“Please ‘wag mong sasabihin ‘to sa kaniya, okay?”
“Duly noted.” Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. “I’m hanging up now, bye.”
“Bye.”
Napangiti pa ako nang makitang tapos na ang ginawa kong cake. Talagang pinaghahandaan ko ng sobra ang araw na ‘to.
Ngayong araw at balak kong surpresahin ang boyfriend kong halos dalawang taon ko nang hindi nakikita. At nag-uumapaw talaga ang saya sa puso ko sa ‘twing naiisip na magkikita na ulit kaming dalawa.
Napaisip na naman tuloy ako sa mga ikinikilos niya nitong nagdaang mga araw. Madalang na siyang makipag-usap sa’kin pero palagi ay iniintindi ko naman siya dahil baka busy lang siya sa iba niyang gawain. O baka naman… busy na naman siyang maghanda para surpresahin ako.
Pinaalam ko naman na sa kapatid niya na bestfriend ko na ‘wag sasabihin sa kaniyang nandito na ako sa Pilipinas, pero hindi ko mapigilang mapangiti kapag naiisip na malalaman niya ‘yon saka siya maghahanda ng kung ano-ano na namang surpresa para sa’kin. Kinakailangan ko pang takpan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko dahil sa kilig na nararamdaman ko.
Hindi naman bago sa’kin na lagi siyang may surpresa pero parati nalang siyang nagtatagumpay na gulatin ako sa mga ipinapakita niya.
Mahilig si Marco na surpresahin ako kahit pa na minsan siya ang dapat na surpresahin. Palagi ay hindi siya nabibigong pasayahin ako.
At sa wakas, ngayong tapos na ang kontrata ko sa ibang bansa ay pinaghahandaan ko naman ngayon ang birthday niya dahil sa pagkakataong ito, ako naman ang susurpresa sa kaniya. Ang araw na ‘to ang magsisilbing pasasalamat ko sa kaniya dahil pinayagan niya akong malayo kahit pa hindi ‘yon gano’n kadali para sa aming dalawa.
Wait for me, love.
——
Abot-abot ang kabang nararamdaman ko habang tinitingala ang mataas na bahay nila Marco. Mag 9pm na akong nakarating sa bahay niya dahil ang balak ko sana, kaming dalawa lang ang magcecelebrate ngayon. Sinadya ko talagang magpagabi para sana makauwi na rin ang mga bisita niya bago pa ako dumating.
Hawak ang cake at bulaklak, pawisan ang kamay kong binuksan ang gate. Buti nalang at bukas ‘yon.
Huminga ako ng malalim saka taas noong lumakad papunta sa bahay niya. Pero halos lumaglag ang panga ko sa...