By Twin_Luna
..
“Oh Iha, anong nangyari? Bakit para kang binagsakan ng buwan at nakasambakol yang mukha mo—”
“Why did you lie? At nagawa pa po kayong kasabwatin ng lukaret na batang yun,”
Kunwa’y nagtatampo ko pang panunumbat rito.
“A-ano bang sinasabi mo? At bakit— nevermind na lang po.”
Pagputol ko na lamang sa sinasabi nito at agad ibinigay rito ang bouquet bago magtungo sa kwarto. Walang second floor ang bahay namin kaya walang taas.
“Patapon na lang po nyan sa basurahan.”
Walang ganang utos ko pa rito.
“Ha? At bakit naman? Kuu, kagandang bulaklak nito, hindi ka ba nanghihihayang Iha? Ay teka kanino ba ito galing at gusto mong itapon ko nalang?”
Pag-uusisa pa nito na may halong pagtataka. Kaya tinatamad na muli ko itong tiningnan.
“Hays! L-lagay niyo na lang po pala sa vase. At hwag na ho kayong magtanong pa kung kanino galing dahil alam kong alam niyo na ho ang sagot.”
Kunwa’y bagot ko pang saad saka ako nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa aking silid. At kahit bungalow style ang bahay namin may kanya-kanya parin naman kaming silid na ginagamit dahil tatlo ang kwartong mayroon ang naturang bahay na binili ko ng hulog-hulogan at ginamit ko ang naipon ko galing sa pagtatrabaho ko sa shop. Lumipat na kasi kami ng location kaya hindi na ako roon nakatira sa dating apartment ko na nirerentahan na up and down at malaking bahay. Dahil alam kong mananariwa lamang ang mga masasaya at masasakit na sandali namin ng dating boyfriend kong naging Ama ng anak ko. Kung hindi ako aalis sa lugar na’yon at maari nya rin kaming masundan na ayaw ko na sanang mangyari pa dahil masaya na ako sa buhay ko ngayon kahit dalawa lamang kami ni Shia.
Pero kung sakali mang muli kaming pagtagpuin ng tadhana…
Handa naman akong harapin sya at ipakilala sa kanya ang naging anak namin. Dahil alam kong may karapatan parin naman sya sa bata, dahil bali-baliktarin man ang mundo… He’s still the father of my child.
Ngunit kung mapunta naman sa puntong gusto nyang kunin ang anak ko sa’kin. Aba! Magkamatayan man hindi ko ibibigay sa kanya ang bata noh! Sobra-sobra kaya ang pagpapakahirap ko riyan mailabas lamang at maisilang sa mundong ‘to. *Pout*
*Tok, tok!*
“*Sigh* pasok, bukas yan!”
Sagot ko nalang at nanatiling nakapikit habang nakahilata sa sarili kong kama. Napagod ako sa pag-iisip kaya hindi ko na muna kinompronta ang anak ko, instead nagpahinga na lamang ako sandali.
“Iha, ito na nga pala ang flowers oh, at saka iha nakita mo na ba itong card? Itatapon ko na sana, kaso baka kako kailangan mo pang—”
“Ho?! Ano hong card at para saan?”
Nagtataka kong usal at bigla rin akong napabangon. Ngunit hindi ko naiwasang mapangiwi nang bigla akong mahilo kaya nasapo ko ang aking sintido nang balingan ko ng tingin si Lola.
“Ayos ka lang ba Iha? May masakit ba sayo?”
Dali-dali naman itong lumapit sa akin at sandaling inilapag ang vase na kinalalagyan ng blue Roses sa bedside table at dinaluhan ako.
“*Gulp* O-okay lang po. Ano ho palang card ang tinutukoy nyo ‘la?”
“Iyon ba? Ito oh, hindi mo ba ito nakita?”
Sabay abot sa akin nito ng isang maliit na nakatuping card. And it’s a greeting card.
“Alam mo Iha hindi ako maalam sa Inglis kaya hindi ko maunawaan ang nakasaad riyan.” Anya pa. Kaya binuksan ko na lamang ang naturang card at binasa ang nakasaad roon…
To: Pretty woman in the orange dressed
Hello there! I just want to apologise for what happened yesterday and even I really didn’t do anything against your child’s will. I want to say sorry if you misenterprit about my fondness for your girl. Your child’s kinda charming and smart, that’s why..
Anyway, I’m looking forward to meet you again, just don’t forget about the field trip! Oh, btw b4 I 4got.. Hope you like the flowers! Shia told me that you really loved blue Roses, so don’t get mad at her if I asked her about it. Have a nice day! 😉
From: Teacher Gwapongpogi
Pinakatitigan ko pa iyon at ilang beses pinasadahan ng tingin at binasa ng ilang ulit. Pero nanatiling blangko ang aking isip.
