HE CHEATED ON ME


✍️Coffea Rei
Hi I’m Kiera Rowan 18 years old at isa ring 1st year college student.
May dalawa akong kapatid, isang 8 years old at isang 20 years old. Yung 8 years old ay lalaki at yung 20 years old ay babae.
Pangalawa lang ako sa aming tatlo. Lumaki kame sa mayamang pamilya, may sarili kameng hotel, school, restaurant, company at mansion ofcourse.
I have a boyfriend din pala. Siya naman si, Vandryk Hudson 20 years old.
“ATE!!” nabalik ako sa realidad ng sumigaw si, Caden. Siya ang bunso kong kapatid.
“ANDYAN NA!” Sigaw ko rin pabalik at dali-dali akong umakyat sa kwarto niya.
Nagulat ako sa naabutan ko. Yung yaya niya ay ang dumi na dahil sa mga chocolate.
Arghhh bat ba ang pasaway niya?
“Lady Kiera, pasensya napo, tinapon niya kase yung mga chocolate.” sabi ni, Yaya.
“Ahh sige, yaya bumalik kana po muna sa maids room para naman you know makapag palit ka.” sabi ko.
“Sige ho, lady Kiera.” sabi ni, Yaya at dali-daling lumabas.
Tinignan ko naman ng galit ang magaling kong kapatid. “Argh, Caden 8 years old kana pero argh kainis kana huh.” inis kong asik sa kanya kaya napanguso siya.
Inis kong dinampot ang mga laruan niya na nagkalat rin.
“Si, yaya kase eh ayaw makipag play sa akin.” ngusong sabi nito kaya tinignan ko siya at tinarayan.
“Whatever. Hayts, Caden hindi mopa nga ata tapos yung homework mo eh.” sabi ko.
“Tapos na” ngusong sagot nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Tapos? eh sinong gumawa huh?” Tanong ko.
“Hehehe syempre si, yaya.” sagot nito kaya napa face palm nalang ako.
“Pumasok kana ng bathroom at ayusin mo yang sarili mo.” sabi ko kaya bumaba siya ng kama niya.
“Hihi sige pero dapat gala tayo.” ngiting aso nitong sabi.
“Fine, pero magpalit karin ng suot mo dahil argh whatever basta magpalit ka.” mataray kong sabi.
“Hmo, oo na.” masungit nitong sabi at dali-daling pumasok sa bathroom.
Kung diko lang talaga kapatid yun baka nahambalos kona siya, jusko sobrang kulit.
__________________
“Ate, bili tayo ng ice cream.” masayang sabi ng kapatid ko habang tinuturo yung mamang nagtit1nda ng ice cream.
“Bawal ka niyan.” sabi ko.
“Eh, Ate sige na please last nayan hihi.” sabi nito with matching puppy eyes pa.
“Fine, isa lang huh kase alam mo naman na hindi ka pwede niyan dahil ang bilis mong ubuhin.” sabi ko.
“Opo, hihihi.” masayang sagot nito kaya ngumiti ako at lumakad kame papunta sa nagtitinda ng ice cream.
Pagpunta namin ay kaagad akong bumili. “Yung nasa cup po.” sabi ko sa tindero.
“Bente pesos ija.” sabi nito kaya nagbayad ako ng 100. Yan lang ang mababa kong cash eh.
“Keep the change ho, manong.” sabi ko at kinuha kona yung ice cream na nasa cup at binigay kona kay, Caden.
“Salamat ija.” ngiting sabi ni, Manong kaya tumango ako at ngumiti rin.
/*Kringg…Kring…kring..
“Caden, wait lang.” sabi ko kaya tumango siya at kinuha ko naman ang phone ko.
Nakita kong si, Kuya Ben ang natawag. Driver namin.
“Kuya Ben?” panimula ko.
[Lady Kiera, kailangan na ho nating umuwe dahil susunduin kopa ho ang Mommy niyo.]
“Why? may kotse naman na dala si, Mom?”
[Nasiraan daw ho siya, Lady Kiera at kaunti lang din daw ho ang nadaan na taxi doon.]
“Edi sana nagpatawag nalang ng mag-aayos, hayts.”
[Hindi raw ho dumating yung tinawagan niya.]
“Fine, papunta na kame ni, Caden dyan.”
Inend kona ang call at tsaka tumingin kay, Caden na nakatingin rin pala sa akin.
“We need to go home na.” sabi ko.
“Why?” malungkot nitong tanong.
