The Man in my Dreams CHAPTER 17


Natapos ang kanilang usapan tungkol sa kasal nila Jojo at Jeral, madami ding napag-usapan ang mga magbabalae halos hindi maawat sa mga kwentuhan ang mga magbabalae kasama nila sa umpukan sina Jera at Jojo, nasa sala sila at si Jennifer at Sherwin naman ay nakabukod naman sila, doon sila sa dining table, dahil si Jennifer ang nagligpit ng mga kinainan nila.
.
Sherwin : tulungan na kita.
Jen : huwag na, ako na lang.
Sherwin : basta gusto kong tumulong mag hugas ng plato.
Jen : huwag na, magagalit sakin si Kuya kapag, nakita niyang naghuhugas ka ng plato.
Sherwin : hindi magagalit si Kuya.
Jen : wow, kuya talaga?
Sherwin : oo, syempre nakakatatandang kapatid siya ng Girlfriend ko.
.
Kinilig naman si Jen sa sinabing girlfriend siya ni Sherwin, sabi ni Jen sa isip niya, talagang may Boyfriend na siyang matatawag, at iyon ang bestfriend niya.
.
Sherwin : Gusto ko kapag mag asawa na tayo–
Jen : grabe ka asawa na agad!!(gulat niyang sabi)
Sherwin : kapag lang naman, syempre matagal pa yun. Ang sabi ko lang kapag dumating yong araw na yun ay ako ang laging mag huhugas ng plato.
Jen : ganun ba, isama mo na ang pag lalaba, at pamamalantsa.
Sherwin : walang problema, sanay na sanay ako dun..ako kaya ang naglalaba at namamalantsa ng mga damit ko.
.
Natutuwa na kinikilig naman si Jen sa usapan nila ni Sherwin..At samantala naman sa labas ng bahay naroon si Andrea at Karen nakatambay, may lamesa at upuan sa may garden duon pumwesto ang magkaibigan, at pumunta naman si Jomel sa Magkaibigan.
.
Jomel : okay lang kayong dalawa dyan?
Karen : oo masarap nga dito, may fresh air!
.
Tumabi si Jomel sa katabing upuan na inuupuan ni Andrea, natataranta ang puso ni Andrea dahil malapit lang sa kanya si Jomel, kinuha niya ang celpon sa bag niya at kunwari busy siya sa pagtingin doon..si Karen ang nakikipag-usap kay Jomel.
.
Karen : tatlo pala kayong magkakapatid Jomel, akala ko dalawa lang kayo ni Ate Jera..
Jomel : Oo, Si Jennifer ang bunso namin.
Karen : ilang taon na si Jennifer?
Jomel : 20 na siya.
Karen : ah, ikaw ilang taon kana?
Jomel : 25 na ako.
Karen : ah..5 yrs pala ang tanda mo sa kanya.
Jomel : oo, akala nga daw nila mama na ako na ang bunso, hindi pala at nasundan pa ako.
.
Nagtitingin si Andrea sa cp ngunit ang isip niya ay nasa usapan ng dalawa,.natutuwa si Andrea dahil kasama niya si karen, dahil nawala ng konti ang hiya niya.
.
Karen : may girlfriend ka na Jomel?
.
Nagulat nalang si Andrea ng tanungin ni karen kung may girlfrien na ito, talaga yong kaibigan niya ay may pagkaurirat din, pero gusto din ni Andrea na malaman ito kung meron na nga, mabuti na lang at naitanong iyon ng kaibigan.
.
Jomel : wala pa nga eh.
Karen : Good!! Si Andrea din eh wala pa.
Andrea : (nabigla at bakit sinali siya sa usapan) best naman, bakit nasali ako diyan..!!
Karen : ay sorry best!! Bakit wala ka pang girlfriend? Pero nagkaroon kana ng gf before?
Jomel : (napakamot sa ulo, at masyadong matanong si Karen) h-hindi pa din eh,.nag-focus ako sa Pag-aaral ko, tapos ng makatapos ako ng pag aaral ay nagtrabaho na ako, at dun naman naka-focus ang isip ko sa trabaho, kasi kinailangan naming ipagamot si Papa.
Karen : ayy..same kayo ni Andrea, hindi pa din nag-kakaboyfriend yan..kesyo hindi pa daw niya nahahanap si Mr, right niya!!
Jomel : ganun ba (nakangiti niyang sabi)
Andrea : Best!! (Pinandilatan niya)
Karen : ay, sorry best!
.
Natatawa naman si Jomel sa reaksiyon ni Andrea sa kaibigan, Hindi nagtagal ay nag-ring ang celpon ni Karen.
.
Karen : ay excuse me, sagutin ko lang ito.
.
