Her Greatest Downfall CHAPTER 7


Hindi komportableng binawi ko ang kamay ko at umiwas ng tingin. Tumatambol ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
“Ah Manang Pasing mukhang okay na naman ito pasuyo po ng malaking lagayan para makakain na tayo.” Naiilang na ani ko lalo na’t naririto pa si Adam na nakahalukipkip ang mga braso at nanonood sa ginagawa ko. Hindi ko maunawaan kung anong klaseng pag-uugali meron ang binata. Kung umasta siya ay parang walang pag-aaway na naganap sa amin kanina na lalong nagpapuyos sa damdamin ko.
Kumuha ako ng isang malaking pitsel na ice tea at nilagay ito sa lamesa. Tiningnan ko naman sila Manang na nakabantay sa akin. Si Adam naman ay nauna ng maupo sa tapat ko at naglagay na sa mangkok niya ng bilo-bilo.
“Manang halika na kayo.” Nakangiti kong aya ngunit mariing tumanggi ang matanda habang nakatangin kay Adam na abala sa pagkain.
“Come Manang. Don’t mind me. In case you forgot she’s higher than me here in this house.” Ani ni Adam habang patuloy pa din sa pagkain. Nahihiyang naupo naman sila Manang at nag-umpisa na din.
“Masarap po ba?” Nakangiting tanong ko kila Manang.
“Hmmm puwede na.” Sabat ni Adam na nakailang mangkok na.
“Hindi ikaw ang tinatanong ko.” Nakaismid kong sagot. Nagkibit balikat lang ang binata na mas ikinainis ko.
Antipatiko.
******************
Kinabukasan abala ko sa pagpili ng mga gulay sa supermarket. Nagkusa na ako para naman malibang din ako kahit papaano at binigyan na lang ako ni Manang ng mga listahan pero kasama ko pa din si Elena na ipinilit ni Manang Pasing na isama ko at saka driver. Nakabuntot lang sa akin si Elena habang tulak ang cart na may iba ng mga laman.
Tunog ng tunog ang cellphone ko na kanina ko pa iniignora dahil alam ko naman kung sino ang antipatikong walang magawa sa buhay. Napabuntong hininga ako para silipin ang mga may 50 text messages na at lahat ay galing kay Adam na nagpapabili ng kung anu-ano.
Antipatiko: Rootbeers
Antipatiko: Nagaraya original
Antipatiko: Pizza
Antipatiko: Ramen
Antipatiko: Dont forget the eggplant the violet one. Dont forget!πŸ†
Halos mapasigaw ako sa inis. Napakaantipatiko talaga. Ilan lang iyan sa mga pinabibili niya. Kumuha ako ng ilang talong para isungalngal sa kaniya mamaya. At pumunta ng junkfoods section para mabili lahat ng nasa text ng binata. Ayaw ko mang gawin ito pero ayaw ko din namang may masabi sa akin si Greg. At kahit anong mangyari anak pa din niya si Adam na nuknukan sa pagka-antipatiko. Bwiset.
Pauwi na sana kami nang biglang tumawag si Adam napahingang malalim muli ako bago sagutin ang tawag.
“Ano?!” Inis na bungad ko at agad ko namang narinig ang halakhak ng binata sa kabilang linya na parang tuwang-tuwa sa pinaggagawa niya.
“Easy. Hahaha. May nakalimutan akong ipabili sa iyo. Wala na kong briefβ€””
“Gago! Bumili ka mag-isa mo!” Namumulang putol ko sa sasabihin ni Adam. Puro talaga kagagohan pati underwear niya ako pa pabibilhin.
“Uh-uh. Wala kang choice kung hindi ang sundin ako. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi ka sumunod.” Pagbabanta ng binata na akala mo naman ikakatakot ko.
“Hoy antipatikong kuto hindi mo ako matatakot. Ako dapat ang magbanta sa iyo na kapag hindi mo ko tinigilan makakarating lahat kay Greg lahat ng kalokong pinaggagawa mo.” Tumunog muli...


