HE IS A SNAKE.


HE IS A SNAKE.
written by: CHICHI
“Siya ‘yan! Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano mag transform ang boyfriend niya na maging ahas!” Napatigil ako sa paglalakad ng harangan ako ng mga lalaking may hawak-hawak na itak habang galit na tinuturo ang ahas na nasa leeg ko.
“A-Ano po ang pinagsasabi mo?” Takang tanong ko dito.
“Iyang ahas! Ang boyfriend mo ay isang ahas!” Galit na sagot nito.
“Shhhhhhhhhh,” sambit ng ahas na nasa leeg ko habang mahigpit na nakakapit sa leeg ko.
“Hindi ahas ang boyfriend ko!” Galit na sigaw ko dito.
“Sinungaling!” Sigaw nito sabay taas ng itak, matatamaan na sana ako ng itak na hawak nito nang may kamay na pumigil dito.
The snake on my neck turns into human. He’s Dyx, my boyfriend.
“Don’t you dare to hurt my girl!” Galit na sigaw nito sabay labas ng mahabang dila nito.
“T-Totoo nga! Isa siyang ahas!”
Yeah my boyfriend is a snake, kaya niyang magtransform into human. Akala ko normal lang na ahas ang inaalagaan ko, mahilig kasi ako mag-alaga ng mga ahas hanggang sa nagulat na lang ako na ang ahas na hinahawakan ko ay biglang nag transform into human. At siya nga ‘yon, si Dyx hanggang sa inaalagaan ko siya na parang isang normal lang. Normal lang naman sa una ang lahat hanggang sa nagiging clingy na...


siya at napa-ibig na sa’kin, hindi naman mahirap suklian ang pagmamahal niya kaya naman nagawa ko na din siyang mahalin kahit ganito siya.
“P-Pare tumakas na tayo!“ Tatakas na sana silang lahat ngunit huli na ang lahat, dahil hawak na sila ni Dyx at isa-isang kinagat sa leeg ang mga ‘to hanggang sa dumanak ang marami nilang dugo dito na naging dahilan para sila ay mabawian ng hininga.
Hindi ito ang una kong nasaksihan na gawin ni Dyx ‘to, marami na kasi ang nakakahuli sa kaniya sa tuwing nag tra-transform siya into snake kaya naman sa tuwing kinakalat ng ibang tao ang sikreto niyang iyon ay pinapatay niya ang mga ito para na din hindi masira ang aming relasyon.
“Ugh,” daing ng isang lalaki hanggang sa tuluyan na siyang mabawian ng hininga, maraming mga dugo ang nakakalat sa kapaligiran at katawan nilang namumutla na.
Kinindatan ako ni Dyx kaya naman napangiti ako, may bahid pa siya ng dugo sa gilid ng kaniyang bibig.
“Napaka pogi talaga niya.” Mahinang bulong ko.
“I can hear you baby haha,” sambit nito bago bumalik sa pagiging ahas.
Gumapang siya sa sahig, papunta sa legs ko, tyan ko— hanggang sa nakarating na siya sa leeg ko. Mahina niyang kinagat ang leeg ko na ikina-daing ko.
“Hmm.”
“Shhhhhhhh,” (I love you baby)
“I love you too my snake boyfriend.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top