Naiwan si Jomel at Andrea, nataranta ulit ang isip ni Andrea dahil sila lang ni Jomel doon, kung bakit naman kasi lumayo pa doon si Karen, sa hindi malaman ang gagawin ni Andrea ay naihulog pa niya ang kanyang bag at tumapon ang lahat ng laman ng bag niya, sabay pa sila ni Jomel na yumuko para pulutin ang mga nalaglag ng biglang nagkauntugan ang kanilang mga ulo, at parehas silang nasaktan, napahawak si Andrea sa ulo na nasaktan.
.
Jomel : ay sorry!! (Sabay hawak sa nasaktang bahagi ng hawak din ni andrea)
Andrea : okay lang, hindi naman masyadong masakit.
Jomel : sigurado ka?
Andrea : oo..(pinagpatuloy ang pagpulot ng mga nahulog)
.
Tinulungan siya ni Jomel na mamulot ng mga nahulog, at di sinasadya ni Jomel na mahawakan niya ang kamay ni Andrea, bumilis ang tibok ng puso ni Andrea dahil hawak ni Jomel ang kamay niya, at hindi binibitawan.
,
Andrea : ah, Jomel…yong kamay ko!!
Jomel : ay sorry! (At binitawan ni jomel ang kamay)
.
nginitian niya lang si Jomel.
.
Jomel : ah, Andrea, may gagawin ka ba bukas?
Andrea : ahmm..wala, bakit?
Jomel ; labas sana tayo bukas!!
Andrea : s-sige!! Isama natin si Karen ah!!
Jomel : oo..sunduin kita sa inyo bukas?
Andrea : O-okay!! Pero kasama natin si karen bukas!(paguulit niya)
Jomel ; oo nga pala, sunduin ko kayo bukas, ng hapon.
Andrea : O-okay!
.
At natapos ng makipag-usap si Karen sa cp.
.
Karen : best, sorry ha need ko nang umuwi, may problem kasi si Mommy kailangan ko siyang puntahan, bawi na lang ako sayo nextime.
Andrea : H-ha!!! Bakit ano nangyari kay tita?.
Karen : hindi ko alam best, itinawag lang sakin ng kapatid ko.
Andrea : ganun ba, kailan ka uuwi?
Karen : bukas ng umaga best
Andrea : ganun ba, sayang naman di pa tayo masyado nakakagala dito.
Karen : oo nga eh. Promise babawi nalang ako, kaya wag ka munang pumunta ng Canada best!!
.
Nagulat si Jomel sa sinabi ni Karen, babalik na pala si Andrea sa Canada, nalungkot si Jomel sa nalaman niya, at hindi nagtagal ay nagpaalam na ang mag-anak na Max at Flor.
.
Max : paano balae, hindi na kami magtatagal, kami ay uuwi na din.
Ronald : sige balae.
Cristy : ingat po kau sa byahe ninyo balae.
Flor : salamat balae.
.
At lumabas na ang mag-asawang Max at Flor, hinatid naman sila ng mag-asawang Ronald at cristy sa labas, ngunit si Jojo ay naiwan sa sala, kausap pa niya si Jera.
.
Jojo : mahal uwi na kami.
Jeralene : sige mahal, ingat ka sa pagmamaneho!!
Jojo : mahal wala ba akong kiss??
.
Hindi na sumagot si Jera, halik na ang itinugon niya dito, sinamantala nila ang pagkakataon na silang dalawa lang ang nasa sala, dahil nasa labas na lahat ang tao doon, nagsanib na muli ang kanilang mga labi, nalasap na namam nila ang mga matatamis na halik..at sa labas ng bahay ay nagpaalam pa ang mag-asawang max at flor kay Jomel.
.
Max : Jomel, hijo uuwi na kami.
Jomel : sige po sir Max!!
Flor : o Jomel, naka-sir ka na naman kay tito max mo.
Max : oo nga..naku balaeng Ronald mahina yang binata mo na yan.
Ronald : oo nga balae, mahiyain.
Max : Jomel, ipasyal mo naman si Andrea dito at nang hindi naman mainip yong dalaga ko.
Andrea : papa!
Ronald : oo nga anak, ipasyal mo si Andrea.
Jomel : sige po, napag-usapan napo namin ni Andrea na mamamasyal kami.(napatingin si Jomel kay Andrea)
.
Nagkasalubong ang mga tingin ni Andrea at Jomel, mabuti nalang at gabi, hindi nakita ang pag-ba-blush ni Andrea, nagbawi agad ng tingin si Andrea.
.
Max : ah mabuti naman pala kung ganun.
Flor : o sige kami ay tutuloy na balae.
Max : sandali Ling si Jojo nasa loob pa.
Flor : ay oo nga.
.
