Reasons
Heaven POV
Nandito ako ngayon sa hardin ng aming palasyo. Pinilit kong ilayo ang aking sarili sa babaeng aking iniibig. Sapagkat, mapapahamak siya kapag sinusuway ko kautusan ng Hari.
Oo, ama ko siya ngunit hindi ko mapilit ang aking gusto.
“Mahal ko, sanay huwag kang magtanim ng puot diyan sa puso mo. Gagawain ko ito para sa iyong kaligtasan. Masakit rin sa akin ang layuan ka at nagkunwaring galit ako sa iyo, sapagkat mahal kita.” Kausap ko sa kawalan na nagbabasakali na kanyang marinig.
Kapangyarihan ko’y kinuha ni Amang hari para hindi ko magamit. Sila ay tutol sa sa pagibig ko sa ka Athena. Hindi siya nabibilang sa amin at anomang ay oras ay baka mawala siya.
Sa gitna ng aking pag-iisip ay umihip ang malakas na hangin at pumalibot libot sa akin,ramdam ko ang presensya ng isang nilalang ngunit hindi ko mabatid kung sino ito.
“Ahahay Huwag mong pahirapan ang iyong sarili, prinsipe. Kayo ay talagang itinadhana para sa isat-isa. Ehehey.” Sabi ng matandang babae na hindi ko naman kilala.
“Paano niyo sa sabi na kami nga ay itinadhana? Kung itinadhana kami, bakit naging ganito ito ngayon?” naguguluhan kong tanong sa matanda.
“Ahehey, hindi mo nga maintindihan ang pag ibig, Hevean. Ang pag-ibig ay hindi madali para sa dalawang nilalang na itinadhana ngunit mag kaiba ang mundo na kinabibilangan. Magpakatatag ka, nasa iyo nakasalalay ang ang inyong magiging bukas. Ikaw ang natatanging buhay ng iyong iniibig, ahehey. Kapag ikaw ay nawala at napaalis sa mundong ito na walang...