May past and future love story


Sa edad na 19 ay nag asawa ako at nabuntis at dahil dun ay nagalit sakin ang magulang ko pero mas pinili ko parin na sumama sa lalaking mahal ko.. Nang kami ay nagsasama pero s bahay ng magulang nya ay nung una masipag pa sya mag hanap buhay pero nang hindi ko namamalayan ay meron na pala syang ginagawang d maganda habang aq ay nasa bahay lang dahil ako ay buntis at d lumalabas.. Nang ako ay manganganak na ay dapat sya ang kasama ko pero mama ko ang kasama ko dahil hindi rin aq natiis ng mama ko. Inabot kami ng anak ko s ospital ng 1week bihira lang sya pumunta dahil nag hahanap daw sya ng pera. Nang makalabas na kami s ospital ng dahil s tulong ng papa ko ay dun ko na nalaman na meron na syang ibang babae. Hindi nya alam na alam ko na hinintay q na baka mag bago pa sya.. Dumaan ang dalawang buwan ay wala parin syang trabaho kaya kahit 2months palang ang baby ko ay nagtrabaho na ako. Ako na ang nag hahanap buhay na dapat sya ang may obligasyon. Dahil s canteen ako nag trabaho s loob ng construction site ay may mga costumer na engineer ang naghanap ng empleyado. Kaya naman agad ko sya inerekomend. Pero nakaka dalawang linggo palang sya ay bigla nalang sya nag resign habang nasa work kami pareho. At nang pag uwi nga namin ng bahay ay bigla nya nalang aq sinaktan dahil pinagbibintangan nya aq na nakita nya raw aq na may kahalikan s cr kahit na hindi nman totoo.. Doon ko napag isip isip na baka gumagawa na sya ng way para iwan ako.. Pero dahil sa sama ng loob ko na sinaktan nya ako ay kusa na kami umalis ng anak ko at umuwi ako s mama ko.. Wala pang isang buwan ay nalaman ko na cla na ng best friend ko.. Nag lantad na cla s lahat na meron clang relasyon.. Habang natutulog kami ng anak ko ay sinugod aq ng best friend ko para sabihin at ipamukha sakin na cla na ng asawa ko. Pero dahil nga s matagal ko nang alam ay binalewa ko lang cla dahil cla parin ang nakatanggap ng d magandang salita s mga kaibigan at kamag anak namin.. Makalipas ang ilang buwan ay tuloy parin ang kayod ko para s anak ko. At dun na nga nag simula ang panibagong buhay namin mag ina.. May nakilala ako...


na mas minahal ako at pinahalagahan at minahal din ang anak ko. Naging maging syota kami ng isang taon.. Lumipas ang isang taon ay niyaya ako mag pakasal ng boyfriend ko at ginamit narin ng anak ko ang apelyedo nya.. Laking pasalamat ko s diyos na nakilala ko sya kahit na may mga pagsubok ay sabay naming hinarap.. At ilang buwan nalang ay kasal na namin nabalitaan ko na nahulog sya s building na pinapasukan nya kaya agad akong pumunta s ospital.. At s awa nman ng diyos ay d malala ang lagay nya pero ang buto nya s kaliwang paa ay stainless na naoperahan sya.. Makalipas ang isang buwan ay kasal na namin kahit maga parin ang paa nya ay sinikap nya paring maglakad para s seminar namin.. Dumating na nga ang araw ng kasal namin ay maga ang paa nya at tiniis nya lang yon hanggang s matapos ang kasal.. Makalipas ang ilang buwan ay umuwi kami ng maynila s mga magulang ko at dun kami nanirahan.. Makalipas ang isang taon ay may dumating na magandang blessings samin.. Ako ay buntis ng isang buwan pero s kasamaang palad ay nang mag dalawang buwan na ang tiyan ko bigla nalang namilipit ako s sakit kaya dinala aq s lying in. Nirekomenda nila na mag pa ultrasound ako. Ng matapos ako mag pa ultrasound ay sinabi saamin na nasa labas daw ng matres ang bata.. Bigla kaming nalungkot pero nag pa ultrasound ulit ako para maka siguro at ganun parin ang resulta. Agad nman ako dinala ng asawa ko s ospital para s operasyon.. Nang ako ay inooperahan ay d kinaya ng katawan ko at bumaba ang dugo ko kaya ako ay nag 50/50 agad namang pinabili ang asawa ko ng gamot na nagkakahalaga ng 3,000 mahigit kahit maliit lang para tumaas ang dugo ko.. Ng ako ay nasa recovery room na ay patuloy parin ako sinasalinan ng dugo.. Umiiyak nalang ako dahil ramdam ko ang hirap at pagod ng asawa ko.. Kahit isang taon palang ang nakalipas ng sya ay maoperahan d sya nag dalawang isip na maglakad ng maglakad para lang mabili ang mga kelangan para sakin..🥺🥺 kaya laking pasalamat ko talaga s panginoon at sya ang naging asawa ko.. Kahit nahirapan kami at maraming problemang dumaging ay d sya makikitaan ng kahinaan ng loob.. Mahal na mahal ko sya kahit na minsan may topak sya😅 dto nalang po ang kwento ng PAST AND FUTURE LOVE LIFE ko😊😊😊

Benjo M.
09260510294






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top