At hindi nag tagal ay natapos na ang paalaman ni Jojo at Jera, lumabas na din sila. At si Jomel naman ay nilapitan si Andrea at pinaalala uli ang kanilang pamamasyal, at hindi nagtagal ay nakasakay na ang mag-anak sa kanilang sasakyan, at tuluyan ng naka-alis..naiwan silang mag-anak na may mga ngiti sa mga labi, dahil napakasaya ng gabi na iyon lalo na si Jera, sobrang saya ng pakiramdam niya. Dahil nakatakda na siyang makasal sa lalakeng pinapangarap niya buong buhay.
.
Ronald : oh pasok na tayo sa loob, at kami naman ang mag-uusap ni sherwin.
Jennifer : talaga ba papa!! Hindi ba ako kasali sa usapan ninyo?
Jomel : syempre kasali ka..(nakatawa niyang sabi)
Cristy : halina kayo sa loob ng bahay.
.
At nagpasukan na sila sa loob ng bahay, at naupo uli sila sa sala, nakipagkwentuhan naman ang mag-anak kay sherwin, madami din silang napag-usapan at napagkwentuhan, at hindi nga nagtagal ay, nagpaalam ng uuwi si Sherwin..
.
Ronald : o sige sherwin, bilin ko lang sayo, pagpasensiyaan mo ang bunso naming si Jennifer, sobrang makulit yan.
Jennifer : papa naman, mabait naman ako!!
Ronald : oo, nga pala mabait nga pala yan, hindi yan nangangagat!!
Jennifer : papa!!(saway sa papa niya)
Ronald : biro lang anak!!
Sherwin : huwag po kayong mag-alala tito, tita at ate Jera, kuyaJomel.
Jomel : pambihira nagmukha na akong matanda tuloy pare.
.
Nagtawanan sila sa sinabi ni Jomel.
.
Sherwin : pasensiya na pare, mas matanda ka kay Jen, kaya kailangan kitang galangin.
Ronald : Diyan ako humahanga sayo sherwin, mapagpakumbaba ka.
Cristy : mabait na bata talaga itong si Sherwin.
Sherwin : salamat po tita, mahal ko po si Jennifer, hindi ko po lolokohin at sasaktan ang bunso ninyo..hindi ko po sisirain ang tiwalang binigay ninyo sakin..
Cristy : alam naman namin yun Hijo..
Ronald : alam namin na mahal mo ang bunso namin, dahil saksi kami, sa pagtitiyaga mong hintayin makatapos ng pag-aaral si Jennifer.
Jomel : Paano tuloy na ang inuman natin.
Jennifer : anong inuman kuya, hindi siya iinum!!
Jomel : naku sherwin, nakita mo na, hindi pa man ina-under kana! Kaya may pagkakataon ka pa pare na umatras.(Tumatawa niyang sabi)
.
Nagtawanan naman sila ulit, maliban kay Jen.
.
Sherwin : sorry kuya Jomel, may boss na akong dapat sundin, kaya pasensiya na kung tatanggi ako sayo. (nakatawa din niyang sabi)
.
Natuwa naman si Jennifer sa sinabi ni Sherwin, lalo tuloy siyang humahanga dito, Hindi nga nagtagal ay nagpaalam na din si Sherwin, pumasok na ang mag asawa sa kanilang kwarto at ganun si Jomel at si Jera, si Jen naman ay inihatid niya hanggang sa labas si Sherwin.
.
Jennifer : ingat ka ka sa pagmamaneho mo.
Sherwin : para sayo babe mag iingat ako.
.
Kinilig naman si Jen ng tawagin siyang babe ni Sherwin.
.
Sherwin : sige babe, alis na ako.
Jennifer : Sige, ingat ka.
.
Ngunit di pa sumakay si Sherwin sa kanyang motor siklo.
.
Sherwin : alis na ako.
Jennifer : sige mag iingat sa pagmamaneho, dahan dahan lang sa pagdadrive lalo na Motor siklo yang sakay mo, buwag mabilis magoatakbo.
Sherwin : opo babe, mag iingat ako, pano alis na ako.
Jennifer : sige ingat ka.
.
Ngunit di pa tumitinag si Sherwin, dahil parang may gusto siyang gawin na nahihiya naman siya.
.
Sherwin : tuloy na ako babe.
Jennifer : oo, sige basta ingat ka.
Sherwin : oo babe salamat..
.
At dahil sobrang kinahiyan ni Sherwin ay sumakay na lang siya sa motor niya, at si Jennifer ay alam naman niya ang ibig pahiwatig ni Sherwin, magsusuot na sana si Sherwin ng Helmet ng magsalita si Jen.
.
Jennifer : Sandali.
.
Mabilis na lumpait si Jen kay Sherwin at dinampian niya ng mga halik sa pisngi si Sherwin, tumalon ang puso ni Sherwin sa tuwa, hindi niya akalain na hahalikan siya ng babaeng minamahal niya.
.
Jennifer : ingat ka.
.