“Bakit Iha, ano bang nakasaad sa sulat? Saka matanong kita Iha.. yung nakalagay bang teacher Gwapongpogi riyan sa card eh yung guro kako na pumunta rito kanina— hala bakit ko ba nasabi yun,”
Sabay tutop sa bibig nito. Kaya nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ito.
“So, h-he really did come here?”
Napapalunok na pagkompirma ko pa, pero umiwas lamang ito ng tingin sa akin.
“A-ano bang pinagsasabi mo Iha? N-naku hwag mo nang pansinin yung sinabi ko, wala yun!”
Pagkaila pa nito kaya sinimangutan ko na lamang ito.
“Deny pa-more Lola. Ang isda huling-huli na ho sa sarili niyong bibig. *Rolled eyes* besides nasabi na ho sa akin ni Shia. Tss! Kung hindi pa nadulas ang isang yun hindi ko pa malalaman.”
Irap ko pa sa kawalan. Pero dahil sa ginawa ko lalong kumirot ang aking sintido. (Ouchy!)
“Ah heheh… g-ganoon ba apo?”
Napapakamot pa sa ulong usal nito.
(Psh! Talagang kinareer ng talipandas na’yon ang pagiging teacher Gwapongpogi nya ah.)
At sandali ding naningkit ang mga mata ko nang maalala ang pagkilanlan nito sa akin.
(Pretty woman in the orange dressed?! Whattaeff?!)
Kinabukasan, ang planong komprontahin si Shia tungkol sa pagdalaw ng binatang teacher nito at sa pagpapadala nito ng bulaklak at stuffed toy ay hindi ko na lamang itinuloy dahil wala rin namang saysay kung pagsabihan ko pa ito. Kaya hihintayin ko na lamang na muli kaming magkita ng lalaki kung may pagkakataon man. At ipinabahala ko na lamang sa stay out naming driver ang paghahatid kay Shia sa school, at dahil hindi ko narin naman na inungkat ang tungkol sa nangyari kahapon, tumahimik nalang din ang maglola. At tinanggap ko na lang din ang nangyari dahil nagawa rin namang magapologise ng anak ko sa akin lalo na dahil sa pagsisinungaling nito. Kaya kahit papaano, magaan parin ang loob ko nang magsimula sa trabaho ng araw na’yon.
*TING!*
(A/N; Tunog ng chime yan, ‘kay?)
“Welcome to Mayana’s Paradise Garden. Ano po ang atin Mareng suki? Marami po kaming bago ngayon, at fresh na fresh pa po from Baguio!”
Masiglang pambungad pa ni Jelly sa pagpasok ng isang customer na nakahat and sunglasses pa at sobrang nagmamayabang ang kanyang postura. (Wow, pang miss universe lang ang peg ng ateng nyo!)
“Hmp! Talaga lang ha..”
Ismid pa nito saka ito nagtanggal ng suot na sunglasses.
“At pwede ba, hwag mo akong tawaging Mare? Dahil unang-una sa lahat hindi tayo magKUMARE, and most of all.. hindi mo ako S-U-K-I. Hmp! It’s my first time to come here kaya, duh! *Rolled eyes**flipped hair*”
Aba ang taray naman nang baklang ‘to! Pero ano raw?
Nang sulyapan ko si Jelly, katulad ko ay napapanganga na lamang din ito at tila gulat na gulat din dahil hindi nito inaasahan iyon. At nang mapasulyap rin ako sa taong ‘yon, doon ko napatunayang echoserang froglet pala talaga ang isang ‘to; In short, bakla, baklush, beky, binabae and so on. Just name it!
Halata naman kasi sa boses na pilit lamang pinapaliit para lang magmukhang sexy pakingggan. Pero ang lola niyo kahit ano yatang pilit ay barakong-barako parin. But infairness ha.. beauty naman...
Definitely believe that which you stated. Your favorite justification appeared to be on the internet the simplest thing to be aware of. I say to you, I certainly get annoyed while people think about worries that they plainly dont know about. You managed to hit the nail upon the top and also defined out the whole thing without having side-effects , people could take a signal. Will probably be back to get more. Thanks!
Thank you for that smart critique. Me & my neighbour were preparing to do some research about that. We acquired a beneficial book on that matter from our local library and most books exactly where not as influensive as your info. I am incredibly glad to see these details which I was searching for a long time.