Habang nag-lalakad sa hall way, naagaw ng atensiyon ko ang isang meztisong lalaki, mahahalata sa suot nito na Doctor ang kinukuha niyang kurso.
Nagkasalubongan kaming dalawa napatingin ako dito at ganun din siya.
Hindi ko akalain na ang taong nakakasalubongan ko ay ang magiging asawa ko pala ngayon.
Habang naglilinis ako ng bahay agad na naagaw ng atensyon ko ang larawan naming dalawa. Nakaturo ako sa kanya, samantalang siya ay nakasuot naman ng pang-doctor, aalis na sana ako ng biglang nahulog ang picture naming dalawa.
Pinulot ko ito, at nakaramdam ako ng kaba. Nadagdagan pa ‘yon ng may biglang tumawag sa‘kin kaagad ko itong sinagot.
“Ito po ba ang asawa ni Doctor Valdez?” Sumagot ako dito ng oo.
“Nasa hospital po ngayon asawa niyo.” Halos lamigin buong katawan ko ng marinig ko ‘yon at natatarantang pumunta sa hospital.
Pag-punta ko do’n nakita ko itong nakahiga at umiiyak.
“Love, ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Kalma na.”
“Paano ako kakalma kung sa mismong mga kamay ko namatay ang isa sa mga pasyente ko, pero alam mo kung ano ‘yong mas masakit sa part na ‘yon? ‘Yong taong matagal ko ng hindi nakikita at ang first love ko ay namatay mismo sa harapan ko at...