(WRONG TYPE) PART 1


(WRONG TYPE) PART 1
“Ayaw mo na sa akin? Pero diba ikakasal na tayo, Ced? Bakit ang bilis para sayo na hiwalayan ako?” naiiyak na turan ko sa harapan ng nobyo ko na dapat ay fiance ko.
Nagpropose na siya sa akin last week, kaya hindi ko inaasahan na makikipagbreak siya sa akin sa araw na ‘to.
“I’m sorry, Airyn. I just need to do this.” usal ng binata.
“Pero gusto kong malaman ang dahilan. Ayokong i-give up ka dahil mahal kita. Mahal na mahal.” mahinang saad ko.
“May nangyari sa amin ng pinsan mo. Si Klarisa. Kaya habang maaga pa, kailangan na kitang bitawan. Pasensya na.” huling wika nito at tinalikuran ako.
Para akong tinusok ng karayom sa dibdib dahil sa mga nalaman ko.
May nangyari sa kanilang dalawa ng pinsan ko? Pero bakit? Bakit nila nagawa ‘yon?
My fiance cheated on me. At sa mismong ka-pamilya ko pa.
Hindi ko tuloy alam kung paano ako magsisimula na wala si Ced.
Halos ang dami naming pinagsamahan. At siya yung lalaki na naging mundo ko for almost four years. And it’s really hard for me to start again without him.
“Airyn? Anong nangyari sayo?” tanong ng ka-trabaho ko.
Pinili kong pumasok pa rin dahil gusto kong makalimutan si Ced. Kaso nga lang, nahalata nila ang pamumula ng mata ko.
Yes, I cried.
Gano’n talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao.
“W-wala. Napuwing lang ako.” tanging sagot ko.
“Napuwing ka? Weh? Yung totoo?” pangungulit ni Grace.
Bigla tuloy akong napaluha dahil hindi ko pa rin talaga kaya na maging matapang.
“Iniwan niya na ako. H-hindi na matutuloy ang kasal namin.” wika ko sa kanya.
Marahan niya naman na hinaplos ang likuran ko para patahanin ako.
“I know that feeling, Airyn. Pero alam kong makakaya mo ‘yan. Ikaw pa, malakas kang babae.” pahayag nito para palakasin ang loob ko.
“Oo, malakas ako. At makaka-move on din ako.” tugon ko sa dalaga.
Niyakap niya ako ng mahigpit para iparamdam sa akin na may karamay ako.
“I’m always here for you, bessy.” malambing na sambit niya.
“TAMA NA ANG DRAMAHAN! We have a meeting today! Pumasok na lang kayo sa office ko.” sigaw ni Sir sa amin.
Masyado siyang strikto at seryoso sa buhay kaya hindi kami nagkakaroon ng bonding dito sa opisina.
“Kilos agad! Dahil mahalaga ang oras ko!” pahabol niyang sabi.
“Sanaol mahalaga. Ako kasi hindi na.” wika ko naman.
Hindi ko lubos maisip na maririnig niya ‘yon.
“Seriously? Nagagawa mong isingit ang bagay na ‘yan? Tsk.” inis na turan ni Sir Martin.
Palibhasa, may edad na kaya KJ masyado.
Walang puso!
By the way, I’m Airyn. 24 years of age.
Maganda, sexy pero nagawa pa ring lokohin.
Habang si Sir naman, he’s already 33. Kaya gano’n ang ugali niya. Ubod ng sungit! Punyeta!
Kapag...


sinabi niya, dapat kumilos agad at huwag ng magpabebe pa.
Kagaya ngayon, nandito agad kami sa office niya dahil may meeting na gaganapin. And that meeting is all about the title of proposal.
Gusto kong makinig, pero yung isip ko lumilipad sa malayo.
I can’t concentrate right now na tila ba yung ex ko pa rin ang laman ng utak ko.
Kaya buong maghapon, lutang ako at hindi ko din alam ang pinag-usapan sa loob.
“Grabe noh? Ang ganda nung title ng proposal. Sana mangyari na ‘yon.” nakangiting sabi ni Grace nung lumabas kami.
“Anong title ba ang sinabi ni Sir?” pagtatanong ko.
“Hala? Hindi ka nakikinig?” balik na bigkas niya.
Mabilis naman ako na umiling bilang sagot.
“Yawa! May kanya-kanya siyang binigay na proposal sa atin.” usal nito na animo’y kinabahan.
“Iba-iba? So ibig sabihin, hindi mo narinig yung sa akin?” I asked again.
“Sorry Airyn. Pero yung proposal ko lang ang tanging alam ko eh.” malungkot na wika niya.
“Sige, ayos lang. Kasalanan ko naman. Masyado akong lutang kanina.” I said.
“Pero mas mabuti kung kausapin mo si Sir habang nasa loob pa siya.” suhestyon ng kaibigan ko.
“Ayoko nga. Ba’t ko naman kakausapin ang dragon na ‘yon? Baka mamaya alisin pa ako sa trabaho at sabihin na ‘you’re not paying attention’.” saad ko at ginaya pa ang boses ni Sir Martin.
“Kung ayaw mo siyang kausapin, paano mo malalaman ang title proposal mo?” sambit ni Grace.
Oo nga noh? Paano nga ba?
Kasi yung mga katrabaho ko dito, matataray kaya hindi ko pa sila gaanong close.
“S-siguro chat ko na lang siya. Total, friend ko naman siya sa facebook eh.” tanging sabi ko.
Bahala na. Ito lang ang naisip kong paraan.
“Okay. Goodluck.” wika nito.
Oh God, help me please.
Nawa’y hindi siya sapian ng masamang espirito.
Pagka-uwi ko ng bahay, agad kong sinabi kila mama na wala na kami ni Ced.
Ayoko kasing umasa sila na may karelasyon pa ako dahil baka maghintay din sila sa kasal.
And yes, disappointed sila sa lalaki. Pero mas mabuti daw na nalaman ko ang tunay na ugali ni Ced bago pa mahuli ang lahat.
So here, I am in my room. Hawak-hawak ko ang phone ko at nagdadalawang-isip kung itutuloy ko ba ang pagchat kay Sir Martin.
Pero naisip ko na para din naman sa trabaho ang gagawin ko.
“Batman, ikaw na lang bahala.” mahinang turan ko.
Kahit nanginginig man ang aking daliri, tinuloy ko ang pagtype sa cellphone.
“Sir patingin nung tite mo po.” send ko rito.
“Yung sa proposal po sir.”
Total nasa kanya lahat ng list ng title kaya baka makikita ko rin ang title ko do’n na binigay niya.
Kaso nagulat ako nung mabasa ko mismo ang chat ko.
“Hayop, bakit tite?” malutong na mura ko sa sarili.
©totherightfulauthor






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Your Name Angel Q. Victoriano

    Angel Q. Victoriano

  2. Your Name Angel Q. Victoriano

    gusto ko mapanood lahat ng episode na ito napakaganda gusto ko lahat ng episode ninyo masubaybayan ko.

Leave a Reply


top