“Sa car ko nalang sasabihin, let’s go.” sabi ko at hinawakan ko siya sa pulsuhan at lumakad na kame.
_________________
HABANG nasa byahe kame ay sumandal muna ako sa bintana.
“Kuya Ben, dipa ba aandar?” bored kong tanong dahil 20 minutes na ata kameng traffic dito.
“Malapit naho ata, Lady Kiera. Mukhang nagkahulihan lang sa unahan.” sagot ni, Kuya Ben.
Tinuon ko nalang sa labas ang tingin lalo na’t tulog din naman si, Caden.
Habang nakatingin ako sa labas ay may napansin ako sa isang shop na dalawang ribulto na medyo nakikilala ko.
“Vandryk? Ate?” mahinang tanong ko sa sarili ko at akmang bubuksan kona sana ang pinto ng umandar na si, Kuya Ben kaya dali-dali kong binuksan ang bintana.
Medyo nakalayo na kame kaya diko na gaanong hagip yung nakita ko.
__________________
PAG-UWE sa mansion ay dumeretsyo kaagad ako sa kusina habang si, Caden naman ay pinadala ko sa kwarto niya para doon mas makatulog siya.
Binigyan ako ng isang maid ng juice at sandwich kaya nagpasalamat ako.
Iniisip kopa rin yung kanina.
“Imposible” mahinang sabi ko sa sarili ko.
“I’M HOME!” napatingin ako sa sumigaw nayun.
Si, Ate at
Vandryk?
Napatayo ako at pumunta sa gawi nila. “What are you doing here, Vandryk?” Takang tanong ko dahil wala kameng usapan na magkikita kame.
“A-Amm, B-Babe hinatid ko lang yung, Ate mo kase na-nagkasalubong kame sa daan.” may pagkautal nitong sagot kaya siningkitan ko siya ng mata at tumingin rin ako kay, Ate.
“Nagsalubong sa daan?” paninigurado ko.
“Yeah, lilsis.” ngiting sagot ni, Ate kaya palihim akong napairap. Dinampot ko yung bag ko na nakapatong s table at kumapit ako sa braso ni, Vandryk.
“Doon muna ako sa condo mo matutulog,” ngiting sabi ko at pansin ko ang tinginan nila, Ate at Vandryk. “any problem?” ngising tanong kopa.
“No-Nothing, amm let’s go.” sabi ni, Vandryk kaya ngumiti ako at sabay na kameng lumabas.
__________________
HABANG nasa byahe kame ay nag cellphone muna ako.
Bigla kong nabitawan yung cellphone ko kaya dinampot ko iyon pero may iba pa akong nadampot na kung ano.
Pagtingin ko sa kamay ko ay nakita ko ang isang lipstick. “Kanino toh? sino pang ibang babae ang nasakay sa kotse mo?” takang tanong ko kay, Vandryk.
Napatingin siya sa hawak ko at bakas ang gulat sa mga mata niya pero bigla rin iyong nawala. “Baka sa, Ate mo yan kase diba kanina hinatid ko siya. Baka nahulog niya lang.” sagot ni, Vandryk.
“Mukha nga eh.” may pagka sakrista kong sagot.
_________________
ANDITO na kame sa condo niya. Nakapag halfbath narin kame, wait hindi kame sabay huh haha.
“Babe, sino ang mas maganda. Ako o si, Ate?” Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
“Of-Ofcourse ikaw.” ngiting sagot nito at nag cellphone ulit.
“Sinong mas magaling kumanta? siya o ako?” Tanong ko ulit pero di niya ako tinignan.
“Ikaw, Babe.” sagot nito kaya napatango ako.
“Eh sino ang mas magaling?” seryosong tanong ko na bigla niyang ikinatingin sa akin.
“Ma-Magaling?” Tanong nito.
“Oo, magaling.” sagot ko.
“Amm si–I mean Ikaw oo ikaw.” napairap ako sa sagot nito.
“Tsk, what I mean is sinong mas magaling mag luto. You’re answer is ‘me’ funny, hindi nga ako nagluluto remember.” mataray kong sambit.
“Babe, binuo mo dapat yung tanong mo.” sagot nito.
“Eh mukhang ang isasagot mo nga dapat ay ‘siya’ diba? tsk so means natikman mona ang luto ni, Ate? kelan? saan?” sunod-sunod kong tanong.
“Babe, pag-aawayan ba talaga natin yan huh? tsk kung inayos mo rin sana yung tanong mo.” masungit nitong turan at inis ma humiga patagilid.
Napairap nalang ako.
