halip ay ang dinala ng COVID -19 ay ang pagbabago na makapagwasak sa buhay ng karamihan. Binago niya ang takbo ng buhay ng bawat isa. Ang ating nakasanayan at dati nating pamumuhay ay tuluyan na niya binago. Hindi na katulad ng dati na parang isang ibon na malayang makalipad-lipad sa kung saan-saan pero ngayon parang tayo kinulong sa sarili nating tirahan na parang nilagyan ng makapal na harang ang bawat nakabukas na pinto upang hindi tayo basta-basta makakalabas. Hindi na rin natin basta-basta malapitan o makita manlang ang ating mga mahal sa buhay, kasintahan, kamag-anak at kahit na kaibigan o mga kabarkada. Hindi na natin sila basta-basta mabiso-biso, mayakap o kahit mahawakan manlang. Pinakita ng COVID – 19 kung gaano siya kabagsik dahil buong mundo ang kanyang kinakalaban. Walang pinipili matanda man, bata o sanggol ay walang awa niyang sinugod. Pero kahit ganun paman, kahit gaano man kabagsik, kalakas at katapang ang COVID -19 ay doble din ang pinapakita natin sa kanya. Nakaya natin lumaban kahit balot na balot ang ating mga muka na halos hindi na makahinga. Nakaya natin tumayo at magpatuloy kahit paulit-ulit tayo binagsak at sinisira. Kahit mawalan ng hanapbuhay at kahit mawalan ng mahal sa buhay ay na kaya padin natin kumapit
Napahinto ako sa pagsusulat at nakatulala nakatingin sa aking gawa sa salita huli kong isinulat.
Natin? Tanong ko sa sarili.
Kumapit?
Kasali ba ako dito? Sabi ko pa at lihim napatawa ng mapakla.
Makakaya kundi din bang kumapit gaya ng iba? Tanong ko pa habang may bahid na lungkot.
At siya makakaya din ba niyang kumapit?
“Mahal ano na? Natapos mo na ba? Gusto ko na makita ang bago mong ubra.” Sabi niya na nanghihina ang boses na halata na may sakit itong dinaramdam.
Bumalik ang huwisyon ko at napatingin sa phone ko. Nasilayan ko ang maganda niyang muka kahit namumutla na ito, sanhi nang nakakahawang sakit na corona virus.
Ibinalik niya ang pagkabit ng oxygen sa ilong at sa bibig niya dahil nahihirapan itong huminga. Saka ito nagsulat kahit na nahihirapan at nanghihina.
Nang matapos siya magsulat saka niya pinakita sa akin, at inilapit niya pa sa camera para mabasa...


ko ng maayos ang isinulat niya.
Natapos mo na? Basa ko.
Umiling naman ako bilang pagsagot. Nagsulat ulit ito at pinakita ulit sa akin.
Gusto ko malaman yung title. Basa ko pa rito.
“Kapit.” Maikli sagot ko.
Muli ulit ito nagsulat.
Bakit kapit? Tanong nito.
“Dahil gusto ko kumapit ka, dahil papakasalan pa kita mahal.” Sagot ko habang may puno na pagmamahal.
At kahit hindi ko nakita ang ngiti niya dahil natatabunan ng oxygen ang labi niya pero alam ko na natutuwa siya.
“Wag kang susuko, pakiusap kumapit kalang huwag kang bibitaw sa akin mahal.” Sabi ko pa at hindi ko napigilan hindi umiyak.
“Kumapit kalang sa akin mahal.” Dagdag ko pang sabi.
Muli siya nagsulat at ipinakita iyon sa akin.
Huwag kang mag-alala dahil kahit ano man mangyari kakapit padin ako sayo.
Basa ko sa sulat niya na mas napaiyak sa akin.
Makalipas ang dalawang araw ay nabalitaan ko nalang na namatay na siya, ang babaeng ka-iisang minahal ko.
Minamasdan ko ang mga larawan niya at inaalaala ang sandaling nakita ko ang muka niya at huling pag-uusap namin.
Huwag kang mag-alala dahil kahit ano man mangyari kakapit padin ako sayo.
Basa ko sa sulat niya na mas napaiyak sa akin. Lalo na, na mabasa ko ang kadugtong ng isinulat niya.
Dahil itong nasa puso ko ikaw lang ang naka kapit dito, ganun din ako sayo diba? Kaya tandaan mo hindi ako bibitaw sayo, naka kapit padin ako sayo dahil nasa puso at isip mo ako kahit saan man ako mapunta.
Napangiti nalang ako na maalala ko ang sandali iyon.
Tama. Hindi siya bumitaw, kumapit padin siya, kumapit padin siya sa akin. Kumapit padin siya kahit hindi ko na siya mahahawakan. Nakakapit padin siya kahit lumisan na siya dito sa mundo. Nakakapit padin siya dahil mananatili siyang nakakapit dito sa puso ko. Pahayag ko at tuluyan na napangiti.
Kinuha ko ang ubrang isinulat ko at dinugtungan ko iyon.
Kahit mawalan ng mahal sa buhay ay na kaya padin natin kumapit. Kahit mahirap, kahit hindi madali pero alam natin kailangan dahil ito tayo likas natin lumaban. Gaano man tayo kahina mas nangibabaw naman ang tapang, tibay at lakas ng loob kaya ano man pagsubok ang darating ay hindi aatrasan, dahil nakakapit sa ating mga puso ang ating mga minamahal sa buhay na nagbibigay ng lakas at pag-asa sa ating buhay.
Words by: Binibining Bee
Work of fiction.
Unedited.
Grammatical errors and typos ahead.
Free to share but please don’t copy.
Your opinion is greatly appreciated.
Open for criticism.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top