At dahil sa tuwa ni Sherwin, ay mabilis siyang lumapit kay Jennifer at mabilis na dinampian ng halik sa mga labi ang dalaga, nabigla si Jen ngunit nakabawi din siya sa pagkabigla niya, at dahil sa dampi ng halik ni Sherwin sa mga labi niya ay sobrang bilis ng tibok ng puso niya, iyon ang kanyang unang halik, mula sa kanyang Unang pag-ibig, na sana daw ay iyon na din ang huli..
.
Sherwin ; i love you babe.
Jennifer : i love you too.
.
At mabilis na ulit sumakay si Sherwin sa motor, at tuluyan na siyang umalis..naiwan si Jennifer na parang nakalutang sa alapaap sa sobrang saya ng puso niya, lumipas ang magdamag mataas na ang sikat ng araw ng nagising si Jera nagising siya dahil naramdaman niyang may kumakalabit sa ilong niya, nagulat siya dahil naroon si Jojo sa tabi niyang nakaupo.
.
Jojo : good morning mahal!!!(sabay halik sa mga labi)
.
Napabalikwas si Jera dahil nag-aalala siya baka bad-breath pa daw siya dahil hindi pa siya nakakapag-mumog, nang pagbalikwas niya ay malapit pa siyang mahulog sa kama.
.
Jojo : ayan mahal muntik ka ng nahulog.
.
at noon niya lang narealize na sobrang nipis ng damit niyang pantulog kaya mabilis niyang ikinubli sa kumot ang katawan niya para matakpan ang manipis niyang suot, natawa naman si Jojo sa kilos ni Jera
.
Jojo mahal nahiya ka pa ba sakin?
Jera : hindi ah.
Jojo : halika nga dito sa tabi ko!
Jera : ay w8 lang, hindi pa ako nagmumumog bad breath pa ako!!
Jojo : hindi naman ah, halika lumapit ka sakin.
Jera : sandali lang naman, at saka paano kang nakapasok sa kwarto ko mahal?
Jojo : mahal naman, itatanong mo pa kung paano akong nakapasok dito syempre dumaan ako sa pinto.
Jera : ang ibig kung sabihin, paano kang nakapasok eh, nakalock kaya yan.
Jojo : binuksan ni papa may susi siya, ako na daw ang bahalang gumising sayo.
Jera : si papa?.
Jojo ; oo si papa!
Jera : si papa ko ba?
Jojo : oo naman si Papa Ronald, syempre papa ko narin siya, diba mahal?
Jera : ah, oo nga mahal!!
Jojo : kanina pa ako dito sa tabi mo, tagal mo namang gumising. Kaya ginising na kitam
Jeralene : ibig sabihin kanina ka pa sa tabi ko??
Jojo : oo mahal,.
Jera : nasan sila mama?
Jomel : Nag-jogging sila magkakasama ang magbalae, tapos si Jomel at Andrea, si Jennifer naman, sinundo ni Sherwin mag-kakape daw sila ng subic bay!!
Jera : ganun, iniwanan nila akong mag-isa dito!
Jojo : hindi ka naman mag-isa dito mahal, sinamahan kita.
.
Ngiti lang ang itinugon ni Jeralene kay jojo, bumangon siya sa kama, at dala dala niya ang kumot niya at kukuhanin niya ang roba para ipang doble sa suot niya, hindi niya napansin na nauupuan pala ni Jojo ang ibang bahagi ng kumot kaya natanggal iyon, kaya minadali niya uling kinuha ang kumot para ikubli uli sa katawan niya..natatawa na lang si Jojo sa kilos ni Jera na natataranta..
.
Jojo : mahal naman, nahihiya ka pa sakin, eh nakita ko na yan.
.
namula ng sobra ang pisngi ni Jera sa sinabi ni Jojo.
.
Jera : h-hindi kaya, madilim kaya nun!!
Jojo : oo nga ano!! Pero, nahalikan ko naman na yan ah!
.
pinamulahan na naman ng sobra ang mukha.
.
Jera : Mahal naman eh, nakakainis ka, pumikit ka na lang please, sige na magbibihis lang ako!!
Jojo : sige na nga, kadaya naman!!
.
Nang alam na ni Jera na nakapikit na si Jojo ay dali dali niyang kinuha ang robe niya at isinuot, at saka kumuha siya ng damit sa closet at mabilis siyang pumasok sa banyo, natatawa na lang si Jojo sa kilos ni Jera. At paglabas ni Jera sa banyo ay makita niyang nakatulog si Jojo sa kanyang kama. sa isip niya masyado yata siyang natagal sa paliligo at nakatulog na sa paghihintay sa kanya, hinayaan na lang ni Jera makakatulog si jojo, di na siya ito ginising, nagtungo na lang siya sa kusina upang magluto ng almusal.
.
