OKAY kalang ba ineng?” bungad sa kanya ng babae ng imulat niya ang mata. Dinala siya ni Erik sa kalapit na tindahan ng mahimatay siya.
Putlang putla parin ang kanyang mukha. Hindi niya alam kung ilang minuto o oras siyang nawalan ng malay.
” Lara, ano ang nararamdaman mo?” alalang tanong ni Erik.
Bumalik sa kanyang isipan ang katutuhanan ng marinig si Erik. Naihiling niya ng mga sandaling iyon na sana hindi nalang siya nagising pa. Dahil hindi niya alam kung paano harapin ang lahat.
Marahan siyang bumangon mula sa malapad at mahabang upuan na yari sa kawayan.
” K-kailangan kunang umuwi” aniya sa mahinang boses.
Inalalayan siya ni Erik na makabangon.
” Lara, ano na ngayon ang plano mo?” tanong nito habang naglalakad sila pabalik sa kanyang tinutuluyan.
Napa buntong- hininga siya inisip si Marco ” H-hindi ko pa alam Erik, naguguluhan ako. Hindi ko alam paano haharapin si Marco”
” Lara, hayaan mo pag-makabalik ako sa Maynila tutulungan kitang magpaliwanag kay Marco”
huminto siya sa paglakad at humarap kay Erik” Sa tingin mo mapapatawad niya ako? Pagkatapos ng ginawa ko sa kanya?” naramdaman niya ang pag init ng sulok ng kanyang mga mata. Agad niyang pinahid ang luha.
” Mapapatawad ka non mahal ka naman niya” sinabayan nito iyon ng kibit balikat.
Nagpatuloy sila sa paglakad hanggang sa makarating sila sa bahay. Hindi na niya ito inaya pang pumasok sa loob dahil gabi na.
Magkaharap silang nakatayo. Inantay niyang magpapaalam ito. Matamaang itong nakatitig sa kanya na tila ba may gusto itong itanong sa kanya ngunit nag dadalawang isip ito.
Gustong itanong ni Erik, kung may kinalaman ba siya sa pag kamatay ni Anton, ngunit hindi nito maisatinig. Siguro na ramdaman nito ang paghihirap ng kalooban niya na dulot sa katutuhanan nalantad.
Nagpaalam nalamang itong bumalik sa hotel.
” Okay, Erik maraming salamat ulit” sabi niya bago ito umalis.
Kinumpas nito ang kamay sa ere bilang pagtugon sa sinabi niya.
Napahagolhol siya ng mapag-isa sa kanyang silid. Gulong gulo ang isipan niya.
Tinikis niya ang kanyang sarili. Kahit nasasaktan siya sa pag-iwan niya sa binata ay tiniis niya iyon para lang maisakatuparan ang kagustuhan niyang makapaghiganti pero, sa maling tao. Nabulag siya sa galit at puot.
Wala siyang ibang inisip kundi mabigyan justice ang nangyari sa kanya.
Paano ba niya haharapin ang binata? Ngayong inocente ito sa kanyang paratang. Paano niya sasabihin rito nag hihiganti lang siya dahil isa siyang biktima? ” Sino ba ang biktima ang taong naghihiganti oh ang taong napaghihigantihan?” Nasapo niya ang kanyang mukha na walang tigil sa kakahagolhol.
MAAGA siyang nagising kinabukasan, halos hindi na niya mahintay sumikat ang araw.
” Ineng, ang aga mo ata?’ bungad sa kanya ni Aling Belin ng puntahan niya ito sa bahay.
” Aling Belin, luluwas po ako sa Manila”
rumihestro sa mukha nito ang pagtataka ” May nangyari ba sa Manila?”
” Wala po aling Belin, gusto ko nalang po ang umuwi na miss ko kasi si tita” pagdahilan niya
” Maaga pa. Ano bang oras ng flight mo?”
” Alas nueve po” Pag sisinunggaling niya ang totoo wala pa siyang ticket.
Tinungo niya ang airport matapos makapag paalam kay aling Belin at maibigay rito ang susi ng bahay.
Magdamag niya itong pinag-isipan uuwi siya ng Maynila upang harapin ang binata at hihingi rito ng tawad. Dahil katulad niya ay naging biktima lang din ito ng kanyang galit
Itatama niya ang lahat. Napag isip-isip niya na ang isang pagkakamali ay hindi pweding gantihan ng isa pang pagkakamali. Kaya desidido na siyang ituwid ang lahat.
Ilang oras din ang hinintay niya bago tuluyan makapasok sa loob ng eroplano. Palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib sa...