May gusto lang naman akong malaman tsk.
KINABUKASAN…
“Good morning, Babe” ngiting bati ko at humalik ako sa pisnge niya.
“Morning. Nagluto ka?” kunot nitong tanong.
“Yeah, amm nanood ako sa youtube. Kase para naman kahit papano may alam nako sa pagluluto, tsaka in the future gusto ko ako na yung magluluto para sayo at sa magiging anak natin.” ngiting sagot ko.
“Hmm okay, that’s good.” ngiting sagot nito.
“Sige na maupo kana at ako na ang magsasandok sayo.” ngiting sabi ko kaya umupo na siya.
__________________
“Wala kabang pasok ngayon?” Tanong sa akin ni, Vandryk habang andito kame sa kotse niya.
“Wala, dahil may gaganaping event sa university namin kaya busy ang lahat dun.” sagot ko.
“Dika kasama?” Tanong nito kaya umiling ako.
“Nakagawa na kame nung nakaraang araw, kaya hindi na kame kasama dun.” sagot ko.
Kring…Kring…Kring
Si, Caden natawag.
Problema ng batang toh hayts.
“Hello, Caden”
[Ate, punta tayo mall hihi]
“Pauwe na ako.”
[Please, magpapahatid ako kay, Kuya Ben huh tapos sa mall na tayo mag kita.]
“Fine”
[Hihi sige ba-bye I love you, Ate.”
“May kapalit yan mamaya panigurado, sige na bye love you too.”
Napailing nalang ako sa kakulitan ni, Caden. Kalalaking tao, sobrang kulit.
Pero masaya rin naman ako kahit ganon siya kase naeenjoy niya rin ang pagka bata niya.
“Amm, Babe sa mall mo ako ideretsyo kase doon kame magkikita ni, Caden.” sabi ko kay, Vandryk.
“Sige, babe.” sambit nito at niliko ang kotse.
__________________
“We’re here, babe” ngiting sabi ng boyfriend ko kaya humalik ako sa...


pisnge niya.
“Sige, bye ingat sa pagda-drive.” ngiting sabi ko at bumaba na ako sa kotse niya.
Kaagad akong pumasok sa loob ng mall.
“ATE!” nilingon ko ang sumigaw nayun. I saw, Caden with his yaya.
“Si, Kuya Ben?” Tanong ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.
“Nasa parking lot po, Ate.” sagot ni, Caden.
“Hmm okay. Amm yaya, pakiantay nalang ho kame sa kotse.” ngiting sabi ko.
“Sige po, Lady Kiera.” ngiting sabi ng yaya ni, Caden tsaka ito lumakad paalis.
Tinignan ko naman si, Caden. “Saan ba unang gusto mong puntahan?” tanong ko kay, Caden.
“Hmmm….sa arcade” masayang sagot nito kaya tumango ako.
“Okay, let’s go” ngiting sabi ko kaya lumakad na kame papunta sa arcade.
________________
After naming mag arcade ay kumain muna kame sa mcdo.
Habang nakain kame ay biglang nagsalita itong si, Caden. “Ate Kiera, diba sila, Ate Leigh at Kuya Vandryk yun?” Tanong nito kaya tinignan ko kung saan siya nakatingin.
Tinignan kong mabuti kung tama ba siya o baka namamalikmata lang rin pero hindi.
Sila, Ate at Vandryk nga.
Magkasama ulit sila.
Akmang tatayo na sana ako ng magsalita si, Caden kaya napatingin ako sa kanya. “I want chicken pa, ate” sambit nito pero tinignan ko ulit yung pwesto kanina nila, Ate at Vandryk pero wala na sila doon.
_________________
ANDITO kame ngayon sa parking lot.
“Caden, akala koba andito si, Kuya Ben sa parking lot huh?” tanong ko sa magaling kong kapatid.
“Ehh dito lang siya nagpark kanina eh.” sagot nito kaya napairap ako at kinuha ko nalang ang cellphone ko.
//ON PHONE//
“Kuya Ben, where are you? pati si, yaya wala dito?” masungit kong tanong.
[Lady Kiera, pasensya napo may binili lang po kame. Babalik narin po kame kaagad, pasensya napo talaga.]
“Fine, pakibilisan po”
//CALL ENDED//
“Matatagalan ba sila, Ate?” Tanong sa akin ni, Caden.
“I don’t know” sagot ko
LUMIPAS ang 10 minutes na pag-aantay ay wala parin sila, Kuya Ben.
