‘Clarissa ikaw na ang susunod..’ pabulong na sabi ng matangkad na bakla sa akin. Tila nagsilbi itong isang hudyat sa paparating na panganib na nakatakda kong harapin ng mga sandaling iyon.
Nag uunahan ang pagkabog ng aking dibdib nang oras na hinawakan ng binabaeng giya ang aking maliit na braso patungo sa isang madilim na silid at walang sabi sabing itinulak ako papasok at mabilis na ipininid ang pintuang nara sa harapan ko.
Maliban sa labis na nerbyos , isang malamyos na malamig na hangin na nagmumula sa airconditioner ang syang nagpanginig bigla ng aking kalamnan, at gawa na rin ng kakapiranggot na telang nakatakip sa aking katawan kung kayat tagos hanggang buto ang naging dulot nitong lamig sa akin.
Kusa tuloy akong napayakap ng aking sarili.
Dyusko.. bigyan nyu po ako mg lakas ng loob para malagpasan ito..
Paulit ulit kong dinadasal habang patuloy na lumilipas ang sandali sa madilim na bahaging iyon ng silid.
Maya maya pay dumating na nga oras na pinangangambahan ko.
Mga boses ng mga lalaki ang naringgan kong lumapit sa kabilang panig ng pinto.
Sadyang...