Gayuma


Gayuma”
✍️: Portia
Ang kuya ko maliban sa pagiging gwapo ay mabait din, matulungin, at maalaga. Swerte ng GF ni kuya pero swerte din naman siya Kay ate Crissie, napaka talino,maganda, at talentado, mahal na mahal siya nang kuya ko, 5 years na nga Sila eh, gusto din namin siya para Kay kuya.
Kayanga nagulat kami, nang makipag hiwalayan si kuya kay are Crissie, may nakilala siyang babae, sa malayong Lugar Doon sa Samar, noong nag volunteer siya, madalas siya doo’ng pumunta, Hanggang siguro ay nagkamabutihan sila nang babae, pero di ko kilala si kuya na ganoon, loyal ang kuya ko, ang pag kakakilala ko sakanya, para siyang baliw na baliw sa babaeng yun.
Gusto pa ngang lumipat sa Samar para magkasama na raw sila, matanda na ang kuya kaya wala namang magawa sila papa sa desisyon niya.
Sumama kami sakanya sa Samar, ew sunod na balik niya, para nakilala namin ang babae at ang pamilya nito, kaya lang habang nasa daan kami ay nasiraan ang sasakyan, kaya medyo late kami sa usapan na dalaw doon.
Tawag nang tawag ang babae, nagmamadali, kailangan na raw namin makarating doon, ewan ko ba kung bakit excited Naman...


siya masyado.
Nakatulog kami sa byahe, nagising kami sakto pag dating sa labas ng bahay ng babae, tulala ang kuya,nagtataka.
“Bakit andto tayo?”tanong niya.
“Anak, ok kalang?hinatid ka namin dto sa Samar kasu gusto mong makasama yung babaeng nakilala ko dto sumama kamu para Naman makilala sila.” Sagot ni mama.
“Ha? Anong sinasabi nyo, bakit ko naman sasabjhin yun eh nasa Manila si Crissie” gulat niyang sagot.
“Ano bang nangyayari Troy, parang kailan lang baliw na baliw ka diyan, tapos ngayun umaatras kana, natatakot kaba?mag sabi ka lang para makausap natin sila nang maayus” sabay ng tatay ko.
Hindi pa kami nakakababa ay umandar ang sasakyan namin nang papalapit na Ang bagong GF ni kuya.
“Kuya, bakit tayo umalis?”tanong namin sa driver.
“Sir, may mga binibigay ba na ibang pagkain o inumin sa inyo ang babaeng yun tuwing dumadalaw kayo?”
“Opo, normal lang naman dahil volunteer po ako nag hahanda sila nang pagkain namin, bakit nyo po natanong?”
“Nagayuma kayo sir, kaya nagmamadali Yan kahapon dahil pawala na Ang bisa, wag nyo nang balakin bumalik doon at baka lahat kayo di na makabalik sa Maynila” pag babanta ni kuyang driver.
[Plagiarism is a crime]
[Work of fiction]
[Typos ahead]






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top