ang cellphone ko.
“Why don’t you check it for yourself.” Ani ng binata.
Isang message request galing kay Adam dahil hindi naman kami friends sa facebook. Kunot noong tiningnan ko ang sinend ng hudyo pero halos panawan ako ng ulirat ng tumambad sa akin ang isang litrato. Pero papaanong? Gulong-gulo ako sa nangyayari. Litrato ito ng nangyari kahapon sa may puno ng sineggwelas. Nakayakap sa akin si Adam at kitang kita ang magkalapat ng aming mga labi maging ang kamay ng binata sa dibdib ko.
Adam: Accept my friend request or else I’ll send it to Dad
Nanginginig ang mga kamay na inaccept ko ang friend request ng binata. At agad nagvideocall si Adam.
“A-Anong kalokohan iyon Adam?! Hindi nakakatuwa! Burahin mo iyon!” Sigaw ko kay Adam.
“Hindi kalokohan iyon, pagmamahalan iyon ng dalawang tao ngunit isa ding pagtataksil dahil may asawa ang babae sa litrato.” Ani ni Adam.
“Tigilan mo ko! Pinlano mo ang lahat! Ikaw ang humalik sa akin at hindi ako! Burahin mo iyon o talagang ipaparating ko kay Greg ang lahat! At sinisigurado kong palalayasin ka ng ama mo!” Kabadong sabi ko.
“Go ahead Stepmom…Or if you want ako na mismo ang magsesend kay Dad. Hindi mo kilala magalit si Dad. Do you know what he hates the most? Cheating. Affair. And once he receives this picture of us sino sa tingin mo ang malalagay sa alanganin? Ako na natitirang anak niya o ikaw? Pick your choice.”
Alam kong sa puntong ito ay dehado na ako. Sino ba ako kumpara kay Adam na anak ni Greg? Tiyak na kahit anong paliwanag ko si Adam ang papakinggan niya. At hindi ko na gusto pang malaman ang kayang gawin sa akin ni Greg. Kahit anong isip kong solusyon isa lang ang malulusotan ko at iyon ay ang sundin si Adam. Nahulog ako sa patibong ng binata.
“I’ll give you one trivia since we’re close. Hindi ka pangalawa sa inasawa ni Dad. Pangatlo ka. After my mom nagpakasal muli si Dad and that’s my second stepmom. But sadly dahil hindi natutumbasan ng pera ang pag-ibig, umibig siya sa driver nila ni Dad. Nagtaksil siya at nang mahuli sila ni Dad nagsimula ang impyerno sa buhay nilang dalawa. Akala mo ba nasa impyerno ka na ngayon? Wala pa iyan sa naranasan ng pangalawang asawa niya. Ikinulong ni Dad ang babae niya sa basement at itinuring na isang hayop at babaeng bayaran. At ang driver ni Dad? Nakakulong na. At alam mo kung anong kaso?” Kwento ni Adam na nagpanginig ng husto sa buong katawan ko. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Greg. Hindi. Nagsisinungaling lang si Adam. Tama. Hindi iyon magagawa ni Greg maaaring tahimik at palaging walang kibo ang asawa pero mabait na tao ito. Pero tuluyan ko ng nabitawan ang cellphone ng sabihin ni Adam ang karugtong ng kwento niya.
“Nasa sa iyo kung maniniwala ka ba o hindi. If I were you sundin mo ang ipinaguutos ko bago pa ko mawalan ng pasensya sa iyo at mangati ang kamay ko na mapindot ang send.”
“π‘π‘Žπ‘˜π‘’π‘™π‘œπ‘›π‘” π‘Žπ‘›π‘” π‘‘π‘Ÿπ‘–π‘£π‘’π‘Ÿ 𝑛𝑖 π·π‘Žπ‘‘ π‘ π‘Ž π‘ π‘Žπ‘™π‘Žπ‘›π‘” π‘π‘Žπ‘”π‘π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘¦ π‘ π‘Ž π‘π‘Žπ‘›π‘”π‘Žπ‘™π‘Žπ‘€π‘Žπ‘›π‘” π‘Žπ‘ π‘Žπ‘€π‘Ž π‘›π‘–π‘¦π‘Ž.”
To be continued…
Hi I’m really sorry for super late updates been really busy sa work ko..Thank you for patiently waiting and in case you already forgot Caspian, Masarap, Adam, Greg and Miyaka Solenn lemme maki bawi to you guys nyahahahahah






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top