NINAKAW NA SANDALI CHAPTER 4


Pinuntahan ni Bella ang kanyang kaibigan na si Chacha kinahaponan. Nakita niya itong abala sa paglalagay ng mga gulay sa basket.Marahil ay napag-utosan naman ito ng amain nito na idala sa palengke ang mga iyon upang ibenta.
“Chacha.”tawag niya agad sa kaibigan
Nakita naman siya nito kaya nilapitan agad siya nito. At napuna agad nito na nakasuot siya ng damit panlakad at nakatali ang kanyang buhok.
“Aba saan ang Punta at nakapanlakad Ka Bella?”anas nito sa kanya
“SA munisipyo ako pupunta Chacha. Magpapalista ako para sa darating na singing contest.”
“Talaga?hala dapat sumali rin ako. Teka ha at magbibihis Muna ako. Sasama ako sayo.” Taranta nitong turan sa kanya
Nangingiti naman si Bella sa naging reaksyon ng kaibigan. Pangarap din kasi nito na makasali sa mga singing contest sumasapalaran para kahit paano ay May mapanalonan na kunting pera. Napabuntong hininga si Bella nang maisip niya na tulad na rin siya ng kaibigan na magsasapalaran para makahanap ng perang ipangpapagamot niya sa kanyang Nanay Rosa. KAhit na alam niyang kapalit ng mga ito ay ang kutya ng ilang Tao na makakakita sa kanyang pangit na mukha.
SAkay ng pribadong sasakyan ay walang ganang nakatanaw sa labas ng bintana ang dalagang si Nicole. SA totoo lang ay Wala...


siyang ganang pumunta sa San Juan Pero mapilit ang kanyang pekeng ina na ngayon siya makikipagkita sa Mayor ng San Juan dahil May kunting salo-salo ang inihanda sa kanya nito.
MAraming Tao sa labas ng Munisipyo iyon agad ang naagaw pansin Nina Bella at Chacha.
“ANong Meron?”Si Chacha na natanong ito sa sarili
Tahimik lang si Bella na nakamasid sa maraming Tao sa labas ng Munisipyo. HAnggang sa mabaling ang atensyon niya sa isang grupo ng mga dalaga na May mga hawak na poster ng Sikat na singer na si Shanaira Ledezma. NAng makita niya ang ganong eksena ay parang na kung anong biglang Pumasok sa isipan niya rito..napahawak siya sa kanyang sintido. Sumakit bigla iyon.
“Ayan na siya!Ayan na ang idol natin!”sigawan ng mga tao sa paligid
“Shanaira!Shanaira!”
Napaupo bigla si Bella nang mabangga siya ng mga kababaehan na halos dumumog na sa labas na ito ng Munisipyo.
“Bella.”agad lapit sa kanya ni Chacha nang makita siyang natumba
Inalalayan agad siya nito na makatayo.
“Tara at tingnan din natin ang idol ko!”hila nito sa kanya at nakisabayan na rin sila sa mga taong nagsisiksikan para makita ang isang Shanaira Ledezma
Kita nila na maraming mga pulis ang nakaalalay sa dalagang singer.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top