Samntala naman sina Andrea at Jomel...


masyado na silang napalayo, sa magbabalae, nalibang sila ni Jomel sa pagjo-jogging, naiba sila ng direksiyon..
.
Andrea : Jomel, napagod na ako, pahinga muna tayo.(hinihingal niyang sabi)
Jomel : oo nga, ako din napagod na.(hinihingal niya ding sabi)
Andrea : mukhang naiba tayo ng direksiyon, hindi ko na makita yong apat.
Jomel : nandiyan lang sila, baka napagod na din at nagpahinga.
Adrea : oo nga.
Jomel : ngayon na lang ako naka pag Jogging, buhat ng nagkatrabaho na ako di ko na nagagawang mag Jogging.
Andrea : ako naman, 3 times a week nakakapg Jogging ako.
Jomel : sayang ano, hindi natin nakasama si Karen.
Andrea : oo nga eh!
Jomel : ah, A-andrea!!
Andrea : uhmm..bakit?
Jomel : babalik ka na nga ba ng Canada??
Andrea : oo eh.
Jomel ; ganun ba. Hindi ka na a-attend sa kasal nila ate at kuya Jojo?
Andrea : siyempre a-attend ako!! Babalik ako sa araw ng kasal nila.
Jomel : ganun ba!! (Nalungkot ang mukha)
.
Napansin ni Andrea na lumungkot ang mukha ni Jomel, at may saya sa damdamin niya, dahil sa isip niya ay nalulungkot si Jomel dahil sa aalis siya.
.
Andrea : bakit Jomel, parang malungkot ka, may problema ka ba?
Jomel : w-wala, nalulungkot lang ako kasi iiwanan mo pala ako!!
Andrea : H-ha!!
.
Bumibilis ang tibok ng puso ni Andrea, tama ba ang narinig niya na sinabi ni Jomel na nalulungkot si Jomel dahil iiwanan niya ito.
.
Jomel : Andrea, may sasabihin sana ako sayo..
Andrea : ano yon Jomel?
Jomel : huwag ka sanang magagalit..Andrea M-ma–
.
Nahinto sa pagsasalita si Jomel dahil naroon na ang mga magbabalae
.
Cristy : Jomel, Andrea..Halina kayo umuwi na tayo at masakit na ang tuhod namin ni Balaeng Ronald!! (sigaw nito, )
Jomel : si mama, O-opo, nandiyan na po kami, tara na Andrea
Andrea : sige.
.
Tumayo si Jomel sa pagkaka-upo at nang makatayo siya ay inalalayan niyang makatayo si Andrea, at pumunta na sila sa mga papa at mama nila, at doon sila tumuloy sa may bahay nila Max at Flor, niyaya ng mag-asawang Max at Flor ang mag-asawang si Ronald at Cristy, nagpaunlak naman ang mag-asawang Ronald at Cristy, nagpahanda pala ng almusal si Flor sa mga kasambahay nila.
.
Flor : wala pa ba si Sir Jojo ninyo at Ma’am Jera ninyo?(tanong sa katulong)
Katulong : wala pa po ma’am!!
Max : mamaya nandito na yun.
Flor ; mauna na tayong mag-almusal.
Max : oo mauna na tayo, mahuli na sila.
Ronald : oo sige balae.
.
Sa sandaling pagkakakilala ng magbalae ay mga nakapag palagayan na sila ng loob, parang kay tagal na nilang magkakakilala, at samantala naman sina Andrea at Jome ay walang imikan buhat ng nasa byahe sila, at hanggang sa makarating sila ng bahay, pagkababa niya sa sasakyan ay dumiretso na siya sa taas sa kwarto at naligo siya, hindi siya ngtagal sa paliligo, dahil gusto niyang sumabay ng almusal kila Jomel, nang makatapos maligo at nakapagbihis na din sinuklay na niya agad ang buhok, at bumaba na siya agad, tamang tama ay naka-dulog na ang lima sa Lamesa.
.
Cristy : Andrea iha, halika na kumain!!
Andrea : opo tita.
Flor : anak, diyan ka na sa tabi ni Jomel.
.
Tumayo si Jomel at ipinaghila niya ito ng upuan,
.
Andrea : salamat.
.
bumibilis na naman ang tibok ng puso ni Andrea dahil katabi nya si Jomel at natutuwa ang puso niya dahil feeling niya isa siyang prinsesa sa ginawa ni Jomel, bumilis din ang tibok ng puso ni Jomel dahil halos magkadikit sila ni Andrea, amoy niya ang bango ni Andrea..at nang makaupo na si Andrea ay umupo na din si Jomel, at nagsimula na silang kumain, ang mga magbabalae habang kumakain ay napaka-daming kwento, parang hindi nauubusan ng kwento, si Andrea at Jomel naman ay walang kakibo-kibo, tahimik lang silang kumakain at, nakikinig lang silang dalawa sa mga magbabalae..,napansin naman ng apat na tahimik sila Andrea at Jomel.