Nilibot ko nalang ang tingin ko sa buong parking lot. Biglang nahagip ng mata ko ang dalawang tao na kanina kopa nakita.
Sila, Ate at Vandryk.
Magka holding hands pa!
Pinagbuksan ni, Vandryk si, Ate ng pinto ng kotse.
Tsk! Humanda kayo saken.
“Ate, andyan na sila.” nabalik ako sa realidad ng sabihin yun ni, Caden.
Kaagad na tumakbo si, Caden at sumakay sa kotse. Inis naman akong sumakay sa kotse.
KINABUKSAN
Andito si, Ate sa garden at pangiti-ngiti pa ito. Tsk!
“Ate” bakas ang gulat nito pero agad ding ngumiti ng pilit sa akin.
“Kiera, why?” Tanong nito.
“Nasaan ka kahapon?” seryosong tanong ko tsaka ako naupo sa upuan.
“Amm nasa university.” sagot nito at dalawang beses pang napalunok.
“Talaga? so means may KAMBAL ka na NAKTA namin ni, Caden sa mall huh?” may diin kong tanong at tsaka ako tumayo. “Uulitin ko ang tanong ko, ATE. NASAAN ka kahapon?” tanong ko ulit.
“Kiera, na-nasa un-university ako kahapon. Na-Nag bar rin kame ng mga t-tropa ko after naming tu-tumulong sa gaganaping event.” napaka sinungaling tsk.
“Oww okay, satisfied na ako sa sagot mo.” pekeng ngiting sabi ko at tsaka ako lumakad.
_________________
Andito lang ako nakaupo sa sofa. Hapon narin at ang magaling kong, Ate ay lumabas ulit. Diko alam kung saan ang punta nun.
Naalala ko bigla yung sinabi niya kanina. Napatingin ako sa cellphone ko at kaagad kong dinampot yun tsaka ko tinawagan ang kaibigan niyang si, Ate Ella.
//ON PHONE//
[Hi, Kiera napatawag ka?] panimula nito.
“Ate, Ella may itatanong lang sana ako sayo.”
[Sige, ano ba yun?]
“Kasama niyo ba ng mga kaibigan mo si, Ate kahapon? nag bar ho ba kayo?”
[Huh? kasama? bar? teka, Kiera hindi ahh. Actually maghapon namin siyang hinanap pero wala siya. Nihindi nga siya sumipot sa university eh.]
“Ganon ho ba? sige, Ate Ella salamat.”
[Sige bye]
//CALL ENDED//
Inis akong tumayo pero biglang nagsalita si, Caden. “Aalis ka, ate?” Tanong nito.
“Yeah, may ahas lang akong susugurin.” sagot ko.
“Hala, Ate talo ka sa ahas. Baka tuklawin ka.” panakot nito sa akin.
“Tsk. May tinuklaw na nga siya eh.” inis kong sambit at inis kong dinampot ang shoulder bag ko tsaka ako inis na lumabas.
Paglabas ko ay nakita ko ang dalawa naming driver. Sila, Kuya Dan at Kuya Ben.
“Kuya Dan, amina ho ang susi ng kotse ko.” masungit kong sabi.
Grounded kase ako ng 1week kaya na kay, Kuya Dan ang susi ng kotse ko. Kotse lang naman ang inalis sa akin.
“Lady Kiera, wala pa hong isang linggo, baka ho mapagalitan ako ng mommy mo.” sabi nito.
“Give me my key” may diin kong sabi.
Nilabas niya ang susi ng kotse ko sa bulsa ng pantalon niya kaya inis kong kinuha kaagad yun. “Tsk, don’t worry dika masesesante, Kuya Dan.” sabi ko at kaagad akong sumakay sa kotse ko.
_________________
Pagkarating ko sa parking lot ng condominium na tinitirhan ni, Vandryk ay kaagad akong nag park at bumaba.
Pumasok ako sa loob at kaagad akong sumakay sa elevator.
Pagkarating ko sa 7th floor ng condominium ay kaagad kong nilakad ang unit ni, Vandryk.
_________________
Pagkarating ko ay nakita ko ang isang staff na may dalang pagkain kaya bago pa ito makapag doorbell ay inunahan kona siya kaagad.
Gumilid lang ako para di ako mahagip sa butas.
Pagbukas ng pinto ay kaagad kong dinampot ang pagkain at binuhos ko kaagad sa mukha ni, Ate Leigh.
Nagulat ang staff sa ginawa ko at ganon rin si, Ate. Kaagad na umalis ang staff ng samaan ko siya ng tingin.
