HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY CHAPTER 11


HE’S MY BOSS AND I’M HIS SECRETARY
CHAPTER 11
“Anak bumaba ka diyan naandito yung boyfriend mo!” rinig ni Keziah na sigaw ng mama niya mula sa baba. Sa lakas ng boses ng mama niya abot yon kahit nasa kwarto siya. Ano na naman ginagawa ni Drake sa bahay nila?
Ang mama kasi ni Drake ay bumalik muna ulit sa States pero ang tita nito ay nasa Pinas pa rin. Buti nga hindi nanggugulo. Si Drake naman ay sa mansyon na nakatira at doon na nagstastay dahil sa sinabi ng mama nito.
“Mama naman wag ka naman sumigaw rinig ko naman ehh” sabay niya sa mama niya ng makababa siya. Habang ang boss niya ay prente lang na nakaupo sa sofa nila.
“Ohh siya maiwan ko muna kayo diyan ha, asikasuhin mo yang borfriend mo” paalala ng mama niya. Narinig niya naman ang mahinang tawa ni Drake.
“Ano ba kasing ginagawa mo dito ha?! Wala naman trabaho ngayon! Nagpapahinga pa ako Pagkatapos ng sangdamakmak na papers na pinaayos mo!” May ngiti lang na sumupil sa mga labi nito.
“I miss you” di niya inasahan na sasabihin iyon ni Drake sa kanya.
“Anong miss ka diyan?! Di ko pa rin makakalimutan na inaway ako ng isa sa mga babae mo no!bat mo kasing sinabi na hindi mo ko totoo ng girlfriend, grrrr!”di naman agad to umimik.
” So Keziah kailan mo ako sasagutin? “biglang tanong ni Drake sa kanya.
” May tinanong ka ba? Para sagutin kita ha?! “asik niya dito. Di pa rin kasi mawala ang Inis niya.
” Ano bang kailangan kong gawin para sagutin mo ko? “may halong sinceridad na tanong ng boss Drake niya sa kanya.
” Magtanong ka muna siyempre! Anong sasagutin ko kung wala kang tanong tsk! “napakamot naman ito ng ulo.
” Fuck Keziah I am not joking, “iritadong sabi ni Drake sa kanya.
” Minumura mo ba ako ha?! Ano linawin mo kasi ang tanong mo! “bumuntong hininga muna si Drake bago magsalita ulit.
” I am asking you if you will agree to be my girlfriend, I am being serious around here, so kailan mo ako sasagutin para naging girlfriend na kita”mahinahong sabi nito. Di naman siya agad umimik. Dahil di pa rin maprocess sa utak niya ang sinabi nito.
” Ano???” yun lang ang lumabas sa bibig niya.
“The he’ll alam ko narinig mo ang sinabi ko!” asik nito sa kanya.
“E diba girlfriend mo na ako? Fake nga lang” giit niya dito.
“Kaya nga this time totoo na” usal naman ni Drake sa kanya.
“Nanligaw ka ba para sagutin kita ha?!” ganti niya rito para mas Lalong magmukhang iritado ang mukha nito.
“You’re unbelievable” sabi nito sa kanya. Mabuti nalang ay hindi sila naririnig ng mama niya.
“Baka ikaw yun!” asik niya rito.
“Kung di ako nanliligaw sayo then bakit may bulaklak sa mesa mo tuwing umaga, bakit kita hinahantid tuwing uuwi ka, at Lagi kitang inaaya maglunch,”di siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Akala niya ay walang meaning ang mga yon.
” Akala ko ay walang meaning ang mga yon”yun lang ang nasabi niya.
“Kung sakit ang pagiging manhid malala ka na” sabi nito at Iniwan siya. Naglakad ito paalis sa bahay nila.
“Hoy Drake teka lang!!!” habol niya dito pero di siya nito pinansin.
Sumakay ito ng kotse at pinaandar agad iyon paalis.
“Anak bat ka...


sumisigaw nag-aaway ba kayo ng boyfriend mo? Tinarayan mo no?” agad na tanong ng mama niya.