.
Max : katahimik naman ng binata’t dalaga natin balae.
Cristy : balae baka po, napagod sila.
Flor : oo nga ang layo ng narating nila kanina.
Ronald : oo nga balae, iba talaga pag mga bata pa malalakas ang katawan.
Max : oo balae, pag may edad-edad na tulad natin, naku puro rayuma.
Ronald : sinabi mo pa balae, masasakit ang mga tuhod.
Max : Jomel, mamaya naman ilibot mo naman si Andrea ng masulit naman ang bakasyon niya dito, mga ilang araw lang babalik na yan ng Canada.
Ronald : ganun ba balae, naku, malalayo pala itong si Andrea.
Max : oo, nga balae, sabi ko nga hintayin nalang niyang makasal ang kuya niya.
Cristy : oo nga Hija bakit hindi mo pa hintayin yong kasal nila kuya mo at ate Jera mo!!
.
ngiti lang ang itinugon ni Andrea kay Cristy.
.
Max : kaya Andrea, kay Jomel ka nalang magpasamang mamasyal, kasi may ibang lakad kami ni Mama mo, diba Jomel ipapasyal mo naman siya na sabi mo.
Jomel : o-opo tito!!
.
Samantala naman sa bahay nila Jera..
.
Naghahanda ng breakfast si Jera, habang natutulog si Jojo sa kwarto niya, inaayos na niya ang table. Sini-set na niya ang mga Plato sa lamesa ng may biglang may yumapos sa kanya mula sa kanyang likuran, at dinampian pa ng halik ang buhok niya.
.
Jojo : hmm, ang bango ng mahal ko.
Jeralene : mahal naman ginulat mo ako!!
Jojo : sorry mahal.
Jera : bakit gumising kana?
Jojo : kumalam yong sikmura ko eh, naka amoy kasi ako ng mabangong almusal, hindi ko namalayan na nakatulog na pa ako.
Jera : ang sarap ng tulog mo kanina kaya hindi nakita ginising.
Jojo : kasalanan mo mahal kung bakit ako napuyat.
Jera : ha, bakit anong ginawa ko sayo??
Jojo : hindi kasi ako nakatulog kagabi, kasi naman hindi ka naman kasi umalis sa isip ko kagabi, hindi mo ako pinatulog.
Jera : ganun!!
Jojo : oo mahal, kasi naman namimiss ko yong ano—
Jojo : Hay naku mahal tama na yan. Kumain na tayo, gutom lang yan..
Jojo : anong oras naba, (sabay tingin sa relo niya) naku, quarter to nine na pala, matagal pala akong nakatulog, hinihintay tayo nila mama sa bahay, duon daw tayo, mag-be-breakfast..
Jeralene : ganun ba!!
Jojo : di bale, dito na tayong dalawa mag-almusal, mas masarap ang almusal dito, dahil ikaw ang nagluto..
Jeralene : bola ka naman, sige kain na tayo.
.
At nagsimula na silang kumain, hindi nagtagal ay dumating na si Jennifer at Sherwin.
.
Jennifer : good morning ate, kuya Jojo!
Jojo : good morning.
Jera : oh, hali na kayo, mag-almusal na tayo sherwin, Jen!!
Sherwin : tapos na ate.
Jennifer : wala pa pala sila mama at papa..
Jojo : baka nasa bahay sila..doon daw sila mag-aalmusal..
Jen : ah ganun ba..
Sherwin : ah hindi na din ako magtatagal ate, kuya kuya Jojo,.tutuloy na din ako. Hinatid ko lang si Jennifer.
Jera : sige ingat sherwin..
Sherwin : sige, kuya Jojo tuloy na ako.
Jojo : sige, ingat!
Jen : hatid ko lang si Sherwin sa labas ate..
Jera : okay!!
.
Hinatid ni Jennifer si Sherwin sa labas at si Jojo at Jera ay nagpatuloy sa pagkain..nang makatapos kumain ang dalawa, ay tulong silang nagligpit ng pinagkainan nila, at hindi nagtagal ay dumating na ang mag-asawang Ronald at Cristy, kasama si jomel..inihatid nang driver nila Jojo.
.
Ronald : oh, iha hinihintay namin kayo doon sa bahay nila balae, hindi naman kayo dumating.
Jera : naku papa, paano po nakatulog si Jojo, antagal bago gumising.
Jojo : opo papa, pasensiya na po kayo!!
Cristy ; okay lang Hijo, mabuti at nakatulog ka, siyempre hindi niyo pa masyado nababawi ang lakas ninyo.
Jojo : opo nga mama.
Cristy : nag-almusal naba kayo?