“What’s happening he—Kiera?” bakas ang gulat sa mukha ni, Vandryk.
Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa.
Naka shorts lang si, Vandryk at wala itong damit pang itaas. Habang si, Ate naman ay balot lang ng towel sa katawan.
“Nagulo koba kayo?” malamig kong tanong.
“Kiera, magpapaliwanag—/*pak” Galit kong sinampal si, Vandryk.
“PALIWANAG HUH? T4NG1N4 G1NAGO NIYO KO!!” Sigaw ko.
“Kiera, please huwag kang mag skandalo dito.” pakiusap ng haliparot kong, Ate.
“A-Ako pa ngayon huh? AKO PA?!! Eh kayo itong may ginagawang milagro dito eh.” Galit kong sambit.
“Kiera, wala kameng ginagawa ng, Ate mo please maniwala ka.” natawa ako ng mapakla sa sinabi ni, Vandryk.
“Kitang-kita kona, Vandryk. Tignan niyo nga yung…..yu-yung *sob* mga itsura n-niyo? *sniff* ha-halos hubaran na kayo.” umiiyak kong sabi at kaagad akong tumakbo paalis.
________________
AFTER 1 month naging okay kame ni, Vandryk. Inayos namin ang relasyon na meron kame.
Hindi narin muna umuwe si, Ate sa mansion at nanatili muna siya sa bahay ng kaibigan niya.
Ngayon ay pupunta ako sa condo ni, Vandryk para isurprise siya dahil 1st anniversary na namin.
NANG makarating ako sa condo unit niya ay kaagad kong tinapat ang card na hawak ko kaya bumukas ang pinto.
Pumasok ako at hinanap ko kaagad si, Vandryk.
“Babe?” Nilapag ko muna yung hawak kong cake sa mesa at kaagad akong nagtungo sa kwarto niya.
Kinakabahan na ewan, diko maintindihan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pagbukas ko ay….
“MGA HAYOP KAYO!!” Galit kong sigaw at diko kaagad napigilan na hindi maiyak.
Kaagad kong hinila ang buhok ni, Ate.
“Kiera, KIERA TAMA NA!” Sigaw sa akin ni, Vandryk at hinala niya si, Ate papunta sa kanya. Kinuha niya ang kumot at binalot niya ang katawan ni, Ate dun.
“*sob* ba-bakit niyo ba *sniff* ako niloloko h-huh? *sob* boyfriend kita, Vandryk at kapatid kita, Ate Leigh pe-pero bakit *sob* niyo ginagawa toh huhuhu?” umiiyak kong tanong sa kanilang dalawa.
Napayulo nalang si, Ate habang umiiyam. “I-I’m so sorry, Kiera huhu” umiiyak na sabi ni, Ate.
“Sorry? haha nagpapatawa kaba huh? *sob* pangalawang b-beses nato, Ate. DALAWANG BESES NIYO NA AKONG G1NAGO!” Galit kong sigaw habang umiiyak.
“I’m sorry” umiiyak na sabi ni, Ate at akmang hahawakan ako nito ang iiwas ko ang kamay ko.
“Ahas ka.” malamig kong sabi.
“Kiera, tama na. Umalis kana lang.” umiiyak kong tinignan si, Vandryk.
“Umalis? a-ako ang aalis huh? *sniff* T4ng1na, Vandryk ako *sob* y-yung niloko niyo pareha. A-Ako yung gi-girlfriend mo *sob* ta-tapos ako ang aalis huh?” umiiyak kong patanong. Hahawakan rin sana ako nito ng umiwas ao. “wa-wala akong *sob* ginawa sa inyo, pe-pero niloko *sniff* niyo lang ako *sob*. Ikaw /*tumingin ako kay, Ate*/ ate kita diba? ka-kapatid kita *sob* pero bakit i-ikaw mismo na kadugo ko ang l-loloko sa akin huhuhu? Ikaw, Vadryk pinagbigyan kita. Binigyan kita *sob* n-ng second chance ka-kase akala ko magbabago ka, pero hindi eh. Niloko mo *hik* lang ako.” umiiyak kong dagdag at umiiyak akong lumabas ng unit ni, Vandryk.
Sobrang sakit!
Sarili kong kadugo, dalawang beses akong niloko!
Niloko lang nila akong dalawa.
——END—–
-OneShotStory
-Work of Fiction
-Plagiarism is a crime
-Open for criticism(s)
-Do not repost without my permission
Wattpad acc: Bloody_rei






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top