From The Past
Chapter 1
Angel’s P.O.V
Araw-araw talaga akong excited pumasok.
Sino ba naman di gaganahan pumasok kung nandoon sa eskwelahan ang inspirasyon mo.
Malapit na ako sa Gate ng matanaw kong papasok na rin si Sir Lexus.
Hulaan n’yo kung sino sya,
Siya lang naman yung love ko..
Hahabulin ko sana ng bigla nalang akong natisod.
Nasaktan ako pero ngumiti pa rin ako.ang dami kayang naka tingin tapos yung iba pinagtatawanan ako.
Ang saya nila. Madapa sana sila mamaya!
Napa ngiti naman ako ng huminto ito at kinausap yung guard ng school namin. Kaya naman nagka chance ako para lapitan s’ya.
“Good morning Sir”-masayang pagbati ko dito. Sabay flip hair ko.
Tumango ito at ngumiti. Ngiti na nakaka lusaw ng buong katawan.
“Good morning din miss,Vera.”-tugon n’ya.
Halos mapunit naman ang aking labi dahil sa pagkaka ngiti.
Gusto ko s’yang makasabay na maglakad kaya hihintayin ko s’ya. Dahan-dahan akong naglalakad.para maabutan niya ako.
At hayan na nga..nasa likuran ko na siya. Para tuloy ang hirap humakbang.
What if huminto ako?
Tapos mabunggo siya sa akin..wow! Exciting! Pero bad!
“Miss,Vera..”-pagtawag n’ya sa akin kaya agad akong napa hinto.
At lumingon sakaniya,
“Y-yes Sir?”
“May surprise ako mamaya sa inyo..at iaannounce ko na rin kung sino...