Jera : opo mama.
Cristy : bilin nga pala ni, balae doon daw kayo mananghalian Jera, sabi ni Mama Flor mo, mamayang dinner naman dito kayo ha.
Jera : okay ma!!
.
At di nagtagal ay pumunta na si Jojo at Jera sa bahay nila Jojo, at duon sila nananghalian, pagkatapos kumain ay, nagpaalam sila Jojo at Jera na maliligo sila sa dagat. Kaya nagpunta sila sa dagat at naligo. Masaya silang naliligo sa dagat, parang bata silang naghahabulan sa buhanginan, gumagawa din sila ng sand Castle tulad nung bata sila..naghaharutan sa may tubig. Napakasaya nilang dalawa sa mga sandaling iyon, matagal silang naglagi doon sa dagat, nagbaon nalang sila ng pamalit, at doon sila nagpalit sa sasakyang dala ni Jojo, hanggang sa inabot na sila ng paglubog ng araw hinintay nila ang sun set, at pinagmamasdan nila ang napakagandang paglubog ng araw, nakasandig si Jeralene kay Jojo at si Jojo naman ay nakayakap kay Jera.
.
Jojo : mahal!!
Jera : .mahal, bakit?
Jojo : masaya ka ba?
Jera : oo naman, masaya ako..ikaw ba mahal?
Jojo : masayang masaya ako mahal, masaya ako dahil, ikaw ang makakasama ko habang buhay, dati kapag nakikita ko na yakap ka ni drake, at kapag hinahalikan ka niya, selos na selos ako nun. Nasasaktan ang puso ko..pinapangarap ko noon na sana ako nalang si Drake, para ako ang yumayakap sayo at humahalik..alam mo mahal. Kung malakas lang ako nun. Di ko papayagang halikan ka ni Drake, gugulpihin ko siya, lalo na at alam kong dinukot ka lang niya, para gawan ng masama..pero alam mo mahal, nagpapasalamat ako kay drake, dahil siya ang naging daan upang magkita tayong muli..kaya kahit na masama siyang tao, naging daan naman sia ng pagkakatagpo nating dalawa.
Jeralene : sabagay nga.. ah, mahal, wag na nating pag-usapan si Drake..
Jojo : okay!!
.
At lumipas ang mga minuto ay nakakubli na ang araw..
.
Jojo : mahal tara ng umuwi.
Jera : sige,
.
Umuwi muna sila sa bahay nila jojo at naligo muna si Jojo, hindi nila nadatnan ang mama at papa ni Jojo, may pinuntahan ang mga ito, si Andrea naman ay lumabas kasama si Jomel, mga katulong lang ang nanduon, hinintay ni Jera si jojo sa may sala, hindi naman nainip si Jera, dahil nagtitingin siya ng mga picture sa mga photo album doon sa may sala, kinuha niya ang may pinakalumang album at binuklat niya iyon, pagbuklat niya ay nakita niya agad si Jojo noong bata pa, hindi niya nakalimutan ang itsura na iyon nakatatak sa isip niya ang itsura ni Jojo noong bata, magpahanggang ngayon, at nakita niya din ang matandang kasama ni Jojo, maaaring iyon ang lolo ni Jojo, at hindi nagtagal ay bumaba na si Jojo.
.
Jojo : mahal di ka pa ba maliligo. Kung gusto mo maligo ka na dito.
Jera : doon nalang mahal sa bahay!!
Jojo : tara na mahal, baka kanina pa tayo hinihintay nila papa at mama.
Jera : sige mahal!
.
At nagpaalam si Jojo sa mga kasambahay nila..at hindi nagtagal ay nasa bahay na sila ni Jera..
.
Samantala naman sa isang Restaurant nag-didinner sina Jomel at Andrea.
.
Andrea : ang ganda dito ano!!
Jomel : nagustuhan mo ba??
Andrea : oo, ang maganda dito kita mo yong dagat, ang gandang tingnan yong alon ng dagat na tinatamaan ng ilaw, at ang sarap pa ng mga pagkain nila.
Jomel : salamat nga pala Andrea at pumayag kang sumamang magdinner sakin.
Andrea : wala yun. Gusto ko din namang makasama ka—
.
Natigila si Andrea, dahil dumudulas daw ang dila niya,
.
Andrea : ang ibig kong sabihin, gusto ko din namang makapamasyal, dahil may kasama ako, ikaw nga, at hindi ako maipasyal ni kuya dahil kasama niya si Ate Jera, at sila mama at papa naman ay may ibang pinupuntahan, busy silang lahat.
Jomel : basta kapag kailangan mo ng kasama tawagan mo lang ako, anytime sasamahan kitang mamasyal..kaya lang kung babalik ka na ng Canada, malulungkot ako..
Andrea : bakit ka naman malulungkot?