“Wala lang yon Ma, ganun lang kami mag-usap” pagsisinungaling niya.
“LQ na naman kayo, hay anak bawas bawasan mo kasi ang kamalditahan mo” paalala ng mama niya.
Habang nasa bahay nila si Keziah. Si Drake naman ay nasa bar .Baka ba parang manhid na si Keziah?Umamin sila na gusto nila ang isat isa pero bakit ganun?
“Woah bro bakit ka nagawi dito?akala ko ba bagong buhay ka na! Miss mo na mga girls noh!” pang-aasar ng kaibigan niya.
“Gago!” asik niya rito.
“Bro mukhang nakakarami ka na! Hoy tama na yan! Yari ako kay Tita nito dahil baka sabihin naimpluwensiyahan na naman kita” sabi ng kaibigan niya pero patuloy lang siya sa pag-inom. Dahil di na pagkagusto ang nararamdaman niya kay Keziah.Its already love.
“Shut your fucking mouth!” sigaw niya rito.
“Ano bang problema mo? Si miss Secretary ba?” tanong nito.
“Manhid si Keziah Allyson” sabi niya.
“Woah bro di pa ren ba kayo hanggang ngayon, ayaw ata talaga sa babaero ehh” wika ng kaibigan niya.
“Nagbago na ko!!!” sigaw niya rito.
“Sabi ko nga Nagbago ka na, tama na yang kakainom mo bakit di mo kausapin kaysa naglalasing ka” payo ng kaibigan niya sa kanya.
“Fuck!!! Bakit Manhid siya? Akala niya pagkagusto lang ang nararamdaman ko ha?! I am being inlove with her, for fucking fiver years simula ng maging sekretarya ko siya! Tapos umamin ako na gusto ko siya ganun din siya pero parang wala lang yon!” pagkukuwento niya sa kaibigan.
” Bro, broken ka na ata, kailangan mo na ata ng babae ang dami sa paligid ohh! sabi nito at lumilingalinga sa paligid ng bar.
“If its not Keziah wag na lang! Magbago ka na gago!” sigaw niya sa kaibigan ngunit tumawa lang ito.
Bigla namang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag.
“Hello?”pagsagot niya rito.
“Drake asan ka? Hinahanap kasi sa akin ng mommy mo, wala ka naman sa kompanya, asan ka ba kasi?” si Keziah ang tumawag sa kanya. He loves to hear her voice. It’s like a music to his ears.
“And you care because?” sagot niya dito.
“Dahil Secretary mo ako at boss kita” sagot nito sa kanya.
“Fucking reason” usal niya dito.
“Teka lasing ka ba? Hoy asan ka?” mukhang Nag-aalala ito sa kanya.
“Don’t pretend that your worried about me, your just hurting my feelings you know. Fuck this heart!!!” dahil sa kalasingan ano ano na ang sinasabi niya.
“Teka lasing ka nga! Asan ka? Hoy sabihin mo sa akin asan ka, pupuntahan kita diyan!” sabi ni Keziah sa kanya. Pero di niya ito sinagot. Kinuha naman ng kaibigan ang cellphone niya.
“Hello miss Secretary naandito siya sa bar naglalasing dahil sayo manhid mo daw kasi. Mabuti sunduin mo to dito. Mas mabuti pang nakikipagdate to sa girls kaysa nag-iinom!! Please hurry up!!!” sabi ng kaibigan niya. Pakialamero talaga.
“Gago! What did you tell her?” asik niya sa kaibigan.
“Pupuntahan ka nun dito! Nag-alala siya sayo halata sa boses niya, malay mo may nararamdaman rin sayo yun takot lang sumugal!” payo ng kaibigan niya.
Ang sinabi ng kaibigan niya ang nagecho sa isip niya.
Sana nga ay parehas sila ng nararamdaman. At hindi lang basta pagkagusto ang nararamdaman nito sa kanya.
” Drake!!! “rinig niyang boses ni Keziah. Pinuntahan nga siya nito.
❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top