HELLOW ON THE OTHER SIDE | Bb. Manunulat
Romance
Part 2: VEDIO CALL
Jm’s POV
PAGKATAPOS kong maligo, kumain na ako ng agahan. While kumakain, hawak ko sa kaliwang kamay ang cellphone ko. 7:30 a.m na pala. Tiningnan ko kung online na ba si Hanna.
“Hanna,” nasambit ko na lamang sa sarili ko at napangiti.
10 hrs.na siyang offline. Mga 5 p.m ko pa siya makakausap. Haist, what’s on earth at makikipag usap na ako sa kung sino lang. Wait, I mean may something kasi sakanya na gusto kong ma discover.
Inistalk ko yung timeline n’ya. Dumeretso muna ako sa kanyang photos. Iisa lang picture niya pero mukhang bata bata pa siya dito. Oo, isa pa to sa nagustuhan ko sakanya. She’s not like others na mala open book sa social media.
Na mahilig mag se-selfie, mag-tiktok, at nag rarant sa timeline. Well, private life for me, matters. I see her ABOUT in fb. Birthdate niya, naka private. Yung work naman, location lang nakalagay. Dubai, yun ang nakalagay.
She’s working in the Middle East. Other than that, wala na. I go back to her timeline and that’s it! Hindi pa pala kami friend sa facebook. Kaya pala, puro stories nakalagay sa wall niya since yun lang naka public.
Tsk! Stalker pero nakalimutan ang pinaka basic gawin. Ang mag friend request. Napatawa nalang ako sa katangahan ko. So ayon nag friend request na ako.
Nang matapos akong kumain, dumeretso muna ako sa aking kwarto. Sunday so walang pasok sa work. Tinatamad akong maglalabas. Panigurado, naka abang na naman ang mga chika babes sa tindahan ni Aling Puring. Kairita pag nakikita ko sila.
Hindi naman nang aano pero, masyadong pahalata ang mga iyon. Panay pogi ang tawag nila pag napapadaan o napapabili ako kila Aling Puring. Boung magdamag nakikitambay sa tindahan na iyon ang mga babae, z4. Wala bang pinagagawang matino ang mga ‘yun sa bahay bahay nila?
Magbabasa na naman ako ng kwento mula sa mga isinulat ni Hanna ng biglang, “shit! Hell… Bat ngayon pa?”
Check off feeling ang peg.
Need ko magload. Wala na e, expired na daw pang net ko. Kinuha ko nalang ang aking cap. Malapit lang naman ang tindahan. Iisang bahay lang ang pagitan mula sa amin.
Papalabas pa lang ako sa bahay ay naririnig ko na ang malalakas na kwentuhan ng mga chika babes. Nang paparating ako ay medyo, hininaan ang kanilang boses at marahang nag hahagikhikan.
“Pa load nga po ng 50. Globe,” wika ko sa matanda.
Nang matapos na niyang ma send ang load, nag request pa ako sakanya.
“Aling Puring, patingin nga if na save sa cellphone ninyo,” sabi ko.
“Bakit iho?” tanong niya na wari’ y nagtataka.
“Para ho masigurado.” Pagsisinungaling ko.
Inabot naman ng matanda ang di keypad na cellphone. Agad ko rin denelete ang number ko doon. Para siguradong safe sa mga chika babes na ‘to. For sure, itatanong ng nila kay Aling Puring pagka alis ko.
Gwapong-gwapo sa sarili nuh?
Uuwi na sana ako ng may magsalita sa isa sa mga chika babes.
“Look! Who’s here?” sabi ng isa sa mga chikababes.
“Ugh, Si shrimp. Whoah, nag level up na siya. She’s no longer the shrimp na kilala natin.” manghang sabi pa ng isa.
“Yeah. Di na siya pipityuging shrimp. Isa na siyang lobster,” at muli’y nag tawanan ang mga babae.
Nakatalikod na ako nun, pero dahil sa narinig ko, humarap ako. Nakita ko ang papalapit na si Nica. Bibili sana siya kaso, ito at binubully ng mga tambay na ‘to.
She’s my schoolmate when I was in Elementary and High school pero di nag-uusap. Kilala siya bilang nerd na may makapal na eyeglasses , makapal na kilay na di bagay sakanyan
Parang Betty Lafia lang. Weird. Kaya despite sa pagiging matalino nito ay di pa rin maiwasan na mabully...