Jomel : kasi Andrea, may gusto akong sabihin sayo.
Andrea : Ano yun??
Jomel : kasi Andrea, ano kasi, (kaya ko to, sa isip)..ano kasi Andrea, kuwan—(hindi alam kung paanong sasabihin)
Andrea : ano nga?? Sabihin mo na..
Jomel : M-mahal kita Andrea!!! (Nahihiya niyang sabi)
.
Sa wakas nagkaroon ng lakas ng loob si Jomel na magtapat kay Andrea, si Andrea naman ay nagagalak naman ang puso niya ng marinig niyang sinabi sa kanya ni Jomel na mahal siya nito, dahil una palang niyang makita si Jomel doon sa kinainan nilang restaurant ni Karen na kung saan din ay doon din kumain sila Mae at Jomel ay parang nakaramdam na siya ng pagtibok ng puso para sa binata, at lalo na nung sagipin siya ni Jomel sa pagkakadukot sa kaniya ni George..mula noon ay nagkaroon na ng puwang si Jomel sa puso niya, at ganun din naman si Jomel sa kanya, na love at first sight din si Jomel kay Andrea..
.
Jomel : Mahal kita Andrea, una pa lang kitang makita, nakaramdam na ako ng pagmamahal sayo, kaya ganun nalang ang takot ko na may mangyaring masama sayo, Kaya naglakas loob akong sundan yong mga dumukot sayo noon, dahil sa isip ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayari sa iyong masama.
.
Nangingilid na ang luha ni Andrea sa sobrang saya, hindi niya akalain na nakaramdam na din si Jomel sa kanya ng pagmamahal, kaya hindi na niya pahihirapan pa ang kalooban ni Jomel hindi na niya ito pagtatagalin, dahil parehas naman sila ng nararamdaman ni Jomel, ibibigay na din niya ang kasagutan niya kay Jomel.
.
Andrea : Jomel, mahal din kita.!!
Jomel : ha, Andrea totoo ba?? ( hindi makapaniwala)
Andrea : oo, dati ko pa din naramdaman sayo ito, nung una pa lang din na magkita tayo, at lalo kong naramdaman na mahal kita noong iligtas mo ako sa mga kidnappers! At saka natakot ako na baka mapatay ka ng isang tauhan ni George kaya binaril ko yong tauhan ni george.
Jomel : oh, Andrea, pinaligaya mo ako!! Mahal na mahal kita Andrea.
Andrea : mahal na mahal din kita Jomel.
.
Sa wakas nagka-aminan na ang dalawa, kinuha ni Jomel ang kamay ni Andrea at idinikit niya ito sa kanyang labi, sa sobra niyang kasiyahan ay hinalikan niya ang kamay ni Andrea.
.
Jomel : Andrea!!.
Andrea : bakit?
Jomel : sana, kapag bumalik ka sa Canada lagi mo akong tatawagan ah..kasi sobra kitang mamimiss.
Andrea : syempre naman ah, lagi kitang tatawagan, kasi Mamimiss din kita.
Jomel : talaga?
Andrea : oo!
Jomel ; promise?
Andrea : promise!
Jomel : Andrea!
Andrea : bakit?
Jomel : baka pwedeng, pagkatapos nalang ng kasal nila ate at kuya ka bumalik ng Canada?
Andrea : okay para sa kahilingan ng boyfriend ko, kapag natapos na lang ang kasal ni Kuya at ate ang balik ko ng Canada.
Jomel : wow ang sarap naman pakinggan, paki-ulit mo nga!!
Andrea : kapag natapos yong kasal ni kuya at ate Jera saka nalang ako babalik ng Canada.
Jomel : hindi yun!!
Andrea : eh ano ba yong uulitin kong sasabihin? Hindi pa ako babalik ng canada, o okay na!
Jomel : hindi naman yoon yong pinapaulit ko sayo, yong boyfriend ang sabi kong ulitin mo.
Andrea : ah, yoon ba??
Jomel : oo!!
Andrea : para sa kahilingan ng boyfriend ko!!
Jomel : ayyiiie, ang sweet naman ng girlfriend ko..pakiss naman!!
Andrea : ay ayoko nga, daming tao. Nakakahiya, baka makita nila tayo.
Jomel : joke lang!! Kumain na tayo Love!!
Andrea : (kinilig ng tawagin siyang love ni Jomel).
.
Nakaguhit ang mga ngiti sa labi nila Jomel at Andrea, mas masaya na silang pinagsasaluhan ang masarap na pagkain na kanilang inorder, dahil iyon na ang umpisa ng kanilang kabanata, ang kabanata ng kanilang pag ibig, na tanging hiling nila na tulad nina Jojo at Jera na itinadhana, ay ganoon rin sila.
.
Itutuloy..
.
Epilogue na po ang next kaya wala ng bibitiw…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top